She had always craved for her mother's love and care. She had always wanted to be hugged by her mother. But she was now twenty-six, still, her mother couldn't even spare a time for her. Sabi ng lola niya, hindi na magpapakita sa kanya ang mommy niya.

Malakas siyang bumuntong-hininga, saka napatingin sa balkonahe ni Blake. Malapit lang 'yon sa balkonahe niya at hindi naman 'yon kataasan kaya sinubukan niyang tumawid.

Habang nakatayo sa railings ng balkonahe niya, napatitig siya sa ibaba, nang makaramdam ng panlalambot ng mga tuhod dahil mataas pala. Agad siyang humakbang sa railings ng balkonahe ni Blake, saka maingat na umapak ang mga paa sa balkonahe nito.

Nakakadalawang katok pa lang siya ay bumukas agad ang sliding door at agad na dumako ang tingin ni Blake sa basa niyang pisngi.

"What happened?" agad nitong tanong na may pag-aalala. "Okay ka lang ba?"

Umiling siya.

Sinilip nito ang dinaanan niya. "Next time, use the door."

Nagbaba si Lucky ng tingin. "Baka kasi hindi mo ako marinig. Gusto ko lang ng kausap."

Hinawakan siya nito sa kamay, saka hinila papasok at isinara ang pinto. Pinaupo siya nito sa gilid ng kama.

"What happened?" tanong ni Blake habang nagsusuot ng sando dahil nakahubad-baro ito.

Lucky played with her own fingers. "I just had a bad dream. That's all."

Umupo ito sa tabi niya. "Gusto mo bang ikuwento sa 'kin para mabawasan ang bigat ng loob mo? I know you'd been crying."

Huminga muna siya nang malalim, saka tumingin sa lalaki at nag-umpisang magkuwento para maibsan ang nararamdaman niyang bigat ng kalooban.

"Napanaginipan ko noong bata pa ako na pinagawa kami ng Mother's Day card ng teacher namin. Sabi niya, kapag binigyan daw namin ng ganoon ang mommy namin, matutuwa sila at yayakapin kami. I was so excited. I spent my whole night making sure that my card is presentable.

Nangilid ang luha niya sa naalala. "The next day, I gave it to my mom but she stomped on it. All my hard work. Sabi niya sa 'kin, huwag ko siyang lapitan, na salot ako, na dapat hindi na ako nabuhay, na sana namatay na lang ako. Walang magmamahal sa 'kin, siya man o ibang tao. Sabi niya magiging masaya siya kapag...." Mahina siyang napahikbi. "... Nawala ako."

"Lucky..." Blake automatically dried her tears.

"Ang isip ko lang no'n pasayahin ang mommy ko. So I went to the kitchen and took a knife then I hurt myself, thinking that if I'm gone, Mommy will love me."

Masuyo siyang niyakap ni Blake, saka hinagod ang likod niya nang mag-umpisa siyang humikbi nang sunod-sunod.

"I just want her to be happy, Blake. I j-just want her to l-love me, to hug me and to feel that she c-cares for me. 'Yon lang ang gusto ko. Pero wala siyang pakialam sa 'kin. Mabuti na lang hindi ako ganoon kalakas kaya hindi malalim ang nagawa kong sugat. The maids took me to the hospital, the maids took care of me, the maids accompany me. Isang linggo ako sa ospital pero hindi man lang ako binisita ni Mommy.

"Nang makabalik ako sa bahay, ganoon pa rin, galit pa rin siya sa 'kin. Ipinagtatabuyan pa rin niya ako. I really tried my hardest to get her attention and affection but every time I tried, she would slap me, saying I'm an abomination, that I don't deserve to be loved."

Kasabay ng malakas niyang paghikbi ay ang paghigpit ng yakap sa kanya ni Blake at ang paghagod nito sa likod niya.

"When s-she's mad at me even when I'm not doing anything w-wrong, she would use her belt buckle on me." She was trembling and sobbing. "She would hit me until I bleed. Then she would drag me out of the house and left me outside all n-night." Umiling siya. "I d-don't even know what I d-did to her for her to hate me so b-bad. I'd been a good girl. M-mabait ako. Kapag sinasabi niyang hindi ako k-kumain, sinusunod ko naman. Kapag sinabi niyang l-lumuhod, luluhod ako. K-kapag sinabi niyang hindi ako lalabas ng kuwarto kasi nandoon ang mga k-kaibigan niya at i-ikinakahiya niya ako, ginagawa ko naman. A-ano ba ang mali sa 'kin at hindi niya ako nagawang mahalin?"

THE BROKEN SOUL'S PLEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon