Chapter 22: Mark's Birthday II

769 9 2
                                    

Ashleen: HINDI! Hindi malandi ang nanay ko!!

Sa sobrang hiya ko tumakbo ako sa labas. Pupunta ako sa malayo! Malayong malayo!

----------------

Mark's POV

Eto na. Ako naman! Ako na ang dapat humabol sa kanya sa pagkakataong ito. Nakita kong mas nasasaktan siya sa mga nangyayare. Kailangan niya na ng karamay. Kailangan na niya AKO. 

Hinabol ko siya. Medyo malayo na rin ang natakbuhan namin.

Mark: Teka lang, Ashleen!

Tumigil naman siya. 

Mark: Mag usap muna tayo. 

Hinarap niya ko. At nakita ko ang mukha nya, basang basa ng luha. Pupunasan ko na sana mga luha niya kaso pinigilan niya ko. At nagsalita na siya.

Ashleen: O ano? Masaya ka na ba?! Ha?\

Umiling lang ako.

Mark: Hindi.. Hindi ako masa--- 

Ashleen: Masaya ka n ba? Eto na uh, winner ka na! Naparusahan niyo na ko! 

Umiiling iling ako habang sinasabe nya yung mga yun. Ngayon ko lang ule siya nakitang umiyak. At alam kong Mas Masakit ang nararamdaman niya ngayon.

Ashleen: NASAKTAN NA KO UH! UMIYAK NA KO! Masaya ka na ba?! Masaya na ba kayo ha?! OKAY NA BA? O kulang pa, ha?!!! GUSTO NIYO PA?! May pahabol pa ba kayong sasabihin ngayong GABI? Na masasaktan ako?! Sige pa! DURUGIN nyo pa ng durugin ang puso ko!

Luhang Luha na siya. Halos hindi na nga siya makapagsalita. Garalgal na rin ang boses niya. Ramdam na ramdam ko na yung sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam.

Ashleen: O ano?! Wala kang isasagot ha?!! MAGSALITA ka na! Ilabas mo na lahat ng galit mo! Bilis na! Lahat ng matatalim na salita, isaksak mo na saken! DALI! Ngayun na ;'( Ngayon naaaa :(!! Kaya ko pa naman ehh :/

Hinahampas hampas na niya yung dibdib ko. Naramdaman ko na yung sama ng loob niya saken. Wala akong nagawa kundi akapin siya. Awang awa ako sa kanya. Kitang kita ko yung sunod sunod na pagtulo ng luha niya. Yung galit na nararamdaman niya. Yung sakit. Yung sama ng loob. Sobrang nagui-guilty ako....

Mark: Tama na... Tahan na Baby ko... Nandito lang ako.. Karamay mo.. Best friend mo.. Hindi ako mawawala... Dito lang ako sa tabi mo..

Tuloy pa rin siya sa pag iyak habang kayakap ko siya...

--------------------

Grace's POV

Totoo ba yung narinig ko?! Bat di ko alam yun? Mula elementary mag best friend na kami ni Ashleen pero hinding hindi niya binanggit sa akin yun ;/ Nagkaroon ako ng tampo pero alam kong hindi ito yung tamang oras para magtampo ako kay Ashleen. Kailangan niya ng isang kaibigan ngayon. Nagaantay kami sa pagbabalik nila Mark. Nang marinig ko nalang na nagsasagutan na rin ang mga kasama ko at si Shaley.

Lee: Oy, Babae, Ano bang habol mo kay MARK? Bat ka pa nanggugulo dito?

Lance: OO NGA! Simula nalang nang sumulpot ka sa buhay ng dalawang yun, hindi na sila nagkaayos.

Paul: May balat ka siguro sa pwet? Kaya panay kamalasan ang nangyayare? Sinakto mo pa talaga sa birthday ni Mark ha?

Shaley: Excuse me? Para sabihin ko sainyo, si Ashleen ang unang sumulpot sa buhay namin ni Xander. Siya ang nanggulo at hindi ako. MALANDI kasi siya.

Nagpatingting ang tenga ako sa narinig ko. Hindi ko gusto ang mga salitang nilalabas nya sa bibig nya.

Grace: Hoy babae! Anong sinabe mo ha? Hindi malandi ang Bestfriend ko! Hindi malandi si Ashleen! Di ba't ikaw nga tong unang sumulpot sa buhay nila?! 2 mos palang sila nun nung una kang manggulo. At nung pangalawa, alam mo ba kung ganu kasakit kay Ashleen yun? Gusto niyang magwala pero hindi niya ginawa! May narinig ka ba saknya? Ha? Sinabe ba niya sayong Malandi ka? O mang aagaw ka? ala naman db! Kaya magpasalamat ka at hindi ka niya talaga niloko! Hindi ka niya ginantihan! Magpasalamat ka! Iniingat ingatan ni Ashleen ang relasyon niyo! Kaya wag mong sasabhn na Malndi siya!  Dahil kung malandi man siya, mas masahol ka pa sakanya!

Sa Isang Sulyap MoWhere stories live. Discover now