Chapter 15: Her Evil Plans

4.7K 71 8
                                    


**Ally's POV

"Waaah! Lloyd! Umayos kana kasi! Paano ka makakapasa nyan!" Nakakainis siya! Tulog nalang ng tulog!

"Huy!" niyuyugyog ko na siya pero tulog mantika talaga. Nakakainis na! Hmp! Bahala nga siya!

Tumayo na ako para iwan siya pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Dito ko lang." sabi niya habang nakadukmo parin sa lamesa.

"Anong gagawin ko dito? Ayaw mo namang makinig sa akin." nag-pout siya.

"Kanina pa tayo aral ng aral eh. Pahinga muna tayo. Dumudugo na utak ko."

"Eh! Anong gagwin natin? Magtititigan? Mag-aral ka na kasi para matapos na."

Tumingin siya sa akin na parang nadisappoint at tumayo sa harap ko. At dahil sa maliit ako, naglean siya sa akin na sobrang 1 inch nalang ang layo ng mukha niya sa akin.

"Lloyd..A-ano? B-bakit ang l-lapit mo?" waaah! nabubulol ako. Waah! Ano bang ginagawa niya?

"Tanggalin natin 'to." sabay tinanggal niya yung makapal kong eyeglasses. Mas lalo niyang nilapit yung mukha niya at tumitig sa mga mata ko.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang pa-urong ako ng pa-urong pero siya namang pagsulong niya lalo sa akin.

"Magtititigan." baliw na ba siya? Seseryosohin niya yun?

"Baliw! Umupo na nga tayo." pero hndi ko namalayan na napasandal na pala ako sa wall and I'm cornered. 

"Ang ganda mo pala talaga no?" lumapit nanaman siya..Waaah! Ang pula ko na! Naglean ulit siya,and this time palapit na ng palapit. OMG! Is he going to kiss me? Napapikit nalang ako at naramdaman na ang hininga niya sa sobrang lapit na sa akin. Eto na ba yun? Bakit di ako magalaw? Bat di ko siya matulak? Waaah!

"Bhes....tie.." narinig ko yung boses ni Bhestie Aaron. Shocks! Nakita niya kami sa ganitong ayos! Bigla kong naitulak si Lloyd at agad na lumapit kay Aaron.

"Ahh Bhestie..Anong ginagawa mo dito?" Tss...parang walang nangyari. Sorry Lloyd.

"Busy ata kayo eh. Sige alis na ako." huh? Anyare? Waaah!

"Hinde bro. Paalis na ako." naglakad si Lloyd palayo. Grabe! Ang awkward ng feeling. Tuminin sa akin si Aaron tsaka niya kinurot yung pisngi ko.

"Aray!"

"Kayo ha?Anong binabalak nyong gawin? Kung di pa siguro ako dumating, baka nagtukaan na kayo."

Waaah! Ano bang sinasabi niya? Bakit ba kasi hindi ko naitulak agad si Lloyd eh. Ayan tuloy!

"Hoy! Anong nagtukaan? Sipain kita dyan e." act cool nalang para di halatang awkward.

"Sus! Crush mo si Lloyd no? Ayieh!" sabay kurot niya sa tagiliran ko.

Waaah! Di ko siya crush! Binato ko siya ng papel at tumakbo naman siya kaya naghabulan kami.. Hayyy..

"Hoy halika dito! Patay ka sa akin pag naabutan kita!"

Hay nako.. Kung alam mo lang kung sino talaga gusto ko... Kaya lang imposibleng gusto niya din ako.. Kasi BESTFRIEND lang naman ako.

**Cojie's POV

Ang ganda talaga ni Fallah. Pero simula nung gabing napagtripan namin siya ni Nate,tingin ko malabo na yung chance na maging close kame. Lalo pa ngayon na gusto din siya si Nate.

----

Papunta kami ngayon ni Nate sa Carson University. Yun kasi ang nakita ni Nate sa i.d ni Fallah. Nung gabing yun kasi ay di sinasadyang nalaglag ni Fallah yung i.d nya,na agad namang pinulot ni Nate. Dun nalaman niya yung pangalan niya at kung saang school sya nag-aaral.. Pero ako? Matagal ko ng alam lahat ng yun...hindi ako stalker ha? Gwapo kong 'to? Admirer ang tawag sa akin.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now