33. Way Back Home

Start from the beginning
                                    

Ito ang nagustuhan ko sa pamilya ni Misha. They treat me as their own. Hindi sila tulad ng iba na ipaparamdam sayo na outsider ka.

"Sorry naman po tita. Masyadong busy talaga ako sa trabaho at halos walang bakasyon." Sagot ko na lang din dito. Totoo naman kasi. Si Misha nakakafile pa yan ng leave pero ako, laging nakakacancel dahil sa mga biglaang operasyon.

"Mabuti naman Hija at naisipan mong dumalaw. Namimiss ka na din namin." Bati naman sa akin ni tito Hector.

"Salamat po tito. Namimiss ko na din po kayong lahat, kaso hindi lang talaga ako makahanap ng tyempo." Sagot ko rito.

"Eto, merienda muna August. Ang haba ng naging biyahe mo at nagmotor ka lang." saad naman ni Manang Fe na may dalang tray na may juice at clubhouse. Inilapag naman nito yun sa center table kaya naman ay umupo na kami sa sofa doon at tinabihan naman ako ni tita Grace habang si tito Hector naman ay nasa solo seat.

"Bakit naman kasi yan ang pinili niyong trabaho. Pwede naman kayong dalawa sa kompanya. Mas maganda pa nga sana kung sa kompanya na lang kayo magtatrabaho."reklamo ni tita Grace.

Parehong ayaw nilang dalawa sa kursong kinuha namin ni Misha pero wala silang magagawa dahil kami naman yung mag-aaral at hindi sila. Hindi naman sila yung tipong mga magulang na namimilit ng kung ano man ang gusto nila.

"Naku tita, pass po ako sa office work. Hindi po gumagana utak ko dyan. Si Misha po, she has a knack and I know na pagbibigyan niya din po kayo someday but right now, ine-enjoy niya muna ang trabaho niya." Sagot ko naman rito. Totoo naman ang sinabi ko dahil napag-usapan na namin yun ni Misha noon.

"Sinabi na nga niya sakin, pero sayang naman kung hindi ka magtatrabaho sa kompanya. Mas mabuti kung kayong dalawa dahil mapapanatag ang loob namin." Saad pa nito.

"Tama ang Tita Grace mo Hija. Gusto sana namin na kayong dalawa ni Misha ang mamamahala ng kompanya. Alam ko na kaya ni Misha ito, pero mas maganda kung nandito ka rin." Saad naman ni Tito Hector.

Alam mo yung feeling na hindi mo alam kung ano ang isasagot mo kaya napatawa ka na lang? Ganun ako ngayon. Napatawa na lang ako kahit walang nakakatawa dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Salamat talaga si HAHAHA dahil laging nandyan siya tuwing wala akong masabi.

"Pag-iisipan ko po, pero hindi po ako nangangako." Sagot ko na lang rito kahit alam ko na ang sagot.

"Mabuti naman Hija pero sana positibo ang sagot mo." Saad ulit ni Tita Grace.

Ngumiti na lang ako rito at kinuha ko na ang sandwich at kinagatan yun. Ham and Cheese flavor. Agad ko yung naubos at ininum yung juice. Sa totoo lang kulang siya pero alam ko naman na may tanghalian pa kaya doon na lang ako babawi.

"Sige tita, tito, punta muna ako sa kwarto. Hahanapin ko muna yung dapat hanapin ko." Paalam ko rito.

"Oh sige kung ano man yang hinahanap mo." Sagot ni tita sa akin at si tito tumango lang kaya naman ay pumanhik na ako sa hagdanan at pumunta ako sa aking kuwarto. Agad ko yung binuksan at tumambad sa aking mga mata na malinis pa rin at hindi magkalat ang kuwarto ko. Halatang nililinis ito araw-araw kahit wala naman natutulog rito. I miss the room somehow. This was my home when I came back from Pandora.

I still have my old stuffs stored in this room. Kahit mga lumang damit ko na duda ako kung kakasya pa ba sa akin ay nandito pa rin. Kaya napapanhik na ako sa bookshelves ko at tiningnan isa-isa ang bawat libro doon. They are the random books that I bought from NB. Naubos ko na lahat sa pagcheck yung mga libro pero hindi ko nakita nag hinahanap ko. Binalikan ko pa dahil baka na missed ko lang pero wala talaga.

"Shit, nasan ba yun?" Hindi ko alam kung nasan yun nakalagay. Sure akong binili ko yun kaya imposible mawala na lang yun bigla. Nandito pa nga ang mga luma kong gamit kaya imposibleng mawala din yun. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung saan ko yun hahanapin.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now