🌸MissteaMarj🌸

26 3 0
                                    

Name: Marjolyn Abizar
Pseudonym: MissteaMarj
WP/FB accounts: @MissteaMarj/ Marjolyn Abizar

Question #1:
Kailan at paano ka nagsimula sa larangan ng pagsusulat? Maliban syempre sa dahilang ikaw ay nag-aral noon, a? Haha

- Grade six ako nang magkainteres ako sa  pocketbooks ng PHR since adik doon ang Mama ko. Lagi ko siyang nakikita na nagbabasa lalo na ang Kristine series ni Ms. Martha Cecilia at literal na ipinaglihi niya ako sa pocketbooks ng PHR. Hahaha! Araw-araw ako kung magbasa ng mga 'yon dahil wala namang problema ang Mama ko kapag nagbabasa ako ng mga pocketbooks. Hanggang sa isang araw, naisip ko, "Bakit hindi ako magsulat ng isang istorya na kung saan ako ang bida?" Ambisyosa kasi ako. Lol. Around 2012, second year high school ako, doon na ako nagsimulang magsulat ng nobela nang makita ko si crush kasama ang girlfriend niya. Plano ko na ako at ang crush ko ang bida, pero since nasaktan ako nang mga panahon na 'yon, sila na ang ginawa kong characters at ginawang tragic ang kwentong binuo ko. Hahaha! Kaya ayon, hindi nga talaga sila nagkatuluyan hanggang huli. Char!

Question #2:
Sino ang inspirasyon mo sa pagsusulat?

- Maliban sa Mama ko, siyempre 'yong mga taong naniniwala na kaya kong magsulat ng magagandang kwento. Sila lang ang tanging rason kung bakit nagsusulat ako hanggang ngayon kahit andami nang pagkakataon na pinili kong itigil na ang pagsusulat. Nakakatawa nga na sa ilang beses na ginusto kong sumuko ay hanggang ngayon, heto pa rin ako at nagsusulat dahil sa kanila.

Question #3:
Ano ang naging motibasyon mo para itulak ang sarili sa bangin—este sa pagsusulat?

- Ang mga nakahilerang libro ng mga paborito kong manunulat sa bookstores.  Kapag nakikita ko ang mga 'yon ay mas lalo lang ako namo-motivate na magsulat pa at gandahan ang mga gawa ko. Na balang-araw ay makikita ko rin ang sarili kong libro sa bookstores katulad nila. Ehem! Hahaha!

Question #4:
Ano ang weakness mo sa larangang ito? (Title, content or technical) Paano mo ito nilalabanan? Bakit?

- Marami. Hahaha! Nahihirapan akong maglagay ng title. Sa title pa lang struggle is real na ako. Hindi ko alam kung bakit. Tipong nauumpisahan ko na ang nobela ko pero wala pa ring title. Hahaha. Hindi rin ako sanay sa plot outline or scenes outline. Kalaban ko rin ang "ng at nang" ngunit unti-unti naman na kaming nagiging friends as of now. Ngayon lang ako hindi talaga nahirapan dahil sa mga natutunan ko sa isang mentoring.  Sanayan lang din sa hirap. Struggle ko na talaga mula simula ang paglalagay ng title. Minsan sa titles ng kanta lang ako umaasa. But now, luckily at marunong na akong mag-isip. Hahaha!  Nao-overcome ko naman ang mga 'yon. Manood ng kdramas, makinig ng music at magkape ng isang pitsel--- tsar!

Question #5:
Saang genre ka nahihirapan? Bakit?

- Sa dalawang genre lang talaga ako hiyang. Sa Romance at Inspirational. Since nagsimula akong magbasa ng romance novels, iyon ang unang genre na sinubukan kong isulat. Hanggang sa hindi na iisang istorya kundi marami pa ang sumunod at hindi ko na naisip pang may iba pa palang dapat i-explore na genre. Kaya heto, hirap ako sa action-adventure, horror, at spg--- este mystery.

Question #6:
Handa ka ba kumasa sa hamon na sumulat ng isang dyanra na hindi mo gamay? Bakit?

- Oo naman. Kahit matatakutin ako sa mga horror stories o kahit lagi akong sablay sa action scenes at kahit laging predictable ang mystery stories na sinubukan kong gawin ay kakasa ako sa hamon kung sakali. Way na rin 'yon para lumabas ako sa comfort zone ko at mag-grow pa bilang writer.

Question #7:
Ano ang masasabi mo sa mga bashers? (Sa iyo o sa ibang writers na meron nito)

- Wala akong bashers since hindi naman ako sikat. Hahaha! Pero para sa bashers ng ibang writers, maghanap kayo ng ibang magagawa sa buhay. Ang mga writers, may mga sariling buhay at nakakaramdam din ng sakit kapag may mga bagay kayong nasasabi na hindi maganda. Imbes na dumagdag kayo sa problema nila, you can just send them messages, tell them to write beautifully and that you appreciate them para mas marami kayong mabasa na magaganda. Simpleng mensahe at motibasyon ninyo ay ang pinaka-nakakakilig para sa isang manunulat. Itigil na ang mga bagay na hindi maganda. Just love, ika nga nila. ❤

Question #8:
Naranasan mo na bang ma-down dahil sa constructive criticism? Paano mo ito nilalabanan? Bakit?

- Nakatanggap na ako ng constructive criticisms at oo, na-down talaga ako. Hindi kasi ako sanay na nababasa ng ibang tao ang mga gawa ko. Maliban sa mga classmates at kaibigan ko, e wala pang nagbasa ng isinusulat ko na talagang magagaling sa larangan ng pagsusulat. Kaya noong na-critique ang aking mga gawa ay may parteng nasaktan talaga ako. Umiyak sa kwarto ng mga ilang oras, hindi kumain. Basta nagdrama magdamag, nagsulat magdamag para gandahan pa lalo ang gawa ko. Kaya lang, napagod din ako. Naisip ko na bakit ako masasaktan, e paraan nga iyon para mapaganda at mag-grow ako bilang manunulat? Ngayon, tanggap lang ako ng tanggap ng mga 'yon (constructive criticisms) nang hindi na nasasaktan.

Question #9:
Ano ang maibibigay mong payo para sa mga baguhan na manunulat?

- Huwag sukuan ang pagsusulat. Gaano man kahirap maghanap ng lugar sa mundo ng literatura ngayon, magpatuloy ka lang. Kung gusto mo talagang makita ang sariling libro, huwag kang titigil. Mag-umpisang sumali sa mga contests at matutuong tumanggap ng constructive criticisms dahil makakatulong iyon sa mas lalo pang paggaling ninyo. Normal lang sa manunulat ang mahirapan pero matutong magtiis. Darating ang araw, ang mga kwentong isinulat mo ay maisasalibro rin. Kung pagod ka na, magpahinga. Iyak ng konti at sulat ulit. Frustrations are just frustrations, you are a writer. And a real writer don't include the word "quit" in his/ her vocabulary.  At bago ang lahat, matutong rumespeto sa mga mas nakakatanda sa writing world. They're our seniors at talagang mababait. You can ask for advices and help. Sila ang magsisilbing guide ninyo at inspirasyon na rin. Kudos to my Ate's and Kuya's in the writing world! ❤

Question #10:
Sa tingin mo ba, may magandang naidudulot sa lipunan ang mga akda mo? Bakit?

- Lahat naman siguro ng manunulat ay iyon ang purpose kung bakit sila nagsusulat, hindi ba? Ang may maidulot na maganda sa lipunan sa pamamagitan ng mga isinulat nila. Oo, mayroon. Hindi lang ako basta nagsusulat para sumikat, oo sabihin na nating HALOS lahat naman ng manunulat gusto talagang sumikat. Ako, kung nagsusulat man ako, iniisip ko kung paano maaapektuhan ang magbabasa ng istorya ko. Gusto ko na may matututunan sila. Matutong magpatawad, mahalin ang pamilya at iba pa.

Question #11:
Kung hindi ka writer ngayon, bukod sa pagsusulat, ano sa tingin mo ang nakikita mong ginagawa at propesyon mo?

- Kung hindi ako writer ngayon baka sana normal ako. Hahaha. Jk. Since student pa lang naman ako ngayon, kung hindi ako writer, marahil iniisip ko na lang ang future career ko at hindi kasama ang pangarap kong magkaroon ng sariling libro. Sana internship na lang ang pinoproblema ko at hindi ang pendings kong mga nobela.  But still, hindi ako nagsisisi na naging manunulat ako. Mahal ko ang pagsusulat at hindi mababago 'yon.

Question #12:
Ano ang masasabi mo sa iyong mga readers/fans?

- Kaunti lang naman kayo kaya sana magmahalan kayo. Hahaha. De, seryoso. Hindi kayo gaano karami pero masaya ako dahil sa inyo at kahit papaano ay may nakaka-appreciate ng mga gawa ko. Sana hanggang sa huli ay kayo pa rin ang kasama ko. Mahal ko kayo! ❤

MissteaMarj saying:
"Keep writing. The only way in becoming successful is to love your craft. So, love writing and continue to keep your pens bleed. Your words can change the world and can fix someone's breaking world."

Behind Their PenWhere stories live. Discover now