Chapter 4 "Malaking Sawa"

3K 73 4
                                    

"Mano po, Lolo Kasyo," salubong ni Ella.

Magmamano rin sana si Romulo nang biglang iiwas ng matanda ang kamay nito saka nagalit.

"Tigil-tigilan n'yo ako. Ayoko ng ganyan. Gawain 'yan ng mga tao na mga mapang-abuso sa mga nilalang na gaya natin," sabay namula mga mata nito't sumigaw.

"Paumanhin," ani Romulo at tumungo.

Si Kasyo ang pinakamatandang aswang at pinakamalakas sa lahat. Masama siyang aswang dahil kung sino ang gusto niyang patayin at kainin ay ginagawa niya. Hindi lang sila kayang patayin nito dahil tatay ito ng nanay nina Ella at Romulo.

"Sino yung mga batang nakasalubong ko ngayon sa loob ng clinic mo? Mukhang mga sariwa pa, Ella?" nakangising tanong ng matanda.

"Ay, huwag po 'yon, Lolo Kasyo. Mga pasyente 'yon na humihingi ng tulong sa atin pagkatapos kidnap-in at makatakas sa mga rebelde," paliwanang ni Ella na may pag-aalinlangan.

"Lolo, tama si Ella. Huwag n'yo silang galawin. Ako na ang nakikiusap sa inyo. Oo nga pala, si Commander Raquel ay nahuli na namin. Siya na lang po ang kunin n'yo," nag-aalalang sabi ni Romulo.

"Nasaan siya?" tanong ng matanda.

"Nasa basement ho," nakatungong sagot ni Romulo.

Agad naging anino ang matanda sabay nilipad ng hangin papunta sa basement ng kanilang clinic. Pagkatapos niyang gamitin ang hagdan ay agad siyang naglakad sa hallway na patay-sindi ang ilaw. Doon siya dumiretso sa masamang amoy na alam niya kung kanino, katabi ng morgue sa may Room 666.

Binuksan niya ang pinto. Pagkapasok niya ay ni-lock niya agad ito. Lumakas ang naririnig niyang hiyawan ng mga taong nagsisigawan at nag-iiyakan habang humihingi ng tulong.

Sa labas ng pinto ay nakikiramdam sina Romulo at Ella habang nakapikit lang sa mga naririnig na tila mabilis pa sa hangin ang tibok ng puso na walang alam sa mga nangyayari.

Pagkalabas ng matandang aswang sa pinto ay punong-puno ng dugo ang damit at bibig nito.

"Salamat, pupunta muna ako sa taas," ani Kasyo habang nakangiti na parang demonyo.

"Pumasok ka na, Ella. Kainin mo na lang ang tira-tira ni Lolo Kasyo sa loob," ani Romulo sabay pumikit ulit sa malungkot na pangyayari.

"Kuya, ayoko na ng ganito na kumakain mismo ng sariling karne ng tao gaya ni lolo. Pagod na ako," malungkot na sabi nito sabay patak ng luha sa kanyang pisngi.

"Kailangan. Dahil hindi ka mabubuhay kung gulay lang ang kinakain mo. Kapag hayop naman e wala na tayong pera, Ella. Saka nanghihina ka sa karne ng hayop lang. Isipin mo na lang na 'yang mga rebeldeng nahuhuli natin ay mga masasamang taong mga walang budhi. Isipin mo na sila ang nanggahasa at pumatay ng mga taong naliligaw sa lugar natin. Lalo na sa mga kaklase mo," pangungumbinsi ni Romulo sa kapatid.

Pumasok na si Ella sa loob para gawin ang sinabi ng kapatid. Makalipas ang ilang oras ay lumabas siya na pinagpapawisan at natatakot.

"O, bakit, Ella? Wala ka man lang bahid ng dugo sa bibig?" takang tanong ni Doctor Romulo.

"Buhay si Comander Raquel at hindi siya kinain ni Lolo. Nabanggit ni Commander Raquel na may kasamang buntis ang mga bisita natin at mukhang sila ang habol ni Lolo."

Biglang napatakbo sina Ella at Romulo sa taas.

"Ako na, kuya, ang bahala kina Jerick at Edison," sabi ni Ella sabay naging hangin siya.

Habang naghihintay sina Jerick at Edison sa isang tindahan ng manukan ay inip na inip naman sila.

"Malapit na po bang maluto, manang?"

Clinic Where stories live. Discover now