Flashback - 3rd person POV

(15 years ago...)

"Papa wag ka nang umalis. Sige na..." sabi ng batang si Lovely.

"Hindi pwede anak. Kailangang magtrabaho ni Papa para sa inyo nila Ate Leila at mama mo. Para sa pamilya natin."

"Eh Papa malulungkot ako. Wala ng magsave sa'kin sa mga bad guys at bad dreams ko. Sige na Papa wag ka ng pumunta dun sa malayong lugar. Please Papa."

"Hindi talaga pwede anak. Sige ka, pag di ako nag work magiging mahirap tayo.Hindi na natin mabibili yung mga gusto mong toys at dress. Kaya kailangan talagang magwork ni Papa. Nandiyan naman si mama mo lagi. At tsaka tatawag din ako sa inyo palagi."

Unti-unting umiyak si Lovely. Ayaw niyang paalisin ang papa niya. Papunta ang papa niya sa Dubai para magtrabaho at ang kontrat nito doon ay limang taon.

"Tumahaan ka na anak. Lalo lang malulungkot si Papa pag nakikita kang umiiyak eh."

Niyakap ni Marco ang anak niya. Ayaw rin naman niyang mapalayo sa pamilya nito. Pero dahil maganda ang alik sa kanya ng kumpanyang pagtatrabahuhan niya, ay tinanggap na niya ito. Magagamit niya ang kikitain niya upang makapag pundar siya at makapagpatayo ng kahit na maliit na negosyo sa Pilipinas.

Maaga kasi silang bumukod ng kaniyang asawa na si Cherry. Kakagraduate pa lang nila ng College nang magpakasal sila. nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Dalawang magaganda at mababait na mga bata ang kanilang mga naging supling. Ang panganay nila na si Leila at ang bunso na si Lovely. Si Leila ay sampung taon na at si Lovely naman ay limang taon. Marami siyang pangarap para sa mga anak niya.

"Papa! Aalis ka na ba talaga ngayon?" hingal na tanong ni Leila sa papa niya. Kararating lang niya galing school ng makita niya ang mga bagahe ng papa niya na nasa may pinto nila.

"Papa naman eh. Balak mo pa ata na hindi magpaalam sa'kin. Buti na lang nakauwi ako kaagad." pagtatampo ni Leila sa Papa niya.

"A-ate a-aalis n-na t-talaga... huhuhu... a-aalis n-na t-talaga s-si P-papa!"

"Nako mga anak. Wag niyo naman pabaunan ng mga iyak niyo ang papa niyo. Hindi nyo rin mamamalayan na matagal mawawala ang papa niyo at nandito naman ako di ba?" sabi ni Cherry sa mga anak nila.

"Oh heto, tig-isa kayo ng stuffed toy ng Ate Leila mo ha? Hug mo na lang yan palagi pag namimiss mo si Papa. Isipin mo na ako rin yung hinahug mo." sabi ni Marco.

Inabot niya ang dalawang stuffed toy sa mga anak niya. Parehong teddy bear ang mga ito at may pangalan nila sa dibdib ng teddy bear.

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!