🌸ForgottenPseudonym🌸

21 3 0
                                    

Name: Dane Belmonte
Pseudonym: ForgottenPseudonym
WP/FB accounts: GorgeouslyDane

Question #1:

Kailan at paano ka nagsimula sa larangan ng pagsusulat? Maliban syempre sa dahilang ikaw ay nag-aral noon, a? Haha

*Early age of 10. Katuwaan lang with some friends. Isang kwento ang pinagtulungan naming buoin sa isang lumang notebook.

Question #2:

Sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat?

*Misis ni Choi Seung Cheol.

Question #3

Ano ang naging motibasyon mo para itulak ang sarili sa bangin—este sa pagsusulat?

*Nagsilbing Sweet Escape sa akin ang pagsusulat. Takot kasi ako noon na sabihin ang lahat ng nasasaisip ko sa pag-aalalang baka may hindi pumabor o masaktan ako sa mga sasabihin ko kaya naman sa pagsusulat ko na lang ibinubuhos ang mga saloobin ko. Hugot nga kumbaga.

Question #4

Ano ang weakness mo sa larangang ito? (Title, content or technical) Paano mo ito nilalabanan? Bakit?

*Technical. Nagbabasa lang ako ng mga akda na alam kong may maayos na paglalahad at pumupulot ako ng mga aral. Ganern!

Question #5

Saang genre ka nahihirapan? Bakit?

*Horror? Hindi ko din alam. Hindi kasi ako matatakutin at hindi ko alam kung paanong magbigay ng kilabot sa mga mambabasa. But I'm trying naman na mag-improve.

Question #6

Handa ka ba kumasa sa hamon na sumulat ng isang dyanra na hindi mo gamay? Bakit?

*Ayos lang. Paano ko naman mapaghuhusayan kung hindi ako susubok, hindi ba? Mag-agree ka na lang.

Question #7

Ano ang masasabi mo sa mga bashers? (Sa iyo o sa ibang writers na meron nito)

*Personally, wala akong basher. Hindi naman kasi ako sikat, char! But seriously, keep in mind that people throw rock at things that shine. Kung hitik ka sa bunga, malamang target ka talaga ng bashers. Wag mo silang pansinin, kibers. Ngitian mo na lang at huwag kalimutang obserbahan ang mga sinasabi nila against you. Use that to improve. O diba? Ang bait ko talaga!

Question #8

Naranasan mo na bang ma-down dahil sa constructive criticism? Paano mo ito nilalabanan? Bakit?

*Again, wakokibers. I don't write to impress anyone. Bumabalik lang ako sa kung bakit ako nag-umpisa. At kung may punto naman yung sinasabi nila (kaya nga constructive, e.) Wala namang kaso kung kailangan kong mag-edit. Nasa maayos na pagbibigay at pagtanggap ng kritisismo 'yan frenny!

Question #9

Ano ang maibibigay mong payo para sa mga baguhan na manunulat?

*Never.Ever.Think na basura ang iyong akda. Sulat lang nang sulat.

Question #10

Sa tingin mo ba, may magandang naidudulot sa lipunan ang mga akda mo? Bakit?

* Mayroon naman siguro. I focused on family related issues. Eh saan ba nagsisimula ang lahat bago maging lipunan, sa pamilya diba? Though, I could never tell. Depende sa reader. Kung baliw sila kagaya ko, nakatulong naman siguro para sa kanya, diba?

Question #11

Kung hindi ka writer ngayon, bukod sa pagsusulat, ano sa tingin mo ang nakikita mong ginagawa at propesyon mo?

*Hindi ako propesyonal na manunulat, pero kung wala siguro ako sa larangan na ito, mag-aartista na lang ako. Syempre charot lang.  Di naman ako kagandahan!

Question #12

Ano ang masasabi mo sa iyong mga readers/fans?

*Sa inyong apat,  charot!  To my readers, paramdam naman kayo.  Ipadama niyo ang inyong presensya! I don't bite, char! Sana may napupulot kayong aral sa mga sinusulat ko. Pasensya na kung masulpot-sulpot ako.  One week active,  two weeks na hindi,  ganern. Enjoy reading!

ForgottenPseudonym saying:

"Hindi mo kailangang makipag-agawan ng spotlight sa mga sikat na manunulat. Magsulat ka para sa ikasasaya ng puso mo. Dadating din ang tamang pagkakataon na may makakapagmina ng tinatago mong yaman. Kudos!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Their PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon