Kabanata XVI: Disastrous Training

Start from the beginning
                                    

Tumango ako bilang sagot sa katanungan niya. Ipinakita ko naman sa kanya ang natanggap kong mensahe.

Binasa niya ito at napatangu-tango pa.

"We received the same letter. He's definitely indicating that he is the enemy."

"Iyan din ang iniisip ko," sabi ko at binuksan na sa wakas ang pinto.

Nasa loob na si Dave, ngunit wala pa si Chris. Saan naman kaya nagsusuot ang aninong 'yon?

Nakadekwatro si Dave at tutok na tutok sa binabasa niyang libro. Kung ano man ang pamagat ay hindi ko na dapat pang alamin.

Nag-angat siya ng tingin nang mapansin ang pagpasok namin ni Zanaya.

"So, you decided to finally join us," saad niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ni Zanaya.

Nagkibit-balikat lamang ang isa at hinila ang upuan sa harap mismo ni Dave. Prenteng nakaupo siya ngayon at nilalaro sa kamay niya ang folded na papel.

Naghila na rin ako mauupuan para naman hindi ako nagmumukhang tanga na nakatayo lang sa isang sulok. Kasali pa rin naman ako sa grupo kahit na mahirap intindihin ang mga palitan nila ng mga salita na animo'y mga businessman na sobrang pormal manalita.

"I have no choice. The headmaster will kick me out if I don't join you. I guess I'm really an asset in your group."

"Well, we can manage to win even if you're not with us. Right, Arya?" muntik na akong mabaligtad sa kinauupuan ko nang madako ang tingin niya sa akin. Bakit ako nasali? Mamaya magkaroon ng dragon war eh, madawit pa ako.

Pero dahil may bunganga at isip ako, sinagot ko ang tanong ni Dave.

"Mas okay kaya na nandito si Zanaya sa grupo," siyempre kakampihan ko ang kaibigan ko.

Napangiti nang nakaloloko si Zanaya na mas ikinainis naman ni Dave. Akala ko magsisimula na nga ang digmaan ngunit salamat sa Diyos at dumating si Chris.

"I received a letter," pambungad niya.

"Yes, I think we all received a letter. He really made an effort just to give us these letters one by one," wika ni Dave.

So, alam pala niya agad na may tig-isa kaming sulat mula kay JDC. Kaya naman pala hindi na siya nagtanong kanina tungkol sa mga hawak naming papel ni Zanaya.

Nice one, Dave.

"I just can't understand why would he give us the same letters. Ako lang dapat ang kalaban niya dito, bakit pa kailangang idamay pa kayo?"

"But this is our fight. We are already a part of it the moment that we involved ourselves into this mess, so don't fight all alone. You're with us," ito yata ang unang pagkakataong nakarinig ako ng words of encouragement para kay Dave mula kay Zanaya. Palagi kasing toxic ang lumalabas sa mga bunganga nilang dalawa eh.

Dave let out an amused laugh. Napakunot naman ng noo 'tong si Zan.

"What's funny?"

"It's just that, this is my first time hearing those words from you. I never thought that you would say those. Well, thanks for that. But I don't need you guys to get involved."

"Dave, if you're thinking about our safeness, then don't worry. We won't die," pangungumbinsi ni Chris sa kanya.

Ako na lang 'tong walang masabi. Nakahihiya. Paano ba naman kasi, nakatatakot na magsalita. Puro sila English speaking eh. Kulang na lang malunod ako sa imaginary blood na tumutulo mula sa aking ilong.

But for the sake of saying something...

"Ano ka ba, brad, we can do this! Aja! Payting! Together we stand, divided we fall!" kahit na galing sa lyrics ng kanta ang iba sa sinabi ko, alam kong maco-convince nito si Dave. Subukan lang niyang mag-inarte diyan, naku, malilintikan 'to sa akin.

Tease Out the TruthWhere stories live. Discover now