I Play Favorites

273 16 12
                                    

August 14, 2014

Linya ko na yata ito kagabi pa.

At napag-isip-isip kong ganito nga yata ako.

Sabi nila, it's not nice to play favorites. Kailangan patas lang ang tingin sa lahat.

Pero para sa'kin, depende naman 'yan sa sitwasyon. Kung magulang o guro o boss ka, ayon, malamang hindi nga magandang tignan na may pinapaningan ka.

Pero kung ang usapan na ay isang tao o grupong susuportahan, hindi ba nararapat lang na pumili ng karapat-dapat suportahan?

Sabi nga ng boss ko: "I don't care if he/she is an expert on a subject matter. I don't need people with attitude problems."

Ngayon ko lang na-realize na ganoon din pala ako sa pagpili ng mga taong makakasama ko sa isang project.

Sa mga nakakaalam ng Facebook ko, may isa o dalawang linggo na puro promotions ng isang comic group ang pino-post ko. Hindi po ako pinilit. Hindi rin ako napilitan. At hindi dahil bahagi ng grupo nila ang gumawa/gumagawa ng book covers namin nina Diwata at Kozart para sa Confused Triology. Well, okay. May influence si Kuya T doon. Pero konti lang, hahaha. I mean, pwede namang mga gawa lang ni Kuya T ang pinromote ko sa mga pages na admin ako. That is playing favorites. But I chose to extend it to the rest of the members of the group.

Bakit?

Kasi they deserve it.

Sa mga 'di pa nakakaalam, check out the works of FHATE Comics. I-click niyo nalang yung external link para madirect kayo sa page nila. I-like niyo na rin, hahaha.

Kidding aside, nung inimbitahan kaming pumunta sa Indieket, nagresearch ako. I really went out of my way to see their individual works. At sa tulong ni TM Alie, nakausap ko ang ilan sa kanila. Kaya mas lalo akong nagdecide na tulungan silang magpromote.

And it's the same for the authors na hanggang ngayon ay sinusubaybayan ko ang mga gawa. I'm not only talking about the Power Ninjas. Automatic na silang kabilang sa listahan ng mga favorites ko. May mga authors aside from PNs na patuloy kong inaabangan ang update or sinisimulan ko nang basahin yung mga akda nila.

Hindi dahil sa na-meet ko na sila in person or because I constantly communicate with them.

But because I see their passion and commitment to their chosen craft.

Karamihan pa sa kanila, walang-alinlangang tumutulong pa para mapaganda pa ang mga gawa ng iba. A number of them have personally helped me too. Bukod pa dun, malaking factor din yung ugali nila sa pakikisalamuha sa tao. Ilan sa kanila, nakasama or nakausap ko muna bago ako nagpasyang basahin yung mga gawa nila. Importante kasi sa'kin ang attitude eh.

Kaya naman kapag hiningan nila ako ng tulong, all-out din ako. In retrospect, akala ko it's just about reciprocation because I am a believer of tit-for-tat para walang utang na loob.

Saka ko napansing ang dami ko palang projects na sinasalihan lately. At sumali ako hindi dahil napilitan din ako or dahil gusto ko lang tumanaw ng utang na loob. Kundi gusto kong suportahan yung group na 'yon sa adhikain nila which is, in essence, to help/assist aspiring writers and/or artists.

Ang sarap kasi sa pakiramdam yung alam mong napupunta sa magandang gawain yung pagsuporta sa kanila. Dahil alam mong 'pag tinulungan mo sila, mas marami pa silang matutulungang iba. Mas marami pa silang mai-inspire. It's like paying it forward, I guess.

May nagtanong sa'kin kanina lang: "Support Filipino artists propaganda ba 'yan?"

Hindi ko nasagot nang tama.

Kaya ngayon ko sasagutin: I support Filipino artists and authors who go out of their way to help others.

So...do I play favorites?

Naisulat ko na ang qualifications, hahaha.

At kapag favorite kita, mararamdaman mo talaga.

Nagmamahal,

LELS

PS. Sa mga hindi naman authors pero kasama sa peborit ko... nakakatanggap sila ng libreng libro with matching super long dedic galing sa'kin. #alamnadis

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSWhere stories live. Discover now