Chapter 21: Mark's Birthday

787 10 3
                                    

November 24.

Ilang araw na rin kaming hindi naguusap ni Mark. Nagpapansinan naman pero yung tipong kailngang kailangan lang naming magpansinan talaga. Kpag may group work. Pero hindi na kami nagsasama. Hindi na kami nagkwekwentuhan. Hindi na kami nagtatawanan. Nakakapanibago. Barkada naman niya lagi niya kasama ehh. Kung minsan, si Shaley.

Canteen.

Dumaan kami ni Grace sa bandang parte kung saan kumakain yung barkada ni Mark. Nakasalubong ko pa nga si Xander pero tinignan nya lang ako tapos dumiretso na sa loob ng canteen. Maya maya, tinawag ni Lance ang pangalan ko. Ayaw ko nga lumingon kasi andun si Mark eh pero mas lalo namang ayokong maging bastos. Kaya lumingon nalang ako. Nginitian ko naman sila kahit hndi ako masyadu makatingin sa kanila. Kasi naman eh >.> Naiilang ako. Alam kong alam na rin nila ang mga nangyare.

Lance: Upo muna kayo dito. Sabay nalang kayo samen.

Tapos nagbigay sila ng upuan para samen ni Grace.

Ashleen: Ah. Hindi, Okay lang. Salamat nalang.

Luis: Hindi sige na. Wala naman si Mark ehh.

At dun lang ako napatingin sa kanila isa-isa. Wala nga si Mark. Nasan yun?

Grace: Bakit? Asan si Mark?

Lee: Ehh. Sumabay dun kay Shaley.

Hindi na ko nakapagsalita. Nagseselos ako. Hindi ko na maitanggi.

Lee: Sige na. Upo na kayo. Tayo tayo nalang.

Umupo naman kami ni Grace. Tawanan sila ng tawanan. Tahimik lang ako. Iniisip ko kasi sila eh. Si Grace din, tawa na ng tawa kasama yung barkada. Tapos bigla akong tinapik ni Lance sa likod..

Lance: Uyy. Ashleen, magsalita ka naman dyan. Masyadong tahimik ha! Para kang si Paul, may crush ka din ba dito?

Nagtaka ako? Crush ba ko ni Paul? O si Grace?

Ashleen: Ha? Wala ahh. Wala akong gusto sainyo nuh. Bakit si Paul?

Luis: Hindi makapagsalita eh. Kasi nandito yung prinsesa nya!!

Grace: Tse! Magsitigil nga kayo dyan!

Lee: Namumula si Grace uh! Hahahaha.

Ashleen: teka, teka, teka. Ang ibig nyong sabihin, nagliligawan na kayo ni Paul, Grace? Bakit hindi mo man lang sinabi saken?

Grace: HINDI AH! Nagpapaniwala ka sa mga pinagsasasabe ng mga yan! Mukha bang mapagkakatiwalaan yang mga yan? Tignan mo nga mga pagmumukha. Ang PAPANGET!

Lance: uy. wag ka namang ganyan, Grace. Kahit ganto kami, marami pa rin namang nagkakandarapa sa amin.

Grace: SUS! Ewan ko sainyo.

Natawa ako. Bigla akong natawa. At napansin nila yun.

Grace: Bes? Tumawa ka? Tumawa ka, bes! Ilove you!!!! <33

Tuwang tuwa si Grace. Namiss nya rin siguro yung tawa ko. Niyakap niya ko.

Paul: I love you too.

Barkada: Uyyyy! OO NA YAN! OO NA YAN! LIGAWAN NA!!

Grace: Tsee! Mga feeler kayoo!

Ang saya nila nuh. Buti pa sila. Natahimik lang sila nang dumaan si Shaley at Mark. Napatingin naman samin si Mark.

Lance: Pare, pinasabay na namin tong dalawa to dito ehh. Nawala ka kasi, hndi ka na bumalik.

Mark: Ah. Pasensya na.. Nagkasiyahan kasi kami ni Shaley..

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon