Pero ang kay Lovely ang mas espesyal dahil sa talagang bata pa ito. Kapag pinindot ang kanang braso ng teddy bear ay magsasalita ito.

"Anak subukan mong pindutin yung right arm nung bear. Dali anak, sorpresa ko yan sa'yo." sabi ni Marco sa anak na si Lovely.

Pinindot ni Lovely ang braso ng bear. Bigla itong nagsalita.

"Papa loves Lovely... Papa misses Lovely."

Natuwa ang batang si Lovely. Dahil kahit papaano ay maririnig niya pa rin ang boses ng kanyang papa.

Tinawag ni Mrco si Cherry. Lumayo sila sandali sa mga anak para makapag paaalam sa isa't isa.

"Heart, aalis na'ko. Ikaw na muna ang bahala sa mga anak natin. Matagal din akong mawawala. Wag mo masyadong papagurin ang sarili mo ha? Lagi akong tatawag sa inyo, wag kang mag alala."

"Iingatan mo ang sarili mo dun Heart ah? Ibang bansa yun at wala kang kakilala. Wala ding mag aasikaso sa'yo dun."

"Oo heart, aalagaan kong maigi ng sarili ko. After five years, hindi na natin kailangan pang mangupahan. Mangungulila ako sa'yo. Sa inyo. Mamimiss ko kayo ng mga bata."

Niyakap niya ang asawa niya. Umiiyak si Cherry pero si Marco ay pinipigilan ang pagtulo ng mga luha niya.

"Mahal na mahal kita heart. Ngayon pa lang nahihirapan na'kong malayo sa'yo. Sana mabilis na lumipas ang mga araw. Mahal na mahal kita... Mahal na mahal ko kayo nila Leila at Lovely.." sabi ni Marco.

"Mahal na mahal din kita heart. Maghihintay kami ng mga anak natin."

Hinalikan ni Marco si Cherry. Naging matagal ito sapagkat talagang mangungulila sila sa isa't isa.

Maya-maya lang ay dumating na ang mga magulang ni Marco ganoon na rin ang mga magulang Cherry. Umarkila sila ng van upang maihatid nila si Marco sa airport.

Madaling araw ang flight ni Marco patungong Dubai ngunit kailangang niya makapunta ng airport ng maaga para makapag check-in siya. Lahat ng naghatid kay Marco ay hindi maiwasang ang pag iyak. Kanya kanya na sila ng paalam pagkat malapit ng pumasok ng eroplano si Marco. Niyakap niya ang mga magulang at mga biyanan niya. Sumunod ay ang kanyang mga anak at ang huli ay ang kanyang pinakamamahal na asawa. Tuluyan na silang nagpaalam kay Marco.

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!