🌸HerrlichKrieger🌸

61 5 0
                                    

Name: Yana Anne Corpuz
Pseudonym: HerrlichKrieger
WP/FB accounts: Yana Anne CB

Question #1:

Kailan at paano ka nagsimula sa larangan ng pagsusulat? Maliban syempre sa dahilang ikaw ay nag-aral noon, a? Haha

- Reader lang talaga ako noon sa wattpad. Pero no'ng nag-aaral ako, hindi man sa pagmamayabang pero ako po ang pinagmamalaki ng teacher ko sa pagtutula. Nagsimula akong magsulat no'ng napuno na sa utak ko ang iba't-ibang plot. Para iyong sasaboh at kailangan kong mailapat. Simula no'n mas gusto ko pang palawakin ang kaalaman ko sa larangang iyon.

Question #2:

Sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat?

- Sarili ko siyempre. Gusto kong makapasok sa isang sikat na publishing. Ang PHR. Iyon ang pangarap ko. Pero mas sinisipag ako kapag may gumagalit sa akin. Lalo kapag tinatapakan ang pagiging writer ko. Mas lalo kong pinaghuhusayan. Hindi para sa kanila kungdi para sa akin.

Question #3

Ano ang naging motibasyon mo para itulak ang sarili sa bangin—este sa pagsusulat?

- Mga taong nilalapastangan ang kakayahan ko sa pagsusulat. Sila ang dahilan kung bakit mas lalo kong pinaghuhusayan.

Question #4

Ano ang weakness mo sa larangang ito? (Title, content or technical) Paano mo ito nilalabanan? Bakit?

- Content. Sa dami ng clichè na istorya, hindi ko na alam kung papaano magiging unique ang story ko. Kaya sa huli, niyakap ko nalang ang istorya ko. Napa-clichè man o hindi.

Question #5

Saang genre ka nahihirapan? Bakit?

- ADVENTURE, FANTASY, HISTORICAL. Hindi ako fan nila.

Question #6

Handa ka ba kumasa sa hamon na sumulat ng isang dyanra na hindi mo gamay? Bakit?
- Oo naman. Flexible naman ako sa genre basta pag-aaralan mo muna bago magsulat.

Question #7

Ano ang masasabi mo sa mga bashers? (Sa iyo o sa ibang writers na meron nito)

- Keep going. For me, mas lalo lang pinatutuyan sa inyo ng mga writers na may igagaling pa sila. Magalit lang kayo. Wala namang may pake sa inyo.

Question #8

Naranasan mo na bang ma-down dahil sa constructive criticism? Paano mo ito nilalabanan? Bakit?

- Hindi. Alam ko kasi ang pinagkaiba ng critique kaysa sa lait. Okay sa akin ang harsh critique. Mas gusto ko 'yon. Pero alam ko rin kung kailan nagiging LAIT na ang simpleng PUNA.

Question #9

Ano ang maibibigay mong payo para sa mga baguhan na manunulat?

- Keep going. H'wag makuntento sa dami ng followers and readers. Mas maganda pa rin na may alam ka sa aspetong teknikal at kung papaano pagagandahin pa ang maganda mong akda. Manatiling nakatapak ang paa sa lupa. Matutong maglinis ng sariling kalat.

Question #10

Sa tingin mo ba, may magandang naidudulot sa lipunan ang mga akda mo? Bakit?

- Wala. Nagsusulat naman ako para sa sarili ko at hindi para sa lipunan. May maidulot man o wala sa kanila, it's fine.

Question #11

Kung hindi ka writer ngayon, bukod sa pagsusulat, ano sa tingin mo ang nakikita mong ginagawa at propesyon mo?

- Dancer. A performer.

Question #12

Ano ang masasabi mo sa iyong mga readers/fans?

- Keep going. Thank you sa pagsuporta.

Yana Anne's Saying:

- Never let your basher ruined your day. Instead, make them your inspiration to be a good writer someday.

Behind Their PenWhere stories live. Discover now