Capitulo Cinco

7.8K 317 67
                                    

Dedicated to Shrrylaloo

Sana i-like nyo yung facebook page ko Author Nom (Kapag hindi niyo makita, search niyo yung Nomdeplume Wp) Salamaaaat 💜






Napahiga nalang ako sa sobrang pagod dahil inabot ako ng gabi sa pamilihan. Napagalitan pa tuloy ako ni Ama.

FLASHBACK

Pagdating namin sa palengke, agad akong bumaba dahil na-amaze ako sa itsura. Napaka simple. Busy silang lahat na nagtatawag ng customer.

"Halika na Binibini." Pinauna ako ni Concela. Sumunod sya sa akin. Habang si Anastacio naman ay naiwan sa kalesa.

"Señorita! Halika't pasukin ang aking paninda!" Sigaw ng isang matanda sa akin.

"Ohh bili-bili kayo jan. Pasok ho tayo." Pag aaya naman ng isa. Kanya kanya silang sales talk para lang maka benta.

"Concela, Ano bang paborito nila ate Marina at ate Maria?" Tanong ko kay Concela. Hindi naman na sya nag-alangan dahil ang alam nya nagka-amnesia ako.

"Suman po kay Binibining Marina at manggang hinog naman kay Binibining Maria." Magalang na sagot ni Concela.

Lumapit kami sa tindahan ng mga gulay at prutas. Si Concela na ang pinapili ko dahil hindi naman ako marunong ng mga magagandang klase ng prutas.

"Binibini, kay rikit mo namang dilag." Puri sa akin ng tindera. Hindi ko sya pinansin. Inabot ko nalang ang bayad kay Concela na inabot din niya sa Manang at saka umalis na. Si Concela din ang taga bitbit kaya hindi ako nahirapang maglakad.

Mukhang milyonaryo ako sa panahong ito ahh.

Sabi ko sa sarili ko. Nag-uumapaw ang saya ko dahil sa mura ang mga bilihin.

Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan tindahan ng mga baro't saya.

"Señorita! Pumili ka lamang dito at makakamura kapa." Bati ng tindera. Pumasok ako sa maliit na kubo niya.

"Bibilhin ko ang pinaka mahal na baro't saya mo. Bigyan mo ako ng 5 pares." Nanlaki naman ang mata ng tindera at dali-dali nitong pinaglalabas ang mga mamahaling damit. Pati si Concela ay nagulat din.

"Sigurado ka ba Binibini?" Tanong ng P.A ko. Tumango lang ako sa kanya habang gulat pa din ang reaksyon niya.

"Pumili ka din Concela. Para kapag nag day off---kapag araw ng pahinga mo, may magamit ka." Napayuko lang siya sa sinabi ko at humigpit ang kapit sa mga pinamili namin kanina.

"Nako Binibini, wala po akong pambayad sa baro dito." Sabi nya sa mababa at mahinang boses.

"Gawin mo na yang sampu." Sabi ko sa tindera at kaagad namang kumuha at binalot ang nabili ko.

"Bilang kapalit ng panlilibre ko, Hinding-hindi mo sasabihin kay Ama o kay Ina o kahit kanino pa na madami akong pera. Naiintindihan mo?" Pananakot ko pa. Binayaran ko na ang mga damit saka nauna na akong lumabas ng kubong yon dahil nakakaramdam na din ako ng konting init.

"O-Opo Binibini." Utal nyang sagot habang kinukuha ang mga pinamili ko.

"Dalhin mo muna yan sa kalesa at balikan mo ako dito, marami pa tayong bibilhin at mukhang hindi mo na kakayanin pang dalahin." Nagmadali naman syang bumalik papunta sa kalesa at naglakad na ako paalis. Narinig ko pang nag usap at naki-intriga naman ang ibang tindera sa binilhan namin ng saya.

"Sino sya aling Peling? Sa itsura palang nya eh mayaman yan. Ang daming alahas! Biruin mong bilhin ang sampung mamahaling saya mo?! Eh yung halaga ng isang saya na binili nya, halos isang bwan ko nang kita sa pagtitinda." Saad nung isang tindera kaya napa smirk nalang ako.

A Hundred Years Gap (COMPLETED) [MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now