Chapter 37: They're Back

2.5K 30 3
                                    

They're Back

The first Girl who broke his heart

The Guy who thought him everything

And the Gang who gave him power.

Nagkikislapang mga ilaw at maingay na tugtog. Mga nagsasayawang teenagers at mga gimikero ang makikita sa dance floor, habang pinapanuod ang isang napaka-gandang babae na naglakas loob na umakyat sa stage at doon magsayaw.

"That girl is really hot!"

"I swear! I'll make her scream tonight!" nadinig lahat iyon ni Lance na saktong kadadating lang sa club. Napatingin siya sa babaeng tinutukoy ng mga lalaking nadinig niya.

Si Themarie.

Ang unang babaeng nagpa-iyak sa kanya. Ang babaeng unang minahal niya. At siya ding dahilan kung bakit siya nagpunta sa lugar na iyon.

"Hey! Watch your filthy mouth! Or you'll scream in pain!" seryoso at ma-awtoridad na sabi ni Lance. Napaatras ang mga lalaking nag-uusap ng makita nila si Lance. Para silang mga asong nabahag ang buntot.

"Hey Lancey!"

Napalingon si Lance sa tumawag sa kanya. Pagtapos ng halos 7 taon. Nagkita ulit sila ng babaeng naging dahilan ng unang pagkabigo niya.

"Lancey! What's with the face? You look like a monster! As if you want to eat me!---- wait! Oh my gosh! I know what's on your mind! I didn't mean to say that you actually want to eat----"

"Themarie." Lance said in a warning tone. Napatahimik si Themarie. Alam niyang di umipekto ang pagpapa-cute niya dahil hindi rin naman nagbago ang timpla ng mukha ni Lance.

"Bakit ba ang seryoso mo? Ayaw mo ba akong makita?" nag-aalalang tanong niya.

"Anong gusto mong maging reaksyon ko ngayong nandito ka? Ngayong nandito kayo ng gang mo. E alam naman nating dalawa dito na ang pagbabalik niyo ay ang katapusan ko. Diba?"

Naging seryoso ang mukha ni Themarie. Hinila niya palabas si Lance at dun sila nag-usap sa lugar na sila lang dalawa.

"What the hell is happening to you Lance? Alam mo bang nagulat kaming lahat sa nabalitaan namin? Pati si Darius hindi makapaniwala na napabayaan mo ang gang mo. Nabuwag ang mga underlings mo. Nag-aklas ang Evil Mariposa ng di mo nalalaman. At ngayon..malaki ang possibility na mapatalsik ka at ang gang mo sa pwesto."

"Alam ko." walang emosyong sagot ni Lance kay Themarie

"You knew but you didn't even think about doing something about it. Tell me Lance! What is really happening to you?"

"You don't have to know. Mind your own business." sabay tumalikod na siya kay Themarie, pero napatigil siya ng magsalita siya ulit..

"Yung Cahriya ba?" diretsong tanong niya

"How'd you know about her?" kunot noong sabi ni Lance

"Nababanggit siya sa akin ni Jaron noon. At nung tinawagan kita, pangalan niya ang sinabi mo. So tell me. Anong problema at nagkakaganyan ka?"

"Ask yourself."

At walang sabi-sabing umalis si Lance. Naiwan si Themarie na nakatayo lang doon, wondering kung anong ibig sabihin ni Lance sa sinabi niya.

***

Pag-uwi ni Lance ay nagbukas nanaman siya ng isang bote ng wine. Ganito nalang palagi ang scenario ng buhay niya. Tila wala ng gustong puntahan.

Isang malakas na lagabag ng pinto ang bumulabog sa tahimik na pag-inom ni Lance. Kasabay nun ang pagpasok ng tatlong lalaki na may takip sa mukha na para bang mga holdaper.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon