Moving On, Moving Forward and Getting Drunk

640 22 15
                                    

July 20, 2013 Saturday


NOTE: Tugon po ito sa mga naunang posts nina Maui (Moving On vs Moving Forward) at Diwata (Usapang Lasing, Suka at Pagmamagaling)

Moving On and Moving Forward or vice versa muna tayo.

Kung baga sa sale, ‘Buy one, Take one’. You can’t do one without (eventually) doing the other. Hindi ka maluwalhating makaka-move forward kung hindi ka pa lubusang nakaka-move on. Pwedeng vice versa. Pero sa’kin kasi, nauna ang moving forward.

Fortunately (or maybe, unfortunately) for me, hindi pa ako nakakaranas nang sobrang sakit na nakaraan kung saan nahirapan akong mag-move on in terms of relationships. Well, siguro ‘yung first love ko ang mashe-share ko. Pero kung ikukumpara ko yun sa mga naibahagi nina Mau at Erin, walang panabla yun kasi parang puppy love lang.

Sa sobrang tagal na ng pangyayaring ‘yon dahil first year high school pa lang ako nun (sa mga nakakaalam, manahimik kayo), hindi ko na kabisado ang lahat ng detalye. Hindi ko rin alam kung ika-categorize ko siya as ‘cheating’ dahil wala naman na kami nung nangyari yun. It involved a close friend, who, prior to me and ex-bf being committed, claimed herself to be the ‘bridge’. Ayan… sa mga nag-iisip gumamit ng tulay-tulay diyan.. babala, charot.

Siyempre, first boyfriend ko ‘yun, binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya… except skinship. Jusmiyo, sa limang(?) buwan naming magkasintahan, minsan lang niya ako naka-holding hands at may panyo pa sa pagitan ng mga palad namin dahil sabi ko sa kanya, baka mabuntis ako kung maghahawak-kamay kami. Yes, ganon ka-inosente si Ate Hunny noon.

Naghiwalay kami ni ex dahil bagsak ang grades niya sa school habang ako, consistent namang mataas. Ayoko kasing maapektuhan ng relasyon namin ‘yung pag-aaral. Para sa’kin kasi, mas maganda kung nakakatulong ang pakikipagrelasyon sa grades –may inspiration para mag-aral ng mabuti, ganun. Ayokong ako ang sisihin ng mga magulang niya dahil mababa ang nakuhang marka ng anak nila simula nung naging kami. So ayun, nakipag-break ako sa kanya. Sabi ko, ayusin muna niya ang grades niya. Shet, thinking about it now, napaka-grade-conscious ko pala talaga.

Pero wala pa yatang dalawang linggo simula nung naghiwalay kami, nalaman kong sila na ni close friend. So, imagine the pain, the bitterness that I felt when I learned about that from OTHER people. Ngayon ko lang napagtantong dapat pala hindi ko siya hiniwalayan noon kasi mas kailangan niya ako para i-tutor sya, charot. Siguro kailangan niya ng karamay at nakaabang naman si friend kaya naging sila. Maybe that was a factor. I don’t really know. And I don’t care anymore (no bitter feelings added).

 

Ayos lang naman sakin kung naging sila. Ang problema, ayaw umamin ni friend siguro dahil iniisip niyang masasaktan ako, blah blah blah. Ang hindi niya alam, mas nasaktan ako dahil sa ibang tao ko pa nalaman. Nagkaroon ng rift ang friendship namin after that. As in, umiiwas siya ng daan kapag magkakasalubong kami sa hallway ng school hanggang sa mangibang-bansa na siya.

 

Pa’no ako nakalagpas from this hateful experience? I became busy with school life, with friends – I moved forward – while at the same time, I hated my ex and my friend. Seryoso, sobrang ampalaya ko noon na tingin ko ngayon, antanga-tanga ko.

IBA'T-IBANG KULAY NG JEBS: Ang Talambuhay ni LELSWhere stories live. Discover now