*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Makalipas ang limang taon ay makakauwi na rin si Marco sa Pilipinas. Sa wakas ay makikita na niya ang pamilya niya. Malaki laki na rin ang naipon niya at tapos na ang kontrata niya. Wala na siyang balak pang bumalik ng Dubai. dahil sa talagang nahirapan siya doon.

Nauna na niyang naipadala ang mga gamit niya kasama ang ibang mga pasalubong. Ang pera naman na kinita niya ay ipinapadala niya sa Pilipinas at naibanko na ng asawa niya. Siya na lang talaga ang hinihintay ng mga ito.

Sakay na siya ng eroplanog pabalik ng Pilipinas ng biglang magkaroon ng trahedya sa ere.

"This is your Captain speaking. We are experiencing some turbulence. We are asking all the passengers and flight attendantsto please take your seats and fasten your seatbelts. Thank you."

Kinabahan na si Marco pagkarinig sa sinabi ng kapitan. Hindi pa man nakakalipad ang eroplano ay ramdam na niyang magkakaroon ng aberya dahil sa nabalitaan niyang may malakas na bagyo ngayon sa Pilipinas.

Ngunit hindi niya mapigilian ang sarili niya sa pag uwi. Limang taon din ang kanyang hinintay para makapiling muli ang pamilya. Panay ang panalangin niya na makalapag ng maayos ang eroplanong kinalalagyan niya.

Sa Pilipinas naman, kinakabahan din si Cherry para sa kanyang asawa. Alam niya na ngayon ang dting nito.

"Lovely, pakibuksan nga anak yung TV. Natatakot ako sa bagyong 'to. Ngayon ang dating ng papa niyo. Tignan natin sa balita kung natuloy ang mga biyahe ng mga eroplano pabalik ng Maynila." utos ni Cherry sa anak.

"Opo mama."

Saktong pagbukas ng telebisyon ay news flash sa isang TV network.

"Kakapasok lamang po ng balitang ito. Isang pampasaherong eroplano ang bumagsak sa may West Philippine Sea, treinta minutos ang nakakalipas. Napag alaman na ang PAL flight D7310 ay galing ng Dubai at pabalik dito sa Maynila. Sa mga oras na ito ay wala pang survivor na nakikita at ayon sa PAL ay malaki ang tyansa na wala nang matagpuang survivor sa bumagsak na eroplano. Mariing tinanggi ng----" hindi pa natatapos ang balita ay pinatay na ni Cherry ang telebisyon.

"H-hindi pwede... H-hindi ito pwedeng mangyari! Marco... ang pinakamamahal kong Marco.. Ang Marco ko..." iyak na lang ang naging katuloy ng mga sinasabi ni Cherry.

Lumapit sa kanya ang dalawang anak. Niyakap siya ng mga ito at dinamayan sa pag-iyak. Ang taong hinintay nila ng limang taon, isang malamig na bangkay na lang na uuwi sa kanila.

"Papa... ang papa namin..." iyak ni Lovely.

Love at HomeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!