Kahit di nako lumingon, alam kong si Red 'yon. Base na rin sa boses nito.

"And who are you?" tanong ni Anthony.

Nakapamulsang tumabi sa akin si Red. Napigtad ako nang maramdaman ko ang kanang braso niya sa beywang ko at ang kaliwang kamay  niya ay nasa bulsa.

"She's taken," aniya.

Tahimik umalis ang dalawang lalaki kaya pumihit ako paharap kay Red. "Anong taken? Single kaya ako."

"Psh. Tara na."

Hanggang nakarating kami sa baba ay di niya pa rin tinatanggal ang kanyang braso na nasa beywang ko.

"Saan tayo ngayon?" tanong ko nang makapasok kami ng kotse niya.

"Ikaw? It's already six thirty. Sarado na ang picnic grove," sambit niya at pinaandar ang sasakyan patungong Carlito Hotel. Ang tinutuluyan namin.

"Kain na lang tayo sa restaurant sa baba ng hotel. Libre mo ah?" I said.

"Psh. Para namang nanglibre ka rin eh no?" Inismiran niya ako at binalik  ang paningin sa kalsada.

"Malamang, ang sahod ko ay binibigay ko lahat sa magulang ko." Umayos ako ng upo. "Paano magparadyo? Baka makasira ako eh."

Walang lingon na in-on ni Red ang radyo. Umalingawngaw naman ang 'Fantastic Baby' ng BingBang. Wala sa sariling nilipat ko ang estasyon ng radyo.

'You can be the prince and I can be your princess
You can be the sweet tooth I can be the dentist
You can be the shoes and I can be the laces
You can be the heart that I spill on the pages'

Napangiti ako nang mag play ang kantang paborito kong kanta.

"You can be the vodka and I can be the chaser
You can be the pencil and I can be the paper
You can be as cold as the winter weather
But I don't care as long as we're together," ngiti-ngiti kong kanta.

Narinig ko namang nanakla ang katabi ko kaya binalingan ko ito.

"May problema?"

"Kay ganda ganda ng panahon, pinapaulan mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Maganda naman boses ko ah? Inggit ka lang. Sintunado ka kasi."

"Aba!" Sinulyapan ako nito bago bimalik ang atensyon sa kalsada. "You haven't hear me sing. Tsk."

Humarap ako sakanya. "Prove it then."

Umiling lang ito. "Baka ma fall ka."

Napairap naman ako sa sagot nito. "Huwag ka ngang assuming. Di ako mafa-fall sa taong arogante at palaging may menstrual period."

Muntikan na akong mapasubsob sa windshield ng sasakyan nang pumreno siya bigla. "W-what did you just say?"

"Arogante at palaging may menstrual period. Oh? Angal ka?" tanong ko na parang nanghahamon.

Napatitig namang muli si Red sa kalsada na parang hindi makapaniwala at inapakan ang selinyador upang umusad ang sasakyan.

"That's the first time," bulong ni Red na rinig ko.

"First time mo mukha mo." Umirap ako sakanya at dumukdok sa bintana sa tabi ko. "I want to sleep."

"Then sleep. I'll wake you up as soon as we arrive," sabad ni Red.

Pagod akong tumango at sumandal sa likod ng upuan. Hinahayaan ang sariling lamunin ng antok.

Nagising nalang ako sa bango ng pagkain. Agad akong napabangon at kinusot sa mata. Nagtaka ako nang wala akong mahawakang salamin. Asan na 'yun?

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Where stories live. Discover now