31. August's Break Out

Start from the beginning
                                    

Nagising na lang ako dahil sa alarm. Pakiramdam ko ay kinulang ako sa tulog. Bumangon na ako at naligo ulit dahil papasok na naman ako sa trabaho. Nakapagbihis na ako at lumabas na ng kuwarto ng biglang nagring naman ang cellphone ko. Si Misha yun.

"Hello?" Agad na bungad ko. Nagtataka lang ako kung bakit tumatawag ito na hindi naman nito yun gawain. Kami yung tipong may cellphone pero hindi masyadong ginagamit.

"Bes, wag kang pumasok sa trabaho. You need to stay where you are. Pinapasundan ka ni Senator Velasquez. We still don't know the reason but he already knows where you are staying." Saad nito sa akin na halos mabitawan ko naman ang dala kong bag.

"Are you sure? Hindi ba kayo nagkakamali?" Panigurado ko pa.

"We found out just today August. Pinasundan ka niya kagabi. We are still finding the reason why. Dalawa lang kasi August, gusto niya alamin kung saan ka nakatira o pinagdududahan ka niya." Sagot naman nito sa akin.

Posible ba na pinagdududahan niya ako? Malamang, hindi yun malayo. Baka nga hindi ko alam, alam na niya pala identity ko pero umaakto lang ito.

"Shit, you need to find out. Hindi pwedeng clueless tayo sa pinanggagawa niya." Saad ko rito.

"Were working on it. Send ko na lang via email lahat ng info. But for now, act like a normal and regular person." Saad nito at ibinaba na nito ang tawag.

Napatitig na lang ako sa kawalan. Yung utak ko ang dami ng tumatakbong posibilidad. Wala sa sariling napalakad na lang ako pababa sa hagdanan at pumanhik sa kusina. Napatingin ako sa coffee maker at may blended coffee na doon kaya kumuha na lang ako ng baso at umipis doon.

Muntik pa akong napaso, well napaso na talaga ang dila ko dahil wala sa sariling nainom ko ang kape. I literally don't know what to do or think right now. I hate this feeling that I am blinded by something. Why would Nate hired or ask someone to tail me? Is it bad or good? Ang daming tumatakbo sa utak ko pero wala akong makuhang tamang sagot. Puro posibilidad lang ang naiisip ko.

Nailapag ko ang kape and I bore my eyes on the tiled floor, pero naagaw naman ng atensyon ko ng mga yapak kaya napatingin ako sa pintuan at nakita ko nga si Cayden doon na papasok but he was not surprised seeing me. I wanted to confront him, pero parang nawalan ako ng gana dahil sa mga nangyari.

"Aren't you going to work?" Untag nito sa akin. Malamang napansin nito dahil masyadong late na kung ngayon oras ako aalis.

Umiling ako. I need to resolve this. I need to find the reason why he's been tailing me. This is not a good thing that we are having a blind spot.

"Why?" Tanong pa nito.

"Schedule changed." Sagot ko na lang rito. Nagpasya na akong lumabas mula sa kusina at pumanhik na ako sa hagdanan ng maalala ko na hindi ko pala nahuhugasan ang tasang ginamit ko. Kaya umikot ako at naglakad pababa ako at bumalik ng kusina pero bago pa naman ako nakapasok ay narinig ko na nagsasalita si Cayden.

"I know... I know it is wrong to deceive her.. I will tel her soon...I can't wait to see you." Dinig ko saad ni Cayden.

I went so still from standing. Hindi naman siguro imagination ko lang yun di ba? This is not the 1st time pero bakit pakiramdam ko mas malala ito ngayon? My jaws clenched because of anger, and I saw Cayden who was a bit surprised when he saw me standing there.

"You're-"

"Who was it?" Tanong ko rito but I am holding back my anger. I am trying to act natural even I wanted to freak out already.

"Ah, it was nothing." Sagot nito at halatang wala itong balak na sagutin ang tanong ko. Nasaktan ako lalo dahil doon. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Nahuli na lahat-lahat nagsisinungaling pa rin?

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHWhere stories live. Discover now