Ang Pagibig ng Aswang pt. 1(Chapter 6)

3K 56 0
                                    

Pagkabukas ng telebisyon ay napanood agad niya ang balita tungkol sa isang aswang na nakuhanan ng isang video ng isang mamamayan sa municipal ng Capiz. Gumagala at kinakain ang mga manok kada residente na naninirahan doon.

Agad pinatay ng isang magandang dalaga ang telebisyon. "Hay, naku, ma! Hanggang ngayon pa ba'y may naniniwala pa sa aswang? Nakakatawa naman ang mga tao," ngiting sabi ni Lilia sa ina habang namamalantsa ito.

Biglang napatingin sa kanya ang ina niya sabay nanlaki ang mata sa sinabi ng anak. Si Lilia ay isang napakagandang dalaga sa bayan nila kung saa'y napakadami ring manliligaw ngunit hindi pa ito seryoso sa pag-ibig. Kakatuntong pa lang niya sa edad na labingwalo nang makilala niya ang lalaki na nagpabago ng mundo niya na si Joshua.

"Pabili nga ng isaw at atay ng manok," nakangiting sabi ni Joshua. Isang dayo sa lugar.

Agad plinastik ni Lilia ang mga kaluluto lang na order ng binata nang biglang umulan.

"Ay! Bakit ngayon pa, Diyos ko," inis na sabi ni Lilia. Nang kunin niya ang mga gamit ay tinulungan na siya ng binata.

Dahil mas lumakas ang ulan ay pinapasok ni Lilia si Joshua sa loob ng kanilang bahay sabay inabutan ng tuwalya. Hindi naman ito mukhang masama dahil sa galante ang binata kung manamit.

"Inay, may bisita tayo," sigaw ni Lilia at nagpakita ang kanyang ina.

Ipinaliwanag din ni Joshua na nasiraan siya ng sasakyan kaya sinabihan siya ni Lilia na sa kanila muna magpagabi dahil sa utang na loob niya rito pagkatapos siyang tulungan kanina.

~~~

Isang gabi ay hindi nakatulog si Joshua dahil may naririnig siyang isang malakas na hampas ng hangin. Dahil laking Amerika siya ay hindi niya maintindihan kung ano ito at kung bakit ngayong hatinggabi pa niya naririnig.

Naiinis na rin siya dahil hindi siya makatulog. Nang biglang pagbangon niya sa kama at palabas niya ng kuwarto ay bigla siyang nagulat nang salubungin siya ng nanay ni Lilia na nasa harap mismo ng kanyang pinto.

"Bakit gising ka pa nang ganitong oras?" tanong ng ina ni Lilia sabay pinanlakihan ng mata ang binata.

Agad may namuong takot sa katawan ni Joshua. "I ca-can't sleep. Nagpapagpag ba kayo riyan ng bedsheet or something? It's like you're struggling to work on it. Maybe I can help?"

"Hindi na kailangan kaya matulog ka na. Uuwi ka pa nang maaga bukas. Nakausap ko na ang technician na aayos ng kotse mo," nandidilat ang mga matang sabi ng ina ni Lilia sa kanya. Sabay naglakad paiwas sa kanya.

"Weird," bulong ni Joshua pagkaalis ng matanda at niyakap ang sarili habang nakasando. Bumalik na lang siya sa kuwarto't pinilit matulog.

Umaga na nang magising siya. Lumabas na siya ng kuwarto at nakita niya si Lilia na naghahanda na ng mga barbeque na dadalhin nito para magtindang muli. Nagagandahan at nabibighani talaga siya sa itsura nitong tila isang diyosang probinsyana.

"Wait, I'll help you, Miss Beautiful," ngiting sabi ni Joshua sabay tinulungan ang dalaga na buhatin ang lahat ng kakailanganing paninda.

"Beautiful ka riyan. Sabi ni inay ay aalis ka na raw dapat," iritang sabi ni Lilia.

"I can't."

"Bakit naman?"

"Because I found the lost piece of my heart."

"Sows," nakakunot-noong sagot ni Lilia sa kanya.

"Katabi ko lang siya," sabay kindat ni Joshua. "Can you allow me to court you?" hirit ulit niya sa dalaga.

Clinic Where stories live. Discover now