Chapter 1 - Butterflies

Nagising ako sa mga maiingay na boses. Biglang may humampas sa aking hita. 

"Hoy Lovely Summer Monteverde baka gusto mo ng bumangon jan at tumulong sa pag iimpake ng gamit natin?" 

Nanay ko pala. Ginigising na naman ako.

"Eto na po babangon na. Mag aalmusal lang ako sandali Ma tapos tutulong na'ko sa inyo."

"Hala sige bilisan mo."

Pumunta ako sa kusina, nakita ko ang ate ko at ang boyfriend niya, si Kuya Jason. Nahuli ko sila na naghahalikan.

"Ehemmm.." sabi ko

"Ay Love gising ka na pala!" nahihiyang sabi sa'kin ni ate.

"Obvious ba ate? Hahaha... Hello Kuya Jason.. Ate anong ulam? Nagugutom na'ko. Nag uumpisa nang magwala mga alaga ko.. Hahaha"

"Ikaw talaga puro pagkain na lang nasa isip mo. Ayan nagluto ako ng pritong itlog at tocino. Sinangag ko na rin ang kanin."

"Wow ate, ikaw ba yan? Nilalagnat ka ba? Iba talaga nagagwa pag may boypren noh?"

Natawa sina ate Leila at Kuya Jason.

"Nako di nga masarap luto ng ate mo eh. Muntik na masunog yung itlog. Itlog pa lang yan ah." sabat ni Kuya Jason.

"Weh. Sorry naman. alam mo naman naghahanda lang ako para pag kinasal na tayo di ka magugutom kahit pano." lambing ni ate Leila.

"Hay nako, kayong dalawa, kaaga-aga pinapapunta niyo mga langgam dito sa bahay" biro ko sa kanila.

"Kasi mag boyfriend ka na rin para hindi ka naiinggit sa'min ng ate mo."  tukso ni Kuya Jason sa'kin.

"Alam niyo naman na kakamove on ko lang kay Gerald di ba? Hayy..."

"Move-on? Kay Gerald? Eh hindi nga naging kayo eh. Pinaasa ka lang niya. M.U. M.U. pa kayong nalalaman. Alam mo Love, kung gusto ka niya talaga, hindi niya gagawin yung mga bagay na ginawa niya sa'yo. Hindi niya sasabihin sa'yo yung mga sinabi niya sa'yo. Akala ko rin iba siya noon dahil nga kilala namin siya dahil sa magkakababata kayo at childhood sweetheart mo talaga siya. Pero mali pala ang pagkakakilala namin sa kanya" inis na sabi ni ate.

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!