151

691 18 3
                                    

Panda💚
active now
2:39 am

Jwi💙: bat hindi kapa tulog?!

Panda💚: hoy! parang ikaw hindi ah

Jwi💙: at uy ginawa mo talaga

Panda💚: ayaw ko mamatay dahil lang sa kiliti

Panda💚: ang bata ko pa para mamatay

🎥 Jisung Park is calling...
Answer | Decline

Jisung
Jiyeon

"Uy himala sinagot mo agad,"
Nagulat si Jisung na bigla nag answer si Jiyeon, "Ano ba trip mo at nag pa video call ka?" Hindi naman sa ayaw ni Jiyeon, sa totoo lang gusto niya nga eh.

"Nakaka tamad kasi mag type."

"Ewan ka talaga."

"At hoy alam mo hindi maganda kapag ganito ka late matulog." Jisung scolded, napansin niya kasi ganitong oras gising pa siya, "Hoy hindi rin maganda pinagsasabihan mo ako kasi ikaw rin naman ah." Napatawa si Jisung.

"Pansin ko,"

"Pansin mo na bakla ka para kay Chonlo?"

"Pag sinabi ko 'pansin ko' Chenle palagi ang sagot mo,"

"Chensung for layp." Sabi ni Jiyeon habang naka smile at naka peace sign.

'bat ang cute niya' Naisip ulit ni Jisung.

"Pero hindi. Pansin ko, midnight talks are our thing now." Sabi ni Jisung, hindi rin alam ni Jisung kung bat niya yun sinabi, "Third time na to or second."

'our thing' Mas lalo lumaki yung ngiti ni Jiyeon, nung sinabi yun.

"So..midnight talks are our 'thing' now."

Pero reality hit Jiyeon, may nililigawan si Jisung, at hindi siya yun. Midnight talks should be there thing.

'si Eli dapat, hindi ako'

"Pero serious ako, bat ka biglang nawala?" Nagtatakang tanong ni Jisung.

"Wala lang."

"Wala lang, tas binlock mo ako," Nag pout si Jiyeon, and Jisung could not help and think.

'bat ba ang ganda niya! at ngayon ko lang napansin..' Sabi niya sa isip niya.

"Reason na hindi mo dapat malaman.." Jiyeon mumbled, "Ano?"

"Sabi ko, bat ka ba curious na malaman kung bakit na wala ako bigla."

"Una, offline ka, 4 days kang offline. Halos walang nakaka alam kung saan ka. Second, binlock mo ako, nagalala ako. Akala ko nga baka may ginawa ako kaya ka nawala at binlock mo." Napatawa si Jiyeon, "Wow caring kapala."

"Syempre ako pa, good boy ako eh," Sabi ni Jisung at nag wink, "Taena may pa wink wink ka pa dyan."

"Teka kuha lang ako nang tubig." Sabi ni Jisung.

"Okay," Sagot ni Jiyeon, at hindi niya na pansin, na unti unti pumipikit na yung mga maya niya, "Jiyeon..gising." Sinampal niya yung sarili niya, but she didn't feel anything.

Yung pag ka balik ni Jisung, nakita niyang tulog si Jiyeon.

"Hindi maganda yung ganitong oras ka natutulog. Baka magka sakit ka, magalala na naman ako," Alam ni Jisung tulog siya, at wala siyang pake alam kung bat niya sinasabi to.

'dahil kaibigan ko siya' Tiningnan niya si Jiyeon. Napansin niya, halos ang puffy nang mga mata niya kanina.

'parang umiyak siya'

"Okay ka lang Jiyeon?" Tanong niya, kahit alam niya hindi mag re-reply.

"Jisung.." Nagulat si Jisung na bigla nag salita si Jiyeon.

'sleep talking' Naisip niya,'

"I..i.."

"You?" Na curios si Jisung kung ano sasabihin ni Jiyeon. Tiningnan niyo to ulit at tulog na, "Good night Jiyeon."

Nakatulog narin si Jisung after a few
minutes, at hindi niya alam kung bakit si Jiyeon nasa isip niya buong gabi habang natutulog.

✓ 𝙋𝘼𝙉𝘿𝘼𝙆. park jisungWhere stories live. Discover now