Power of the [Imaginative] Mind

511 25 19
                                    

October 24, 2013

 

Hilig niyo bang manood ng horror movies? Ako…sobra. Gusto ko ‘yung mga tulad ng ‘Conjuring’, ‘Insidious’, ‘Shutter’… mga ganon. Mas gusto ko ‘yung tungkol sa multo kesa sa gory horror/thriller films. Kaya nga gustong-gusto ko ng Ghost Adventures diba?

 

Okey lang din sa’kin ang nakakarinig ng legit na ghost experiences ng mga kaibigan ko. Sa katunayan, nung dinalaw kami ni Maui, napunta sa usapang mumu ang pagkakape namin. Ang epekto, nakitulog si Erin sa kwarto ng Lola niya dahil alas dose na ng madaling kami nakauwi.

Parehas kami ni Erin. Kailangan kapag nakarinig ng ghost story, may happy o kaya mas maganda… nakakamatay-sa-tawang kwento na kasunod para makatulog kami nang maluwalhati at hindi mapanaginipan ang mga napag-usapan.

Parang kanina lang nang makauwi kami ni Diwata galing sa forty minutes na paglalakad bilang regular exercise namin. Patulog na kami kaninang mga alas tres ng madaling araw dahil nga may pasok pa ako ng alas siete ng umaga. Nakahiga na kami sa kama, si Diwata sa bandang loob katabi ng dingding para hindi siya maalimpungatan sa paggising ko para pumasok.

DIWATA: Ate, alam mo ba may nabasa ako. ‘Yung mga aswang pala—

AKO: Sandali…papatayin ko lang ‘yung ilaw.

Buong akala ko… nakakatawang anecdote tungkol sa mga aswang ang ikukuwento niya. Napag-usapan kasi namin one time ang paggawa ng funny vampire story in the Philippine setting. Kunwari… mahi-hypnotize ka ng pangit na aswang tapos kakagatin ka na… magpapakagat ka pa rin ba o matatauhan? Lels.. You get the picture.

Isang napakalaking pagkakamali.

AKO: (hilata sa kama) Ano na ‘yon? ‘Yung mga aswang pala…?

DIWATA: Bago ka nila kainin, hahaba ‘yung buhok nila tapos papasok sa ilong—

AKO: (napakapit ako sa braso niya) WAAAHH! TAMA NA! TAMA NA! Buksan natin ulit ‘yung ilaw! T__T

DIWATA: (humahalakhak na) Edi buksan mo ulit. XDD

AKO: Samahan mo ‘ko! Samahan mo ‘ko!!!

Take note. Studio type lang ang unit namin at ilang hakbang lang ang layo ng kama sa kusina kung saan nakasindi ang ilaw.

Sobrang humagalpak si Diwata kasi sumiksik pa talaga ako sa kanya at naglagay ng unan sa gilid ko para walang ‘tumabi’ na kung anong nilalang. Dun daw niya na-witness ang pagiging isip-bata ko, ahuhu.

Minsan na rin akong magkamali noong bago-bago pa ako sa Wattpad. Para i-advertise ang mga nauna kong kwento, pumapatol ako sa read-for-read. Ibig sabihin niyan ‘pakibasa po ang kwento ko tapos babasahin ko ‘yung story mo.’

At isa sa mga natiyempuhan ko… thriller. Ahuhu.

At dahil may isang salita ako. Binasa ko from the first to the very last chapter. To be fair kay author, maganda ang pagkakasulat, sobrang detalyado ng setting pati ‘yung emosyon ng mga tauhan, damang-dama ko rin. Pero ang epekto?

Minura ko nang malutong si author kasi dalawang linggo akong hindi nakakatulog kapag nakapatay ang ilaw. Bakit? Kasi nai-imagine ko lahat. At hanggang sa panaginip, sinusundan nila ako.

Ganyan po ang utak kong masyadong imaginative. Kaya nung ikinu-kwento ni Diwata ‘yung tungkol sa paano kinakain ng aswang ang biktima niya, nag-produce ng scenario ang utak ko ahuhuhu.

‘Yan ang dahilan kung bakit ayokong nagbabasa ng horror stories lalo na kung walang picture. Dahil malinaw kong nakikita sa isipan ko lahat. Kaya kailangan ko rin ng positive and happy thoughts pagkatapos para matabunan ang karimarimarim na kaganapang patuloy na ginagawa ng mataba kong isipan.

Because our brain is very powerful. It takes us to places unimaginable. Kaya nga nagkakaroon tayo ng mga pangarap diba?

Sabi nga ni Napoleon Hill: ‘What the mind can conceive, the body will achieve.’

 

Hindi ko ‘to ia-apply sa mga nabasa o narinig kong ghost stories. Utang na loob, ayokong magkatotoo lahat ng mga multo at malignong naikwento sa’kin.

Pero ano ang point ko? If you can CLEARLY see yourself achieving your dreams in the future – isama mo na ‘yung mga emotions na nararamdaman mo, kung sino ‘yung mga taong kasama mo, kung nasaan ka, anong nangyayari… YOU WILL get there in God’s time.

 

It’s the same as Law of Attraction. Kapag lagi mong iniisip…as in ‘yung hindi lilipas ang isang araw na hindi siya sumagi sa isip mo tapos… if you have already declared that victory will be yours, you WILL eventually be successful. Kasi kino-condition mo na hindi lang ang isip kundi ang katawan mo para marating ‘yun.

Kaya natutuwa ako sa tuwing kasama ko ang Power Ninjas. Dahil sa bawat oras na magkakasama kami, lagi naming na-i-imagine ‘yung book signing events namin, ‘yung gagawing teleserye ‘yung mga kwento namin dahil hindi sapat na pelikula lang. Ambisyosa ba? Pero malay natin, sa sobrang eksaytment namin, makulitan si Papa God at tuparin lahat ‘yon? Ang saya non if ever!

Ikaw? Anong pangarap ang meron ka? Mataas ba o mababaw lang? Postive ba o negative?

 

Ingat-ingat sa pag-iisip dahil maaaring maisakatuparan ‘yan. The universe knows the deepest desires of your heart mabuti man ‘yan o hindi.

Never underestimate the power of your mind. Because it’s a double-edged sword. It can propel you to greatness or plunge you to a downward spiral.

LELS.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSWhere stories live. Discover now