“Phillip,” pagbanggit ko sa pangalan niya para magising siya pero walang epekto eh. “Phillip naman eh, gumising ka.” Kinuha niya ang isa pang unan at ipinantakip niya iyon sa mukha niya. “Phillip, hindi ka makakahinga niyan, tanga ka talaga. Gising na.”

Nabigla naman ako nang padabog siyang bumangon at masama akong tinignan. “For pete’s sake! Ilang oras ang biyahe natin, patulugin mo ‘ko, utang na loob!”

“Why are you mad? Tss. Tara, mag-tour tayo.”

Inirapan niya ako at nahiga ulit. “Mag-tour ka mag-isa mo. Pwede ba Gia, inaantok pa ako.”

Wala na akong nagawa dahil matigas ang bungo niyan, ‘pag ayaw niya, ayaw niya talaga. Hay, nakakainis. Wala na akong napala sa kapatid kong ‘to.

Nag-text ako kay Kuya na magtu-tour lang ako at magpapatulong na lang sa staff and I assured him na I can handle myself.

Pumunta ako sa lobby at nakipag-usap sa isa sa mga receptionist.

“Hi!” masiglang bati ko. “Ah, can I request for a tour or a tour guide, perhaps? Gusto ko lang makita ‘yung ibang tourist spots dito sa Norte.”

“Ah sure ma’am. Sandali lang po ha?”

I nodded. For a while, nag-internet muna ako through my phone. Naka-plan naman ako eh. Siyempre, ini-inggit ko na sina Zoe at Tanya kung gaano kaganda dito. I’m a bitch, sorry. Hahaha. Tinawag naman ako muli ng babae at sinabing si Manong Gabo raw ang magtu-tour sa akin. Pero pansin ko ang pagka-dismaya sa mukha ni Manong, bakit ayaw ba niya makasama ang magandang tulad ko? My gosh, privilege ‘yon ‘no.

“Pero Miss, may inuutos pa ho kasi sa akin doon sa may beach eh,” pagtutol ni Manong na kausap ng receptionist.

“Eh kung ganoon sin-…” hindi siya natapos magsalita at nag-iba ang aura niya nang mukhang may nakita siya sa likod ko. “Dada! Buti na lang andito ka pa. I-tour mo naman ang guest natin oh, take note, special guest ang pamilya nila dito.”

Lumingon naman ako para tignan ang Dada na kausap niya. What a name? Parang tawag ng baby sa tatay niya. Tch. Wala na bang naisip na ibang pangalan ang parents niya? And I was shocked to see him. That guy I saw at the beach, the only difference is that he’s wearing a white polo shirt and brown shorts now. Gwapo pa rin naman siya… pero mas gwapo pa rin si Gavin. Hmp.

“Special guest?” he asked. Bakit, hindi ba halata sa akin na special guest ako kaya kailangan niya pa ipaulit? Err.

“Oo,” bumaling naman sa akin ang receptionist. “Miss Ramirez, pinsan ko na po ang bahala sa inyo.” And then she winked. Okay? What is that wink for?

“Tara na.” he said… no he commanded! Shit ‘to. Gwapo nga, mayabang naman. Aba, ako ang guest dito pero kung makautos ang isang ‘to! He should’ve atleast showed hospitality, right?

Medyo inis akong sumunod sa kaniya at sumakay siya sa isang Jeep Wrangler na 4 doors. I doubt that this is his car. Mangingisda siya at pinsan niya ang receptionist so imposible namang magkaroon siya ng ganiyan ka-angas na sasakyan. Uhm, I’ll make my point clear. I’m not degrading someone or anyone here but I am just stating my opinion based on the things that I see.  It is a man’s nature to judge, admit it or not I don’t care, masisisi niyo ba ako eh sa nakita ko siyang nagta-trabaho doon kanina.

Tignan mo, hindi man lang talaga ako pinagbuksan ng pinto. My goodness! How ungentle! Nakakairita! If only I still have a choice, I won’t pick him to tour me. Mas mukha pang mabait si Mang Gabo sa kaniya!

Padabog kong sinara ang pinto dahil sa inis ko.

“Dahan-dahan naman miss!” reklamo niya.

Hindi ko siya sinagot at inirapan ko lang.

A Levelheaded LassWhere stories live. Discover now