Capitulo Treinta y Uno

5.4K 167 18
                                    

Paunawa: Hindi ko na po ieedit ang Capitulo Treinta. Ngunit depende pa din po iyon sa magiging takbo ng utak ko hahaha 😂

****

"Isabela?! Anong gagawin natin doon?!" Napapitlag si Ana sa upuan nya nang marinig ang sinabi ko.

"Basta. May ilang bagay lamang akong tutuklasin." Seryosong sagot ko. Nakatuon ang pag-iisip ko sa panahong iyon. Alam kong hindi iyon basta panaginip lang.

"W-wait! Tama ba ang rinig ko?! May sumapi bang masamang elemento sayo?! Bakit ka ganyan managalog?" Sunod-sunod nyang tanong. Napailing nalang ako dahil sa inasal nya.

"Mamaya ko na lamang ipapaliwanag sayo." Pinark ko sa parking lot ng bahay namin ang kotse ko at saka ako nagmadaling lumabas. Sumunod din naman si Ana sa akin pagkatapos.

"Krishnel wait! What the hell is wrong with you?!" Hindi ko sya pinansin at dere-deretso lang ako. Nakabuntot lang sya sa akin hanggang sa marating na namin ang kwarto ko. Agad-agad ko yong nilock at saka ko sya pinaupo sa kama.

"Makinig kang mabuti. Nakapag time travel ako." Hinintay ko ang magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ay nagtititigan padin kami.

"HAHAHAHAHA!" Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya kasabay ng paghawak niya sa kanyang tyan at nagpagulong-gulong pa sa kama. Napasapo ako sa noo ko nang makita ang reaksyon niya.

Umayos ulit sya ng upo habang pinupunasan ang gilid ng mata nyang may lumabas na kaunting luha dahil sa katatawa nya.

"Oh-kay. W-wait. Lemme ask you one thing. Are you on drugs? Pft." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Drugs? Oo may pambili ako non, pero hinding-hindi ko susubukang bumili.

"Alam kong mahirap paniwalaan! Pero bumalik ako sa taong 1890! Tinuruan ako ng leksyon doon dahil sa kaartehan ko. Maniwala ka! Matagal ako doon, halos ilang bwan para lang mapuno ang kwintas na ito." Pinakita ko sa kanya ang kwintas na ngayon ay kulay puti na.

"Something's wrong here. Are you out of your mind?! Magkaklase tayo. Alam ko ang nangyari kanina. Hindi ka naman nawala sa room eh. Baka panaginip mo lang yun since ayaw mo naman ng History." Pag-eexplain niya. Napailing nalang ako sa tinuran niya.

"Basta! Sumama ka sa akin sa Isabela." Wala nang nagawa si Ana sa sinabi ko. Alam kong nagmukha akong baliw sa harap niya pero isasama ko pa din siya.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Maaga din akong pumasok sa school. Mamaya na nga pala uuwi si Mommy. Nagvideo call kami bago ako umalis kaninang umaga. Sa isang sikat na restaurant nalang kami mag didinner.

"So ano na? Nameet mo ba si Bonifacio? Pogi ba? Hahahahaha!" Tawang-tawa pa din sa pang-aasar si Ana. Mula kagabi ay hindi niya ako tinigilang tanungin katulad nang kung malapad daw ba talaga ang noo ni Jacinto.

"Hindi ko nga sabi sila nameet. Atsaka 1890 ang taong narating ko. Ibang grupo ang nakilala ko." Tumitig ako sa librong hawak ko. Nasa library kami ngayon. Mabuti nalang at maagang dumating ang librarian.

"So kelan ka pa natutong magbasa ng Historical books?" Tanong ni Ana. Isinara ko ang libro at saka binalik iyon sa dati nitong pwesto at naglakad palabas.

"Krishnel! Wait! I was just kidding!" Humabol sya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Ano kayang nangyari kina Ka Pedring? Namimiss ko na sila. Maging sina Ina, ate Maria at ate Marina miss na miss ko na. Hindi ko manlang sila nakausap at nakayakap sa huling pagkakataon. Si Julian kaya? Miss na miss ko na din sya. Hanggang ngayon, dama ko pa din ang yakap niya nung nabaril ako. Anong nangyari sayo Julian? Totoo nga yung sabi nila, kapag na-attach ka na sa isang tao, mahirap nang maialis sa buhay mo.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now