Chapter 13

2.3K 43 2
                                    
Basement nung pagkababa

Red Room kung saan kinukulong ang mga tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BASEMENT NA NAGIBA NG ANYO

BASEMENT NA NAGIBA NG ANYO

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakita niyang parang brand new pa ang basement. Walang kadumi-dumi at kumikintab pa ang ibabang sementong gawa sa marble.

Bigla siyang nagambala nang may marinig siyang parang tumakbo sa likod niya.

Hindi niya rin maintindihan kung bakit nanindig bigla ang mga balahibo niya sa batok at agad nanlamig. Mas lalo siyang nagulat nang tumakbo na naman ulit iyon sa likod niya ngunit sa kabilang direksyon naman. Mabilis ito na tila nakikipaglaro.

Isa sa mga pinto ng mga kuwarto ang nabuksan niya sa tahimik na hallway.

"Tara, dito ka," sabi ng isang boses bata.

Napalunok na lang si Leni sa takot, ngunit dahil bata ay pinilit niya ang sariling puntahan ito. Baka puwede pa niya itong isalba sa mga aswang. Napakatahimik talaga ng lugar. Tanging huni ng rubbershoes na pinang-aapak niya ang naririnig niya.

Nang nandoon na siya sa pinto ay dahan-dahan niyang tiningnan ito. Nakita niyang ito ay isang simpleng kuwarto lamang na tila secret file room ng clinic. Magulo at nakatapon ang mga libo-libong papel kung saan-saan.

Clinic Where stories live. Discover now