"Relax ka lang ate. Mas affected ka pa ata kesa sa'kin... hay... ayoko na siyang pag usapan pa. Nasasaktan lang ako. Kahit pa more than six months na ang nakalipas. Sana kasing tino ng lahat ng lalakeng makikilala ko si Kuya Jason noh. Tignan mo, more than seven years na kayo pero ni minsan hindi diya nagloko sa'yo."

"Siyempre naman Lovely, mahal na mahal ko ata tong ate mo. At siya na ang nakikita kong makaksama ko habang nabubuhay ako."

"Ay ang sweet niyo... hahaha... kinikilig ako sa inyong dalawa. Kumain na nga tayo para makapag impake na'ko. hahaha..."

Mag aalas kwatro na ng hapon ng makatapos akong makapag ayos ng gamit ko. Papaalis na kasi sila mama. Babantayan ata niya sina Ate Leila at Kuya Jason.

Parehas kasi silang natanggap sa Amerika para magtrabaho. Parehas silang engineer. Nung college din sila nagkakilalang dalawa. Parehong engineer students sa isang unibersidad sa Maynila.

Nakakainggit silang dalawa dahil kahit hanggang trabaho ay magkasama sila. Swerte ni ate dahil nahanap na niya ang true love niya.

Sa ngayon hindi naman ako naghahanap ng boyfriend. Alam kong kusang dadating yun sa'kin.

Marami ding magbabago simula ngayon. Doon muna ako pinapatira ni mama sa bahay ng kaibigan niya.

Sa totoo lang hindi ko kilala yung kaibigan na iyon ni mama. Pero sabi nila mama at ate ay mabait daw yun. Best friend ni mama simula elementary. Hindi lang daw masyadong nakakapagkita dahil busy sa kani-kaniyang trabaho.

Nakaka excite na nakaka kaba dahil first time kong titira sa ibang bahay at hindi pa namin kamag anak.

"Lovely tapos ka na ba? Dalian mo at ihahatid ka pa namin ng ate mo." sigaw ni mama

"Opo ma, tapos na po. Pababa na po ako."

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!