Capitulo Siete

7.1K 300 47
                                    

Dedicated to starnut

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜





Patria's POV

Pagkatapos ng mahabang preparation sa birthday ni Ama, heto kami't naghahanda na para mamaya. Dalawang araw daw gaganapin ang Birthday ni Ama. Ngayon at bukas.

Sinoot ko ang kulay kahel kong saya na bulaklakin. Isinoot ko din ang kwintas ko at tsaka bracelet. Sinoot ko din ang wristwatch ko. Sabi kasi ni Ama, kailangan daw posturang-postura ang ayos namin dahil may mga bisita syang iginagalang sa lugar na ito. Kasama na doon ang Gobernador-cillo at ang Gobernador-Heneral.

"Binibini, Napakaganda nyo po. Lalo pa kayong gumanda sa mamahaling saya nyo at sa mga alahas mo." Tuwang-tuwa namang sabi ni Concela.

Ako na ang nag style sa buhok ko. Nilugay ko nalang na pinakulot ng konti. Luckily, Dala ko yung make up ko na nasa bag ko kaya bongga ang peg ko ngayon. Parang 2017 pero naka-saya.


Lumabas na ako. Pagbaba ko sa hagdan, Halos lahat ng bisita nakatingin sa akin. Lalo na si Julian. Napaiwas naman kaagad ako ng tingin.

Nang malapit na ako sa baba, Sinalubong ako ni Lorenzo at inalok akong alalayan. Binigay ko naman ang kamay ko.

"Napaka ganda mo Binibini. Para kang anghel na bumaba galing sa langit." Nagpasalamat nalang ako sa papuri ni Lorenzo.





Nang makompleto na ang mga inaasahang bisita, Nagsalita na si Ama.

"Maraming-maraming salamat sa pagdalo. Kinagagalak kong pinaunlakan ninyo ang imbitasyon ko sa kaarawan na ito. Lalong-lalo na sa ating pinakamamahal na Gobernador-Heneral."

Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"You look beautiful Ms. Patria." Bulong sa akin ni Samuel.

"Thanks." Tugon ko naman.


Nagsalita ulit si Ama.

"Nais ko lamang na ipakilala ang anak kong anim na bwan naming pinaghahanap. At sa awa ng diyos ay nakita na namin sya.. Patria anak. Halika na."

Naglakad ako palapit kay ama. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Nais kong magpasalamat sa Gobernador-Heneral na syang nagpakalap sa buong kamaynilaan ang aking nawawalang anak." Nagpalakpakan ulit ang audience habang ako ay parang tuod sa harap.

"Ang anak kong ito ay lumaking masunurin, magalang, mapagkumbaba, mabait, maaasahan sa gawaing bahay at higit sa lahat....Talentado." Napangiti naman sa akin si Ama na mukhang iiyak na. Kung alam mo lang Don Hidalgo, na hindi ako ang totoong Patria.

"Kaya naman anak, nais ko sanang handugan mo kami ng isang awitin."

Bumaba na si Ama sa mini-stage na kahoy at naiwan ako doon mag-isa. Hindi ko ito pinaghandaan pero...

TING !

Naglakad ako papunta sa piano at nagsimulang tumugtog....

Kay tagal nang ako'y dumadaling
Kung kailan ba sa akin ay darating
Isang tulad mo na para sa akin
at sa habang buhay ay aking iibigain

Nang mamasdan ka ay may ibang nadama
Nabuhay muli ang isang pag-asa
Sana'y ikaw at wala nang iba
Ang hinihintay kong makita

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon