Chapter 35: Scared To Death

2.5K 28 2
                                    

~~'Cause I'm scared to death
Now that I'm losin' you
I'm scared to death
Knowin' I can't get through
I'm scared to death
Living this so lonely life without you
Oh baby, I'm scared to death~~

**Cahriya's POV

Tatlong beses nang tumutugtog sa music player ko ang kantang yan. At kanina pa din ako umiiyak simula ng marinig ko yan.

Halos isang buwan na ang nakakalipas mula ng umalis si Jaron. Nakaka-lungkot din na wala siya. Wala ng sasalo sa akin kapag ginawa ko na yung revenge kay Lance.

"Finally. You're here." salubong sa akin ni Ziri ng makapasok ako sa bahay. Buti nalang at hindi ko na pinapasok pa si Lance dito.

"What do you want?" tanong ko naman sa kanya.

"What I always want. Lance's heartbreak."

Nagbago na talaga siya. Ibang-iba na siya sumagot at magsalita. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon.

"I told you. Gagawin ko din----"

"I'm leaving the day after tommorow." seryosong putol niya sa sinasabi ko.

"What? Ziri bakit ba kasi kailangan mo pang umalis? Why don't we just start over again after ko siyang saktan. Kalimutan natin lahat."

"Madaling sabihin yan para sayo Riya dahil hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko siya. And the worst, mas nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko kayong dalawa! Ang sakit-sakit isipin na ikaw ang minahal niya at hindi ako. Ikaw pa na kaibigan ko!" nagsimula na rin siyang umiyak habang sinasabi niya yun.

Naluha na din ako. Tama siya. Hindi ko nga nararamdaman yun pero ako naman ang naghihirap dahil sa na nararamdaman niya. Ni hindi ko man lang pwedeng makasama yung lalaking mahal ko dahil sa pangako ko sa kanya. Ang hirap pero kailangan ko mamili.

"I'm sorry. I'm sorry I made you feel hurt. I'm sorry that he loved me. Ziri, I'm sorry for hurting you. Kaya para sayo. Gagawin ko na yung matagal mo ng hinihiling sa akin. Bukas na bukas din, you can have your revenge. You'll get even."

Pinuntahan na ako kahapon ni Ziri. Kakatapos lang naming mag-date ni Lance. At buti nalang ay hindi ko na siya pinapasok pa nung araw na iyon. Dahil baka doon pa sila mag-pang abot ni Ziri.

----

This is the day. Sana lang mapatawad pa ako ni Lance sa gagawin ko sa kanya.

"Cahriya ko. Susunduin kita mamayang 7pm ha? May ipapakita ako sayo." sabi dun sa text na na-receive ko sa kanya.

** Nico's POV

Ang tagal kong nanahimik. Ang tagal kong tiniis na hindi sabihin kay Ziri yung nararamdaman ko. Palagi ko lang siyang binabantayan at lagi lang ako nakabuntot sakanya. Ngayon, basta nalang siyang aalis. Hindi ako papayag. Siguro naman kapag sinabi na sa kanya na mahal ko siya baka magbago yung isip niya. Baka mahalin niya rin ako.

**Jaron's POV

Pagpasok na pagpasok ko sa cottage ay binasag ko lahat ng nakita ko. Sinuntok ko yung salamin at nakita ko yung repleksyon ko doon. Nakakaawa ako...

"Minahal ko siya ng sobra-sobra. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Pero bakit hanggang kaibigan nalang ako?"

----

Isang buwan na rin halos ang lumipas mula ng umalis ako ng Pilipinas. Lagi lang akong nagkukulong dito sa kwarto. At paminsan-minsan ay naaalala ko parin yung ginawa ko bago ako umalis.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora