Dalawang beses ko siyang pinag tataboyan sa totoo lang, pero sa susunod na araw ng panahon na yun, hindi na siya nag pagkita hinahanap ko siya, hinihintay ko siya nung mga panahon na yun, yes ginagawa ko yun di ko naman kayang eh deny.

Hanggang sa makauwi nalang ako galing hospital walang Zyryl na nag pakita saakin, hanggang sa pag uwi ko, at kahapon ko lang siya ulit nakita.

"Belle bakit parang hindi na ako ito? parang hindi na si Alice tong pag iisip ko? ang drama ko na" yun ang nasabi ko kay Belle kagabi sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Walang pinipili ang pagmamahal as well sa sakit na mararamdaman mo pag nasaktan ka ng taong mahal mo Alice, walang pinipiling tao din yun, kaya ka naging ganyan kaya iniisip mong nawawala yung tunay na Alice dahil nag mahal ka of course nasaktan ka. Don't worry kahit iniisip mong nawawala yung tunay na ikaw? pero di naman halata dahil sa nakikita ko ngayon ikaw parin si Alice, physically but in mentally and emotionally I don't think so lalo na't ikaw lang mag isa? napapansin ko yun pero pag may kasama ka parang ikaw parin yung dati, walang pakialam sa iba."

"Kaya siguro pinag hihinalaan yung pag mamahal ko dahil sa pinapakita ko." bulong ko sabay hinga ng malalim

"Po ma'am?"

"Huh?"

"Kanina ka po tulala ma'am"

"Uh? sorry?"

"Okay lang po ma'am mag pahinga na muna kayo"

Tumango naman ako, ngayon ko lang napansin na andito na ako sa coffee shop.

Bumalik ako dito sa dahilang di ko alam.

"Ano po gusto niyo ma'am?"

"Okay lang ako aalis din naman ako may pupuntahan pa akong branch nitong cafe"

"Sige po ma'am"

Umalis naman ako don at nilingon ulit ang upuan na inupuan ni Zyryl kahapon.

Tinawagan ko si Belle pero naka off yung cellphone niya, busy ba yun? wala namang trabahong nangyayari ngayon ah? bakit naka off yung phone niya? ano pinagkakabusyhan?

Ng maka pasok ako sa driver's seat ay timing ang pag dating ng kotseng pumarada sa tabi ko.

Nilingon ko ang kotseng yun.

"Kotse ni Zyryl?"

Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko pero nanatili lang ako sa loob at hinintay kong makita siya.

Nakita ko pang nilingon niya ang kotse ko buti nalang at naka heavily tinted na makapal yung kotse ko at malabong makitang may tao sa loob.

Pinanuod ko lang siyang pumasok sa coffee shop, nag order ng kung ano at lumabas ng coffee shop na dala ang inorder na may ngiti sa mga labi, totoong ngiting hinding hindi pilit na ngiti.

Masaya na siguro si Zyryl ngayon? buti naman ayokong makita siya tulad nung nasa L.A kami, ayoko na ulit makitang ganong kalagayan si Zyryl, mas okay na saakin yung makita siyang nakangiti at masayang masaya.

Huminga naman ako ng malalim at hinintay ang pag alis ng kotse ni Zyryl, ng makaalis ito ilang minuto din ang hinintay ko bago siya makaalis at bago din ako makaalis ng tuloyan sa coffee shop na yun.

Take care Zy.

Zyryl's POV

Kinagabihan umalis si Belle at umuwi na si Lea habang ako andito nag hihintay, parang tuod  na di alam kung ano ang gagawin, hindi ko pa nga nakikita nanigas na ako sa kinatatayuan ko pano nalang kaya kung makita ko na?.

Baka yung kabang nararamdaman ko ngayon ang rason kung bakit ako mahihimatay. Fvck ang babae naman pakinggan.

Nakita ko kotse ni Alice kanina sa coffee shop ng tinanong ko ang staff nila ang sabi umalis na yung ma'am nila pero dahil andyan pa ang kotse ni Alice baka nasa loob ng kusina lang o opisina di ko alam yun lang hinala ko.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now