"wala akong nakitang benda sa utak niya"

"Edi nasa katawan yun"

"Wag na nating pag usapan yun, bakit ka napatawag?"

"Hinahanap ka ni Boss"

"Bakit daw?"

"Nakalimutan atang on leave ka"

"Bakit mo nasabi?"

"Dahil kita naman sa mukha niya na naalala niya na nung sabihin naming on leave ka"

"Bakit niya ako hinahanap?"

"Di ko alam, walang may alam kundi siya lang"

"Okay"

"Sige na mahal ang bayad nitong tawag ko"

"tsk bye"

binaba ko naman ang tawag at humiga.

Belle's POV

Ng makauwi ang parents ni Alice literally uwi sa Korea at pati tatay ko na umuwi ng Spain at si Kuya Alexander, ako at si Zyryl ang naiwan dito sa L.A.

Pero hanggang ngayon ay di pa nadadakip ang may kasalanan, pero inasikaso na ng tatay ko iyon sa maduming paraan habang si Kuya Alexander naman ang nag asikaso sa malinis na paraan para di mahalatang may ginawang maduming laro ang pamilyang ito.

Ako? anong ginagagawa ko? ano pa ba nag babantay yun lang naman ang kaya kong gawin sa ngayon.

Habang tinatawagan ko si Zyryl para pumunta dito nakatingin ako sa walang malay na Alice.

"Hello?" malumay na sagot ni Zyryl sa kabilang linya

"Kagigising mo lang?"

"Yeah"

"Okay Zyryl" napakunot naman noo ko ng makita kong may luhang tumulo sa mga nakapikit na mata ni Alice.

"Bakit ka umiiyak?" bulong kong tanong kay Alice, siguro nananaginip ito? kailan pa umiiyak si Alice habang natutulog?

"Huh? di ako umiiyak ano ba nangyayari?"

"Huh? ah hindi ikaw Zy ano si Alice yun umiyak kasi"

"Gising na siya?" biglang sumigla ang tono ng pananalita ni Zyryl

"Hindi pa, pumunta ka nalang di-- Alice!" sigaw ko ng makita kong bumakas ng unti unti yung mata niya.

"f-fvck" mahina na mapakla niyang sabi. Unti unti niya naman ginalaw ang braso niya at pinatong sa noo niya.

"Gising ka na"

"H-hindi pa a-ako bingi para s-sumigaw ka"

"Pasensya na"

"N-nasisilawan ako paki off ng i-ilaw"

"Edi didilim"

"bakit niyo ba ako dinala dito? sana nilipat niyo ako ng hospital na may lamp shade" tuloy tuloy na ang pag sasalita niya pero mahina padin.

Lumapit naman ako sa switch at inoff ang ilaw ng buong kwarto at inon ang lampshade na nasa tabi ng higaan niya at sa tabi ng sofa at sa tabi ng pinto na malapit lang sa switch.

"Okay ka na madam?"

"yeah"

"Tatawag lang ako ng doctor"

Lumabas naman ako ng kwarto pero nagulat ako ng malapit kong makabangga si Zyryl.

"Gising na si Alice?"

"Bakit ka pumunta dito?"

"Gusto kong makita si Alice"

"Alam ko pero yung ganyan itsura mo? okay lang sayo?"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now