Chapter 2 "Kwento"

3.3K 75 0
                                    

Agad silang napatingin sa di-kalayuan. May anino ng isang lalaking may katangkaran ang papalapit sa kanila.

"Ano'ng ginagawa n'yo sa clinic ko?"

Nang malapitan sila ay nakita nila itong mabuti—isang lalaking matangkad at guwapo. Nakasalamin at nakasuot ng laboratory coat. Binasa ng dahan-dahan ni Leni ang plate sa coat nito.

"Doctor Romulo?"

"Ako nga," wika nito.

"Nahuli po namin ang rebeldeng nasa wanted list n'yo. Ito po siya. Si Commander Raquel."

Nang itulak nila ito papalapit sa doktor ay tila takot na
takot ang malaking mama. May sinasabi ito ngunit di nila maintindihan dahil sa naka-scotch tape ang bibig nito.

Pinosasan ito ni Doctor Romulo sa isang upuan sa clinic.

"Doktor, kailangan n'yo pong gamutin ang kasintahan ko. Buntis siya ng tatlong buwan at natapilok po siya," ani Lemuel.

"Okay, follow me," sabi ng doktor kaya sumunod ang limang magkakaibigan.

Habang naglalakad sila sa may-katamtamang laking Poly Clinic ay nakita nilang malinis naman ito. Ngunit napansin nilang wala itong nurse o ibang tao man lang sa loob.

Nawirduhan sina Leni at Edison.

"Parang bahay ko na rin ito, kaya welcome kayo kung gutom kayo. May makakain din kaya huwag kayong mag-aalala. Ako'ng bahala sa kaibigan n'yo. Isesemento ko lang ang paa niya para gumaling agad ang bali," paliwanag ng doktor.

"Puwede ba kaming makituloy sa inyo? Mukhang gagabihin kami?" tanong ni Lemuel.

"Puwede naman. Bakit hindi?" sagot naman ng doktor.

Binuksan ng doktor ang isang kuwarto ng clinic kung saan may mga hospital bed.

"Dito muna kayo. Tawagin n'yo lang ako kung kailangan n'yo ako. Aasikasuhin ko lang si Commander Raquel."

Pagkatapos tumuloy ng magbabarkada ay isinarado na ng doktor ang pinto.

"Teka! Kailan ka gagamutin, Jena?" tanong ni Leni.

"Ewan ko ba. Ang mahalaga ay safe tayo rito, sis!" sagot ni Jena.

Bigla silang may narinig na tila nagtatahulang mga aso na sinusundan ng parang malaki at makapal na telang hinahampas-hampas sa hangin. Parang may humuhuni ring uwak.

"Sh-Shit! Naririnig n'yo 'yon?" sabi ni Jena at agad na napayakap kay Leni.

"Tama na 'yan! Matutulog na ako e," sabi ni Jerick habang nakahiga.

"Mukhang manananggal 'yon? It's a myth in Filipino Horror Stories!" paliwanag ni Lemuel.

"Natatakot ako, sis," sabi ni Leni na mas humigpit pa ang yakap kay Jena.

"Ano ba kayo? Para namang susugurin kayo niyan. Matulog na nga kayo," sigaw na sabi ni Jerick.

Agad na bumangon si Edison at isinara ang maliit na bintana ng kuwarto. "Ayan, wala na! Puwede na ba tayong matulog? Kasi bukas, hahanapin pa natin yung van natin," inis niyang sabi.

Habang nanonood si Doctor Romulo sa maliit niyang silid (dahil ang kanilang bahay ay nasa loob lang ng clinic) ay agad siyang nakalanghap ng napakabahong amoy at tila niyayakap ng malamig na hangin ang kanyang katawan.

"Lumabas ka riyan, Ella. Alam kong ikaw 'yan," ani Romulo.

Biglang lumabas ang nakakatakot na mukha habang nagpapatay-sindi naman ang ilaw. Nag-transform ang nilalang na iyon sa isang sobrang gandang mukha ng isang maamong babae na
nasa edad na dalawampu't isa.

"Kuya, sino ang ating mga bisita? Habang lumilipad ako ay naamoy ko na sila," tanong ni Ella. Isang aswang.

Magkapatid sina Ella at Romulo ngunit hindi sila parehong aswang. Isang ganap na tao kasi si Romulo.

"Mga dayo. Mga naliligaw. Nahuli nila yung masamang leader ng mga rebelde na nanggahasa at pumatay sa mga kaibigan mong nag-fieldtrip dito sa bayan natin kaya sa kanila ko ibibigay ang pabuya," sagot ni Romulo.

"Talaga, Kuya Romulo? Gutom na kasi ako e. Nasaan na 'yong si Commander Raquel? Talaga bang nahuli nila?" ani Ella.

"Hindi ko muna sa 'yo sasabihin hangga't hindi ka umamin sa akin. May kinain ka bang tao?" dudang sabi ni Doctor Romulo sa kadahilanang may kaunting kapangyarihan siya sa pang-amoy.

Hindi naman makapagsalita si Ella.

"Sabihin mo sa akin ang totoo," medyo galit na usal ni
Romulo.

Kaya agad na nagkuwento ang dalaga tungkol sa paninilbihan nito sa Pamilya Rodriguez bilang isang kasambahay.

Ella POV

"Naghanap ako ng trabaho roon dahil kumakaunti na ang nagpapagamot sa Poly Clinic natin kaya kaunti na rin ang kita. Kaya nagbakasakali akong tumulong.

Nagtiis ako kahit na takam na takam akong kainin ang dalawang mga alagang kong bata dahil ang lulusog ng mga ito, pero iniisip kita, Kuya Romulo, kaya hindi ko ito ginagawa. Inalagaan ko na lang ito nang mabuti na parang isang normal na kasambahay lamang.

Hanggang sa isang araw ay bumili sila ng alagang pusa na
dalawang babae at dalawang lalaki. Hindi nagtagal ay nabuntis ang mga alaga nila. At dahil hindi ko matiis ang sumpa galing sa magulang natin ay kinakain ko paisa-isa ang mga ito pero hindi pa rin ako makontento.

Pagsapit ng gabi ay nagnanakaw ako ng hindi lutong na manok at karne. Iyon na lang ang kinakain ko dahil habang
tumatagal ay naglalaway ako sa malulusog na alaga kong mga bata. May mga boses akong naririnig na tila nagsasabi na patayin at kainin ang mga ito.

Dumating ang araw na parang pinagdududahan na ako ng mag-asawa dahil palaging patay ang ilaw sa kuwarto sa baba ng mansyon. Sinabi ko na lang na dahil sa nagtitipid ako ng koryente.

Pero walang lihim na di nabubunyag dahil nahuli ako ng isa sa mga anak ng Pamilya Rodriguez nang makita ang kalahati ng katawan ko sa may terrace nang ala-una ng madaling-araw kaya't nagsumbong ang bata. Buti na lang ay agad akong nakaisip ng solusyon dahil yung alaga kong iyon ay mahilig manood ng mga nakakatakot na palabas at kinausap ko siya nang kami lang dalawa. Napalapit din sa akin, Kuya, ang mga bata. Kaya naging close sila sa akin.

Clinic Où les histoires vivent. Découvrez maintenant