Chapter 03: Heaven

10K 162 8
                                    

Chapter 3: Heaven

 **Cahriya's POV

     Paglampas niya sakin tinitigan ko siya.

"Hoy! Kilala ba kita?"  sigaw ko sa kanya.

Humarap siya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi." 

Pagtapos niyang sabihin yun tinalikuran na niya ako at naglakad na siya papunta dun sa kuta nung mga pangit na gangster. Tss, Walang kwenta. 

    Naglakad na rin ako ng may bigla akong maalala.

"Tsk! Sino ba kasi yung hinayupak na nag-text sa akin e?"  sinipa ko yung lata. Alam kong hindi yung lalaking yun ang nag-text sa akin. Halata namang wala siyang alam e. Napag-tripan ko lang naman. Malay ko bang gangster yung gagong yun. Namuntik muntikan pa akong paslangin kanina dun.

     Hay! Nakakainis! Ngayon pahirapan pa sa pag uwi! Walang dumadaan na taxi! Ano ba tong lugar na to? Napaka-isolated! "Aargh!"

     "Hoy! Anong sinisigaw sigaw mo diyan? Nababaliw ka na?" May nagsalita sa likod ko.Paglingon ko... Ang wafu nakangiti sakin!

    Ehhhhhh? Pero siya yung nakasalubong ko kanina!

 "Paki mo?" singhal ko sabay tinaasan ko siya ng kilay. Psh! Kala mo porket gwapo ka hindi kita tatarayan? Hmp! FYI ! Gwapo lang siya pag naka smile! Kaya nga ngayon ko lang napansin yung ka-gwapuhan kasi nagsmile siya. Hanlandi ko. *flips hair*

"Wala kang masakyan no? "

Aba? Nang inis pa ang loko?

 "Bakit ka ba nandito ha? Diba pumunta ka dun sa mga gangster na kasama mo? Balik na dun! Shupi shupi! Go away! Di kita kailangan dito! Disapir na!" ,pagtataboy ko ng bongga sa kanya. Hindi ko siya kailangan noh! I can handle myself. Really. 

"Ahh ganun ba? Sige. Ingat sa mga multo." tumalikod na siya. Tss.

"I don't believe in such things."  

"PSST!" sabay humangin ng malamig. Ssssssssyeeet!

"Waaaaaaaaaaaaaaaah!" napatakbo ako sa kanya at napakapit sa braso niya. Grabe! Saan galing yun? May multo ba talaga dito?

"O? Kala ko ba di mo ako kailangan?" nakangising sabi niya. 

**Jaron's POV 

    Nakasakay na siya ngayon sa kotse ko. Huh.. Ibang klase talaga tong babaeng to. Buti nalang binalikan ko siya. Kung hindi ,hindi siya makaka-uwi. Pero anong ginawa niya sa head quarters? Imposibleng may kakilala siya sa amin? Itatanong ko nalang kay Lance. 

   By the way. I'm Kyd Jaron Soler. Bestfriend at kanang kamay ni Lance. Puma-pangalawang pinuno ng gang na kinatatakutan sa lugar na ito. Gwapo at mayaman. Wala ng mahihiling pa sa buhay. Pero malas sa isang bagay. Sa pag-ibig. Tae. Ang bading. =___= 

"Hoy?" tignan mo 'to? Kung maka-hoy naman kala mo naman close kami? 

"Wag mo nga kong ma hoy hoy dyan! May pangalan ako! Kyd Jaron. Yun ang itawag mo sakin. Or just simply Jaron. Wag 'Hoy'" 

Tumaas lang ang kilay niya at bored na tumingin sa akin. Unbelievable. May ganitong klaseng babae pa palang nabubuhay ngayon.

 "K. Whatever? KJ nalang. Mahaba e. Anyways,pakisabi pala dun sa pinuno ninyong hinayupak na pasensya sa eskandalo pero napag-tripan ko lang siya." Napapreno ako bigla. Dahilan para masubsob ang mukha niya sa dashboard ng kotse ko. Ooops! 

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Where stories live. Discover now