Chapter 116: Curiosity

440 5 0
                                    

Pag uwi ko sa Acienda, pumunta agad ako ng kusina para uminom ng tubig nang madatnan ko si Shaley na nagluluto ng fries.

"San ka galing?" Sabi niya sa akin.

Nilagpasan ko siya at kumuha ng tubig sa pitsel saka uminom.

"Dyan lang sa park..." Sagot ko sa kanya.

"Ahhh..."

Tinignan ko siya habang nagluluto. Mukhang okay naman at parang walang nangyari sa kanya? Maayos naman ang itsura niya...

"Shaley." Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?!"

"Harap ka nga sa akin?"

Gusto ko lang sana makita yung mga mata niya kung umiyak. Humarap siya sa akin at ngumiti pa. Hindi naman mukhang umiyak?

"Bakit?!"

"Wala.. Wala lang..."

Tumawa siya.

"Ano na namang trip mo, Ash?"

Umiling lang ako.

Kumuha siya ng plato para paglagyanan ng fries saka platito para sa dip.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa kanya. May gusto kasi akong sabihin kay Shaley e baka nandyan si Mama marinig pa.

"Nagshower lang."

Gumagawa siya ng dip ng fries. Yung pinaghalong mayonnaise at ketchup.

"Nga pala.. Nakita ko si Xander kanina ah?" Sabi ko.

Napatigil siya nang marinig niya yun.

"Ahhh.." Saka niya hinalo halo yung ginagawa niya.

"Okay ka lang ba talaga?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Para siguro hindi ko mahalata na hindi siya okay.

"Oo naman."

"Balita ko...ano daw..sabi niya---" Pero hindi na niya pinatuloy yung sasabihin ko.

"Yup. We broke up." Sambit niya agad agad na parang wala lang sa kanya?

"E bakit.. Parang wala lang sa iyo?"

Tinaas niya lang yung dalawang balikat niya para sabihing hindi niya rin alam.

"Sinong nakipagbreak?"

"I don't know.."

"Anong di niyo alam?

"E parehas naman naming gusto nang maghiwalay.."

"BAKIT?"

"I don't know. I... It's just that.. Well, I don't really know."

"Third party?"

"Of course not. There's no OTHERS at all."

"E bakit? Ano yun? Naghiwalay nalang kayo dahil gusto niyo?"

"Well. It could be that."

Ngumiti pa siya ulit tas kinuha na niya yung fries at dip at naglakad papuntang salas.

"Hindi ako naniniwala nuh.. Alam ko, behind that smile... NASASAKTAN ka.."

"Okay na ako, Ash.."

"Ano ba talagang ginawa sa iyo ni Xander? Hindi mo naman siya kailangan pagtakpan para di ako magalit sa kanya. Matagal na akong may galit sa kanya nuh.."

"He did nothing.."

"Yun na nga nakakainis dun e. WALA SIYANG GINAWA."

"Ashleen, Please?"

Sa Isang Sulyap MoWhere stories live. Discover now