Chapter 3 "Pinakilala"

3.1K 69 1
                                    

Nang magbakasyon ang buong Pamilya Rodriguez ay nakita ko na may inilalagay sila sa pader. Di ko alam kung ano iyon kaya nagtanong ako. At sinagot naman nila na CCTV iyon. Di ko naman alam kung para saan iyon.

Nang umalis sila ay napapansin kong isa ulit sa mga malaking aso nila ang buntis. Medyo naimbiyerna ako sa mag-asawa dahil hindi nila ako iniwanan ng pera para pambili ng pagkain nang umalis sila.

Kaya napag-trip-an ko na lang ang buntis na alagang aso nila. Sumapit ang gabi ay agad kong pinatay at kinain ang buong laman ng tiyan kasama ang mga anak nito sa loob ng bahay.

Ilang araw pagkabalik nila ay sinabi ko sa kanilang namatay yung aso nilang buntis kaya nagsiiyakan ang kambal. Na-guilty ako kaya nag-resign na lang ako. Nagkataong natuklasan nilang aswang ako dahil sa CCTV na inilagay nila sa bahay nila bago ako umalis.

"At least, hindi mo sila pinatay, Ella. At diyan ako bilib sa 'yo! Na-control mo pa rin ang pagiging aswang mo," ngiting wika ni Romulo.

Agad siyang niyakap ng kapatid at naiyak.

"Sa ngayon ay magpanggap ka muna bilang nurse ko. Dahil isa roon sa bisita natin ay buntis at natapilok. Kailangang isemento ang paa niya para gumaling."

Biglang namang nanlaki ang mata ni Ella.

"Magpigil-pigil ka pa rin. Hindi porke't buntis ay puwede nating paslangin para iyong kainin. Halika rito at ikakadena na kita para di na makalipad ang kalahati ng katawan mo. Lalo na't bilog na bilog ang buwan ngayon. Bukas ay ibibigay ko na sa 'yo ang susuotin mo na unipormeng pang-nurse," wika ng kuya niya.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng clinic.

"Tuloy ho kayo," sabi nina Jerick at Edison.

"Maganda umaga sa inyo," bating sagot ng doktor.

"Magandang umaga po," sabay-sabay na bati ng limang kabataan.

"Kumusta na ang kalagayan mo, Jena?" tanong ni Romulo sa dalaga.

"Masakit pa po ang paa ko," nag-aalinlangang sagot ng dalaga.

"Guys! Si Lemuel, inaapoy ng lagnat at nagsususuka!" sigaw ni Leni at sa kanya napunta ang atensyon ng lahat.

Agad namang tumakbo palapit si Romulo sa binata at ginamitan ito ng stethoscope. Tila kinukumbulsiyon naman ito.

"Ella!" sigaw ni Romulo para tawagin ang kapatid. "Ella! Ano ba?" pangalawang sigaw ni Romulo.

Agad pumasok ang napakaganda nitong kapatid na babae na nakasuot ng uniform ng isang nurse.

Nagulat ang apat na kabataan na tila nabighani.

"Ho! Kuya?" sagot ni Ella na tila natataranta. "Kunin mo ang thermometer!" utos ng kanyang kapatid.

"Okay po, kuya, sandali lang." Agad lumabas si Ella, kinuha ang lahat ng gamit, at inilagay sa separate na container bago bumalik.

Tiningnan agad ni Romulo si Lemuel at nalaman niyang mataas ang lagnat nito. Pinainom niya ito agad ng gamot pagkatapos niyang gamitan ng stethoscope.

"Parang matatagalan yata kayo rito. Obserbahan natin siya at titingnan ko sa laboratory ko kung ano'ng meron sa dugo ng kaibigan n'yo," ani Romulo.

Nagkatinginan sina Edison at Jerick.

"Doc, paano po ang kaibigan kong si Jena," nag-aalalang tanong ni Leni.

"Masesemento 'yon dahil may minor fracture ang paa niya. Huwag niya lang gutumin ang sarili niya. The more food she eats, mas madali siya gagaling. Ella, ikaw na'ng bahala sa paa ni Jena," utos ni Romulo.

"Doctor, bakit di mo naman kami ipakilala sa nurse mong maganda?" interesadong sabi ni Jerick.

Agad namang napatingin sa kanya si Ella. Kinindatan lang ito ni Jerick na ikinagulat at ikinainis nito.

"Okay. She is my assistant nurse at biological sister ko siya. Kaedad n'yo lang siya. Kung wala ako ay siya ang hanapin n'yo. Nasa reception lang naman siya," ani Romulo.

"Bakit kaunti lang kayong nagtatrabaho rito, doc?" nagtatakang tanong ni Edison.

Di siya pinansin ni Romulo. Umalis na ang dalawa sa kuwarto at iniwan sila.

"Putsa! Ang weird ng clinic na 'to. Kaunti lang ang tauhan!" sabi ni Edison pagkatapos lumapit sa tropa.

"Basta, wala akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay makita ko si Ella!" gigil na sabi ni Jerick habang namumula.

"Okay ka lang, Jena?" ani Leni sa kaibigan. Nakita niyang nakatingin si Jena sa kasintahang nakahiga at mataas ang lagnat.

"Hindi ako magiging okay hangga't di ko nakikita si Lemuel na magaling na," ani Jena na nag-aalala.

"Kumain ka na lang para sa baby n'yo! Boys, bumili nga kayo sa labas ng makakain natin!" inis na sigaw ni Leni sa mga kaibigan.

"Ayoko, kiss muna!" nang-aasar na sabi ni Edison.

"Gago! Di pa kita sinasagot, ha! Gusto mo suntok?"

Agad namang bumangon si Jerick. "Tara, Edison! Labas tayo. May pera ba tayo riyan?"

Kinuha ni Leni ang pitaka niya. "Ito muna ang pera. Basta kahit ano, bilhin n'yo, para makakain si Jena. Bawal kasi siyang magpagutom."

Paglabas na paglabas nina Jerick at Edison ay nakita nilang wala na sa kinalalagyan si Commander Raquel. Tapos ay bigla silang may nakasalubong na isang matandang papasok ng clinic. Ang tahimik nito at napakamisteryoso ng mukha. Dire-diretso ang tingin at hindi man lang sila sinubukang lingunin. Nakakatakot ang aura nito.

Hindi naman ito multo dahil nalingunan nila itong dalawa at nakita nilang sinalubong ito ni Romulo. Pagkatapos ay pinapasok sa pinto na parang kinakausap.


Clinic Där berättelser lever. Upptäck nu