CHAPTER 14

983K 26.9K 5.7K
                                    

A/N: Calle is pronounced as CAL-LE.

CHAPTER 14

NAGISING SI LUCKY na wala na sa tabi niya si Blake pero magaan ang pakiramdam niya. Parang ang sarap ng tulog niya. Dahil ba katabi niya si Blake? Napangiti siya. Iba talaga ang epekto sa kanya ng lalaking 'yon.

Bumangon siya at umalis ng kama, saka lumabas ng kuwarto.

Agad siyang dumeretso sa kusina dahil sa mabangong aroma na naamoy niya na alam niyang nanggagaling doon.

And she was right. Blake was cooking... while shirtless.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito para hindi siya nito maramdaman, pagkatapos ay niyakap niya ito sa baywang mula sa likuran.

"Good morning, Blakey-baby!" masigla niyang bati sa lalaki.

"Morning, baby." Humarap ito sa kanya, saka nagtatakang tiningnan siya. "Why are tiptoeing by the way?"

Her lips formed into an "o." "You heard and feel that? Akala ko hindi ako maingay." Napalabi siya. "I just want to surprise you, that's all." Kapagkuwan ay sinilip niya ang nasa likuran nito habang nakayakap pa rin dito. "Is that for me, Blakey-baby? Is that my breakfast?"

"Yep," sabi nito, saka sinapo ang mukha niya. "Now, for my daily dose of positivity."

Akmang hahalikan siya nito pero mabilis niyang tinakpan ang bibig. "No!" Her voice muffled. "Hindi pa ako nagtu-tooth brush."

"And?" he asked, frowning.

"Basta." Humakbang siya paatras. "Be back later."

"Lucky!" tawag sa kanya ni Blake pero hindi niya ito pinansin. Lumabas siya ng apartment nito at lumipat sa apartment niya. Only to find out that it was locked.

Mahaba ang nguso na bumalik siya sa apartment ni Blake.

"Blakey..." Bagsak ang mga balikat niya nang pumasok sa kusina. "Naka-lock ang pinto ng apartment ko."

Natawa ito. "Come here. Bantayan mo ang niluluto ko. But don't do anything with it, baka maging maalat. Bawal 'yon sa 'yo."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Ewan ko sa 'yo."

Tatawa-tawang umalis ng kusina si Blake at ilang minuto ang hinintay niya bago ito bumalik.

"Bukas na. Doon ako dumaan sa balcony," imporma nito sa kanya.

Nginitian niya ito. "Okay. Salamat."

"Where's my daily dose of positivity?" tanong na naman nito.

Tinakpan ni Lucky ang mga labi niya habang naglalakad palayo. Tinawanan lang siya nito.

Nang makapasok siya sa apartment niya at nai-lock ang pinto, agad siyang naligo, nagsepilyo at nagbihis, saka tinuyo ang buhok niya. Habang ginagawa niya iyon ay may ngiti sa mga labi niya.

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang makalabas siya ng ospital at hindi pa sumasakit ang dibdib niya.

Sana naman magtuloy-tuloy na 'to.

Pagkatapos niyang mag-ayos sa sarili, lumipat uli siya sa apartment ni Blake kung saan nakahanda na ang agahan niya.

"Kain ka na," sabi nito nang pumasok siya sa kusina.

May kanin na sa pinggan niya, nandoon na rin ang gulay na ulam niya. Saka isang prutas at tea.

"Thank you." She beamed at Blake. "So much."

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon