Dreams Do Come True

465 32 7
                                    

Alam kong corny ang title pero ‘yan talaga ang swak na makakapagpaliwanag ng mga kaganapan sa loob ng ilang araw. OO, ilang araw pa lang ang nakalipas bago ako nakapirma ng kontrata with Life Is Beautiful (LIB).

A little background…

 

Simula nung nai-announce ni Diwata na mapa-publish na ang Miss Astig Season 1, dumami rin ang nagfa-follow sa’kin at binabasa ang kwento nina Charlie at Mason. Saksi kami sa mga pagdadalawang-isip ni Diwata nun natanggap niya ‘yung message na ‘yung from the General Manager ng LIB. Nasa probinsiya kasi siya noon at pinababantayan sa kanya ang may-sakit niyang Lola. Dahil sa mga alinlangan niya, tumagal ng ilang linggo ang palitan nila ng private messages ng GM at sinasabihan niya kami lagi para makasigurong hindi ‘yun scam.

 

Thursday, May 15, 2014… bandang 2:30PM ‘yon. Kasalukuyan akong may kausap sa telepono. Tulad ng nakagawian, ako po ay nagmu-multi-tasking na naman, lalo na’t dalawa ang screen ko sa office. Bawat bagong follower ko, pinasasalamatan ko ultimo mga foreigner na nakyutan lang sa default picture ko o kaya sa wallpaper ko.

Nagulat na lang ako kasi sobrang rare na may bago akong follower na naunang nagPM sa’kin. At ang haba pa nung message. Usually kasi, ako talaga ang unang nagri-reach out saka lang sila magre-reply. Kaya nung una kong nabasa ‘yung laman nung message, para akong nabingi. Paumanhin sa kausap ko sa telepono pero hindi ko na nasundan ‘yung sinabi niya. Nung binasa ko ulit ‘yung message at nilapit ko pa ang mukha ko sa monitor, nasabaw ‘yung utak ko. Binasa ko ulit nang mas mabagal.

Dun na ako nanlamig at nanginig. Hindi ko na rin masagot ng matino ‘yung kausap ko sa phone kaya tinapos ko na rin ‘yung tawag.

Bakit?

Kasi parehas na parehas nung screenshot na pinadala sa’min ni Diwata nung siya ang kinontak ng LIB. At nung isang buwan lang, may nag-post ng screenshot din from the same Rights Coordinator of LIB at sinabing na-offer-an din siya ng publishing opportunity. Kaya alam kong hindi ‘yon scam.

 

Una kong sinabihan si boyps, tapos ‘yung mga kapatid ko, tapos ang buong PN, dinamay ko pa si Cielo na nagbalita sa pasimuno ng Birdie Club na si Bel dahil walang pagsisidlan ang tuwa ko. Umabot pa ako sa puntong naluluha na talaga ako kasi.. kamon hamon…

Parang kailan lang na tumatakbo kami ni Diwata tuwing dis-oras ng gabi para lang imagine-nin na ipa-publish na ang Confused Trio and Friends, tapos magbu-book signing event and everything. Hindi na ako nagtaka nung naunang ma-discover ang Miss Astig kasi nga wala ka talagang masabi sa pagkakasulat. Bukod sa napaka-formal ng writing style ni Diwata, malaman talaga ‘yung kwento. I mean, ang daming matututunang lessons.

 

Honestly (and forgive me for this), nagdadalawang-isip ako kay Charlie noon. Kasi alam kong sabaw lang ‘yung kwento niya. Patawa lang talaga at walang depth. For a time, pinaghihinaan na ako ng loob kasi alam kong kapos na kapos pa ako sa kaalaman at sa skill para mapalimbag ang alinman sa mga kwento ko. Tapos, may nabasa din akong advice na baka hindi nagkaka-interes ang isang publishing company sa story kasi either may kaparehong kwento na silang na-publish o kaya, sobrang daming ie-edit dun sa story. So ayon…

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon