Makalipas ang isang oras, nakarating kami sa Maynila. Natrapik pa nga kami dahil sa ginagawang roadwork sa Quezon Ave.

Mga ilang minutoi lang ay narating na namin ang bahay ng kaibigan ni mama, si Tita Bea. May kalakihan ang bahay nila. Two stories at may rooftop pa. Pero hindi sila nakatira sa subdivision.

Paghinto ng sasakyan namin sa tapat ng bahay nila ay may nakaabang na babae sa may pinto. At ng makababa si mama sa sasakyan ay biglang sumaya ang mukha niya.

"Che-che! Buti nakarating na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay." sabi ng babae.

"Bea! Pasensiya ka na at natagalan kasing magimpake itong anak ko. Siya nga pala, eto na si Lovely. Kilala mo naman na si Leila." sagot ni mama.

Biglang lumapit sa'kin si Tita Bea at kinurot ang pisngi ko.

"Eto na ba si Lovely? Ang laki na niya! Dalagang dalaga na.. Ilang taon ka na iha?"

"A-ahmm.. 19 na po ako tita. Mag 20 na po sa October." sagot ko.

"Mas matanda lang pala sa'yo ng isang taon ang panganay ko. Naeexcite na'ko sa pagtira mo dito sa amin. Sa wakas at magkakaroon na rin ng dalaga sa bahay. Puro kasi lalake ang anak ko."

"Ganon po ba.. Kayo lang po pala ang babae dito sa inyo?" tanong ko.

"Ah hindi rin. Dito rin kasi nakatira yung isa kong pamangkin. Kaso 10 years old pa lang naman siya.. Ay bakit ba dito tayo nag uusap sa labas. Halikayo sa loob. Doon na tayo magkwentuhan."

Maaliwalas ang loob ng bahay nila Tita Bea. Napansin ko rin na may nakahaing mga pagkain sa mesa nila.

"Che-che, hanggang kailan pala ang pagtira niyo ni Leila sa Amerika?" tanong ni Bea kay mama.

"Nako Bea baka matagalan pa. Kaya talagang tinatanaw kong malaking utang na loob ang pagpapatira mo dito kay Lovely. Mag iipon lang kami ni Leila ng pang bili ni Lovely ng condo unit para dun na lang siya tumira."

"Nako mare, di ka naman na iba sa'kin. Ayos lang din naman sa asawa ko. Teka tatawagin ko mga anak ko para makilala niyo naman."

Tinawag ni Tita Bea ang mga anak niya. Bumaba ang dalawang matatangkad na lalaki at isang batang lalaki.

"Eto ang panganay ko, si James. Sumunod sa kanya si Jeremy at ang bunso si Justin." pagpapakilala ni Tita Bea.

Tinitigan ko sila isa-isa. Halos magkasing tangkad lang yung dalawang matanda. At yung bata siguro nasa 12 pa lang. Lahat sila mga gwapo.

Pero ang napansin ko talaga sa kanila ay si James. Tahimik siya at medyo may pagka suplado. Ni hindi man lang ngumiti sa amin nung pinakilala sila ng mama niya. Hindi ko alam kung naiilang, naiirita o nahihiya lang.

Pero habang tinititigan ko siya, may iba akong nararamdaman. Parang nagkaroon ng mga paru-paro ang sikmura ko.

Kakaiba dahil ngayon ko na lang ulit ito naramdaman.

*A/N (author's note)

comment po yung iba. thanks. (^_^)

tagalog pinili ko para maiba naman. i used to write english stories before.

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!