Thirteen: Confession Part 2

Start from the beginning
                                    

"Bakit mo ako iniiwasan!" yan na nga ba tayo nagsisimula na siya.

"Tapos ngayon ang gulo gulo mo na parang di ka mapakali na parang may malaki kang kasalanang nagawa." nagsasalita ito na hindi man lang tumingin sa akin.

"No worries tol,  im just..."

"No worries? pero kung iwasan mo ako!, parang may nakakadiri akong sakit tapos di mo man lang ako pinapansin na parang inagawan kitang jowa.. Eean ko sayo,  yung hindi ko alam kung ano,  bakit...."

"ahhhhh! Kasi Anton... Anu ehhhh"

"Ano bang nasa isip mo!"

"Anton....Nagseselos ako! Oo,  selos na selos ako! "

"Ha!.... Saan...  Kanino... Paanong nagseselos  at bakit ka naman magseselos?" dire diretsong sagot na medyo Tumaas na ang boses nito.

"Nagseselos ako sa girlfriend mo,  sabi mo walang sikreto tapos eto Anton malalaman kong may kaagaw na ako sayo.... Kaagaw sa atensyon mo kaseeee, i like you....  No!  Gusto kita... Bakla na kung bakla pero tol mahal na kita di ko na kayang makontrol ang nararamdaman ko....

Kaya ng malamang kong may kasintahan ka na agad. Nagalit talaga agad ako... No sobrang nag selos ako, selos na selos ako. at hindi ko kayang makita na ang taong mahal ko ay may iba ng minamahal dahil.... Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko!"

---------------------------------

Anton's POV

Nagulat ako sa sinabi nito.
Pero sa loob loob ko ay talaga namang kinilig ako sa sinabi nito.  Haysss

Pero bakit naman magseselos ang kulokoy na ito. Ano bang ginawa ko.... Teka, ibang minamahal....  Putcha isa pa itong nagpapaniwala...  Pero di ko Masisisi ang mokong nauna talaga ang selos... Bakit  kasi hindi muna magtanong...

"Hayssss"

Isang malakas na batok ang kasunod na ginawa ko kay Alfred na talaga naman kinagulat nito.

---------------------------

Alfred's POV

Nakatingin lang ito nang matapos kong sabihin ang mga nasabi ko.

Magsasalita pa ako ng magsalita ito.
Nang bigla akong batukan nito, magagalit sana ako pero after noon ay nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko

"Alfred,  Alam mo bang mahal na mahal ko ang babaeng kasama ko..
Oo,  mahal na mahal ko siya kaya pasensya ka kung hindi ko sinabing Kapatid kong babae iyon..  at siya ay si Astrid, pero Triplets kami at si Astrid ang isa sa mga kapatid ko dahil yung isa kong kapatid ay nasa ibang bansa kasama ng papa ko.
Siya yung sinasabi ni Mama na hindi mo pa din naaabutan pag napunta ka!"

"Ha! "

"Oo,"

"So...."

"kaya nga nagulat ako sa yo. Di ka muna kasi nagtanong, magkaiba kami ng school ni Astrid dahil ayaw ni mama na umasa ang kapatid ko sa akin dahil medyo tamad kasing mag aral ang kapatid kong iyon.  Sumama siya sa school dahil manghihiram siya ng libro sa library dahil wala daw sa school nilang copy ng kailangan niya."

".........ahhhh"

"Nakakatawa ka alam mo ba yun... Pero tang ina Tol, natutuwa ako sa iyo kasi sa ganyang way ka nag confess sa akin...! Iba ka!.... Hahahaha! "

Halos mamula ako ng sunod sunod na magsalita si Anton. "OO nga naman bakit di muna ako nagtanong... Kaya pala gulat na gulat ito ng kinonfront ko ito" bulong ko sa isip ko.

Biglang tumahimik ang binata...

"Hindi man lang pumasok sa isip ko na may ganyan kang ugali... "Ang suplado ng bayan isip bata pala! Hahahah! Kidding aside...."

Bigla akong napalunok ng bigla itong magseryoso.

"Seryoso ka sa sinabi mo, Tol?! "

"Aahhhh eehhhhh alin dun... "

"Nahh kalimutan mo na yun wala akong narinig..."

"Nyehhhh... Yes, Anton im serious... Gusto kita!" sabay halik sa pisngi nito.

Kitang kita ko ang gulat nito ng halos manlaki ng mata nito sa ginawa ko.

Bigla itong tumayo at tumingin ng malalim sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko, kasi hindi ko alam ang susunod na gagawin nito.  Naglakad ito papunta sa pintuan ng ng kotse.

"Alfred!"

"Oh,  ba ba... bakit...?"

"Uwi na tayo gabing gabi na! "

Biglang nagbago ang aura ng pag uusap namin kasi bigla itong nagseryoso.

Kaya naman sumunod na ako.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse,  magsasalita na sana ako uoang humingi ng sorry na unahan ako nito.

"Uwi na tayo gabi na... "

"Ahhhh ehhhh minsan lang naman ito,  ahhh!"

"Alfred, ganyan ka ba manligaw. Tandan mo nililigawan mo ako.  Kaya wag kang marunong pa sa akin.!"

Halos kuminang ang mga mata ko ng sabihin niya iyon. Ngiting wagi ang nagawa ko ng simulan ko ang makina ng kotse.

"Alfred,  wag na wag mo akong gagawin parang  babae, meaning dont do things na ginagawa mo sa babae tandaan mo lalaki din ako. Once na gawin mo iyon kalimutan mo na ang bagay na ito. And lastly,  this is a secret between us kaya if you can't keep a single thing about this kalimutan mo na ako.  Iisipin ko na lang na... "

Pinutol ko na ang sasabihin nya dahil alam ko ang gusto niyang sabihin.

This is new to us kaya gets ko na yun.

"Anton,  don't worry di ko gagawin ang bagay na yun. Pero sana pag tayo lang dalawa ok lang ba na maging sweet ako sayo! "

Di ito sumagot, kundi naging tahimik lang ito.

Alam ko nasa isip nito kaya hinayaan ko na lang siya.

Nakarating kami sa tapat ng bahay nila mga bandang 2am. Gising ito simula pag alis namin hanggang pagdating sa tapat ng bahay nila.

Bubuksan na nito ang pinto ng kotse para bumaba ng hawakan ko ang kamay nito.

"Anton, kung ayaw mo...  Ok lang nagbakasakali lang naman ako kasi mahal n talaga kita... Pasensya ka na! "

Gulat na gulat ko ng pitikin nito ang noo ko.

"Hindi ka pa nagsisuimula suko ka na! Alfred,  inaantok na ako kaya di ako nagsasalita at alam mong bago sa atin ito kaya ang daming napasok sa isip ko. Umayos ka nga!  Dami mong sinasabi..."

"Nasaan na ang Maangas at suplado kong... ahhh basta umayos ka!...... Uwi na ako. Patay na ako sa mama ko.  Nakalimutan kong magpaalam."

"Anton,  kiss ko! "

"Tol,  gusto mo sapak....  Ganyan ka ba kabilis manligaw... Isa pang salita mo, basted ka na! "

"Wahhhh sorry...  Excited lang talaga ako at ng sobrang saya ko..."

"Sige na tol..."

-
-
-
Itutuloy
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDWhere stories live. Discover now