Chapter 15: Her Evil Plans

Začať od začiatku
                                    

--

"Sigurado kabang makikita mo siya dito?" tanong ko kay Nate pagkadating namin sa parking lot ng University.

"Oo naman. Magaling ata ako." at dire-diretso na siyang pumasok sa gate pero hinarang siya ng guard.

"Ipanagbabawal dito ang mga estudyante ng Dalton Hye." seryosong sabi niya habang seryoso ding nakatingin sa aming dalawa ni Nate. Pero kailan pa naging bawal ang mga taga Dalton Hye dito? Ang alam ko, mga taga Dalton Hye lang ang pwedeng maglabas pasok dito sa Carson University ah? How come na pati kami ay bawal na din?

"Kelan pa ho nangyari yon? Sa pagkakaalam po namin ay kami lang ang pwedeng pumasok dito na taga ibang school." sabi ko dun sa guard.

"Oo nga. Pinagloloko mo ata kami e." maangas na sabi ni Nate kaya naman pinaatras ko muna siya dahil baka mapasama kami sa gwardyang 'to.

"Yan ang utos ng anak ng may-ari ng Carson University. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang mga estudyante sa eskwelahan nyo na makapasok dito. Lalong-lalo na daw ang mga gangster ng Once Soltero. Kaya kung kilala nyo sila,sabihan nyo na din sila na bawal sila dito. Umalis na din kayo bago pa kayo makita ni Ma'am Riya at baka ako pa ang maulanan ng mura niya."

Riya? Hay nako. Damay damay na 'to dahil sa ginawa ni Jaron sa kanya. Hmm..pati pala ni Lance. Grabe pala siya. Dahil lang dun, pinagbawalan na niya kaming makapasok dito. Pano na namin makikita si Fallah?

"Bro,mukhang di na natin kailangang pumasok ng Carson." confident na sabi ni Nate habang nakatingin sa babaeng paparating....si Fallah.

Mukhang ngayon palang siya papasok. Buti naman,akala ko hindi ko na siya makikita e. Nilapitan agad siya ni Nate, pero mukhang nairita lang si Fallah sa kanya kaya nilagpasan niya ito at nagtuloy-tuloy papasok sa gate.

"Manong, nawawala po kasi yung i.d. ko. Pwede po------"

"No I.D. No Entry." mariing sabi ni manong guard. Lumapit nanaman si Nate sa kanya. This time alam ko na yung binabalak niya.

"O? Di ka makapasok?" umiling si Nate.

"Hindi mo kasi sinisinop yung gamit mo e." sabay inilabas niya yung i.d ni Fallah at naglakad na siya palayo dito. Ako naman,sumusunod lang.

"Hey! Paano napunta sayo yan?" tumakbo siya para habulin kami ni Nate.

"Huy! Sandale!"

Tumigil bigla si Nate at humrap sa kanya.

"Want this?" tanong niya sabay taas nung i.d

"Akin na yan!" sinubukan yung kunin ni Fallah pero inilayo ni Nate yung kamay niya kaya naman nagkalapit silang dalawa. Ehem.

"Ibibigay ko lang to if papayag ka sa kondisyon ko." nakangising sabi niya habang nakatitig kay Fallah. Eto nanaman siya sa mga kondisyon niya. Tss. Kung di ko lang talaga tinuturing na kapatid 'to.

"Ano ba yang kondisyon mo ha? Dalian mo at male-late na ako!" inis na tanong ni Fallah.

"Give me your number. And I will tell you what my conditions are." Tumingin sa akin saglit si Fallah. Tapos humarap ulit kay Nate.

"09585684184" malakas ang pagkakasabi niya nun na para bang pinaparinig talaga sa akin. Gusto kong ilabas yung cellphone ko nung sinabi niya yung number niya pero baka mahalata ako ni Nate. Baka kung ano pang sabihin niya.

"Got it." inabot na niya yung i.d ni Fallah. "I'll call you later."

"Ok."

Bago umalis si Fallah ay humarap ulit siya sakin,this time hawak ko yung phone ko dahil nga pinipilit kong alalahanin yung number niya. Napatingin siya sa phone ko tapos ay ngumiti siya. Then naglakad na siya papasok sa Carson U. Pero bakit? Bakit kaya siya ngumiti nung nakita niyang hawak ko yung phone ko?

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now