Chapter 122: Something's wrong?

374 1 0
                                    

"Di ka pa ba nagugutom? May chips pa ako sa bag ko. Kain tayo..." Sabi ko kay Grace habang nakahiga kaming dalawa sa banig.

Nagpapahinga kasi kami. Jet lag e. Pero parang hindi naman ako napagod. Buhay na buhay nga yung katawang lupa ko. Gusto kong gumalaw galaw, magluto, maglinis.. Kaso di ko naman magagawa dito yun nuh.

Hindi siya sumagot sa akin kaya tinignan ko siya. Tulog na pala...

Bumangon ako kasi kumakalam na talaga yung sikmura ko.

Kinuha ko yung bag ko at kinuha ko yung Nova ko dun. Naalala ko bigla yung phone ko. Malolowbat na yun e. Naghanap ako ng outlet saka ko isinaksak yung charger ko.

Binuksan ko na yung Nova ko saka ako kumain. Hay. Ano ba yan...

Tumingin tingin ako sa paligid... Super kulob pala ng kuwarto na ito. Wala man lang kabinta-bintana. Mukhang bagong gawa nga lang kasi wala pang pintura yung dingding at wala ring mga tiles yung sahig.

Nasaan kaya yung mga lalaki? Saan kaya sila ikinuwarto? Hmm.

Nang may biglang pumasok.

"Oh? Ashleen? Bakit di ka pa nagpapahinga iha?" Bati sa akin ni Tita Lorie.

"Eh.. Hindi po kasi ako makatulog tita.."

"Bakit naman umagang umaga, sitsirya ang kinakain mo? May mga bibingka akong binili, tsaka yung buko pie, nandun sa mesa sa salas.. Meron pa yun... Kumuha ka."

"Hindi na po Tita.. Baka marami pong tao."

Inaayos niya yung mga gamit niya. Dito ba siya matutulog?

"Wala nang tao. Iilan nalang. Nagliligpit na nga ulit sila Wendy. Bukas na yung libing.. Baka mamaya, dagsaan na ng lahat ng tao dahil last night na."

"Ah.., ganon ho ba.."

Humiga siya sa tabi ni Grace.

"Magpapahinga muna ako ha.. Kung gutom ka, maraming pagkain sa labas. Kuha ka nalang, wag ka nang mahiya."

Akalain mo yun? Kahit mayaman pala, humihiga rin pala sa papag.

"Opo."

Lumabas muna ako. Awkward e. Natutulog yung dalawa tas ako ngumangatngat dito. Hahaha.

Dahan dahan kong isinara yung pinto at lumabas.

Hinahanap ko yung kuwarto ng mga lalaki. Wala.. Gusto ko lang hanapin si Mark. Shhh. Pinakikiramdaman ko yung bawat kuwarto, pinapakinggan ko mula sa pinto kung may naghihilik ba o ano... Para nga akong tanga dun e. Pero hindi ko talaga mahulaan kung saan. Ayoko naman basta basta magbukas nalang, baka sabihin nagnanakaw ako o nakikielam o masyado akong feel at home. Tapos may isang kuwarto dun na kurtina lang yung harang. E hindi ko alam pero napapasilip kasi ako...kahit naman sino diba? Mapapasilip? Hahaha. Tapos nung palapit na ako, nakikita ko si Keith sa may kama, tahimik lang at parang nagmumuni muni. Mugto mata. Malungkot. Papasok na sana ako nang may nagtakip ng bibig ko. Inalis ko agad yung kamay niya at humarap sa kanya.

Si Mark Lang Pala! >.<" Tinampal ko nga.

"Ikaw.. Ikaw talaga! Ginugulat mo naman ako e."

"Aray ko naman. E kasi, di ka nagrereply sa mga text ko e."

"Nagchacharge ako yih."

"Bat di ka pa nagpapahinga?"

"Bakit din hindi ka pa nagpapahinga?"

"E kasi hindi ka pa nagpapahinga.."

Para kaming mga langgam na nagbubulungan habang naguusap.

"E nagugutom kasi ako yih. May pagkain ka ba dyan? Tinapay? Biscuit?"

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon