“Uhmm...” Hindi ko malaman ang sasabihin ko dahil rito, at tila nablangko ang aking isipan. I couldn't speak and think, dahil sa hindi ko alam kong ano ang desisyon ko.

“It’s okay, it takes time to decide.” Kindat ni Madame Superior, na ikatigil ko. Siguro nga kailangan ko ng oras para magdesisyon. It will only take awhile, and positive vibes to think and decide.


Naglalakad lang ako sa mahabang daan pauwi sa amin dahil hanggang ngayon missing in action parin yung bisikleta ko. Hindi ko nga alam kong okay pa ba iyon o lasug- lasug na. I dont have enough time to check it up, malapit na kasing lumubog ang araw kaya walang oras para hanapin ito.

* C R A K ! *

Napatingin ako sa aking harapan ng makarinig ng pagkabasag ng gamit, at ito’y galing sa Shop ni Ms. Miracle na ngayon ay medyo malapit na sa aking pwesto. Wow! Nasa tapat pala ako ng shop nya ng hindi ko manlang namamalayan. Hindi ko naiwasang matuod sa aking kinatatayuan dahil sa inatake na naman ako ng kanegahan! Paano kung may magnanakaw? Baka mapatay nila si Ms. Miracle! Walang alinlangan’y kaagad akong tumakbo papasok sa loob ng shop.

“Itaas nyo ang inyong mga kamay!” malakas kong sigaw na tila isang kawal. Pero ihip ng hangin lang ang tanging sumalubong saakin.

“Pfft! Haha. Ano yan ha? Para kang ewan.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon, at nakita si Ms. Miracle habang may basag na paso sa kanyang paanan. Basag na paso lang pala! Nag- ala- kawal pa naman ako, sayang yung effort.

Ako’y lumapit sakanya, ngunit ako'y kaagad na natigilan nang mapansing nagaalsa- balutan ito ng gamit. At kalahati ng kanyang mga bulaklak ay wala na.

“Ate, aalis po ba kayo?” Pabulong kong tanong. “Oo eh. Babalik na ako sa lugar namin.” Dahilan nito kaya ako’y kaagad na tinamaan ng kalungkutan. Sya na nga lang ang tanging nakakaintindi saakin, sya pa itong aalis. Hays!

“Pano’ na si Ereon, Ate?” Pigil ko sakanya. She looked at me with her teary- eyes yet she still kept smiling at me. “You’ll do great.” she said and pat my shoulder to lessen my sadness.

Kinuha nya ang aking palad kasabay nito ang paglagay nya ng kung ano sa aking kamay, “Keep it, I know you’ll somehow need it.” Nakangiting saad nito bago nya kunin lahat ng kanyang mga gamit at kami'y magkasabay na lumabas.

Siguro nga ito na ang oras para sya’y mag- aliw aliw. Saktong paglabas namin ay ang pagtigil ng isang karwahe sa aming harapan. Hindi ko namang maiwasang mapanghinayaan ng kalooban dahil sa ito’y aalis na.

“Paalam.” Wika nito habang sya’y kumakaway at lulan ng karwahe. Kahit na ako’y nalulungkot ay nagawa ko paring ngumiti at kumaway sakanya.

‘Paalam, kaibigan.’

Nang mawala na ang pigura ng karwahe sa aking paningin ay kaagad kong binuksan ang aking palad at tumambad saakin ang iba’t ibang klase ng buto ng halaman, na hindi ko mawari kung ano. I took glances on every each of them at may iba’t ibang simbolo pang nakalagay sa mga ito. Ito’y aking ibinulsa at aking ipinagpatuloy ang aking paglalakad, dahil sigurado akong gagabihin ako sa pag- uwi.

“Tadah!” masayang wika ko habang hawak- hawak ang mga butong ginawa kong isang kwintas, I simply made it on my own imaginations. Ito'y aking sinuot habang nakatingin sa aking refleksyon sa harapan ng salamin.

Hindi ko maiwasang mamangha nang bigla na lamang nagliwanag ang mga ito. Hindi ko alam kung totoo iyon o imahinasyon lang. Sabagay, lahat naman ng mga halaman ay magicals, yun ang natuklasan ko kasi kaya nilang pumatay, magpagaling at magpamangha.

FAIRYTALE ✔️: | ONCE UPON A FLOWER THIEF | (THIEF SERIES #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora