Kahit na iniinda na niya ang sakit ay patuloy pa din siyang nakipaglaban kasama ng mga shadow. Madami dami na sila napatay pero patuloy pa din sa pagdami ang mga kalaban nila. Bigla na lang nakaramdam ng panghihina si Sian dahil na din sa epekto ng lason na nakuha niya kanina mula sa katana. Hindi din tumitigil ang pagdugo ng sugat niya. Naging matipid na din ang paggalaw niya at bumabagal na ang pag iwas niya sa mga daggers at bala ng baril na galing sa kalaban.

Nakita ni Ryuu ang panghihina ni Sian kaya mabilis niya itong nilapitan para tulungan. Nilabas na niya ang sinulid niya at mabilis itong nilagyan ng tubig kaya naging matalas ang bawat hibla nito. Ginawa niya itong parang latigo na siyang naghiwa sa mga katawan ng kalaban ni Sian.

"Thanks Ryuu." tanging nasabi ni Sian bago mapaupo dahil sa labis na panghihina dala ng pagkaubos ng dugo at dahil na din sa lason.

Dinala ni Ryuu si Sian kina Thunder at Tinulungan si Thunder sa pagprotekta sa kanila. Habang ginagamot ni Thunder ang tatlo si Ryuu ang pumipigil sa mga kalaban para hindi makalapit dito. Nagulat na lang si Ryuu ng maputol ang sinulid niya at napalingon siya sa nagputol nito. Si Dark Ivy na may hawak ng Isang uri ng asido na kayang tunawin ang chemical na pinanggawa ng sinulid niya.

"Sh*t pano siya nagkaganon. Ang alam ko hindi na nag eexist ang ganyang uri ng asido." bulong ni Ryuu pero narinig parin ito ni Dark Ivy.

"Alam ko lahat ng kahinaan niyo. Kaya kung ako sa inyo isuko niyo na lang ang buhay niyo. Kesa lumaban ng walang laban. Nakakaawa naman ang Shadow. Nalaos na ba kayo?" tatawa tawang sabi ni Dark Ivy kaya sinugod siya agad ni Ryuu gamit ang panibagong sinulid ngunit mabilis itong nabuhusan ng asido.

Hindi alam ni Ryuu na may mga assassin na nakaabang sa pagsugod niya kaya noong sumugod siya ginamit nila itong hudyat para atakihin siya. Nakuha ng mga ito ang mga sinulid niya at mabilis siyang sinaksak ng katana sa tyan.

"AHHHHH" sigaw na Ryuu na siyang nakakuha ng atensyon ng lahat ng Shadow pati na din ang mga bihag.

"RYUU" sabay sabay na sigaw ng mga ito.

Pinuntahan agad ni Kevin si Ryuu at pinatay ang mga assassin na nakapaligid nito. Pinaulanan ni Kevin ng dagger ang nakapaligid sa kanila ni Ryuu kaya isa isang nagsipagbagsakan ang mga kalaban.

"Ayos ka lang ba Ryuu?? P*ta naman sugod kasi ng sugod eh." sabi ni Kevin habang buhat buhat si Ryuu papunta kay Thunder.

"Nakita mo ng nasaksak tatanong mo pa kung ayos lang. Try mo kayang masaksak tapos tatanong ko kung okay ka lang." singit ni Kai na nakalapit na din pala sa kanila.

"Eh kung lumaban ka na lang p*ta. Hihirit ka pa dito eh. Ikaw saksakin ko dyan eh." banas na sabi ni Kevin.

Lumipas ang isang oras ng laban at napuruhan na ang lahat ng Shadow. Si Glen naman ay nagsusumikap na makawala sa kadena na nakatali sa mga kamay at paa niya. Nawawalan na ng pag asa ang lahat. Tila ba ito na ang katapusan nila. Pinakamalubha ang kalagayan ni Ryuu pero ginagamot naman siya ni Thunder para hindi ito tuluyang mawalan ng buhay.

Sa kabilang banda iisa lang ang dasal ng mga bihag. Na sana dumating si Winter. Dahil ito na lang ang tanging pag asa. Kahit na alam nilang imposible na matalo nito lahat ng malalakas na kalaban. Umaasa pa din sila.

Nagkalat na sa lugar ang mga bangkay ng mga assassin na napatay ng Shadow. Pero tila ba hindi maubos ubos ang mga kalaban at patuloy pa din sila sa pagdami. Hindi lang yun dahil palakas ng palakas ang mga kalaban na dumadating. Wala ng lakas ang mga Shadow para matalo pa ang mga ito. Nanghihina sila sa lason na natamo nila kaya ang tanging nagagawa na lang nila ay ang protektahan ang isa't isa.

"Tandaan niyo ito. Isa para sa lahat. Lahat para sa isa kung dito man magtatapos ang buhay natin masaya pa din ako kasi kayo ang kasama ko kahit sa huling sandali natin sa mundo." ang sabi sa kanila ni Thunder na siyang nagpalakas kahit paano sa mga loob nila.

Revenge of the Gangster's TwinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora