Chapter 14

1.5K 30 3
                                    

Bumalik ang tingin niya kay Jayden nang bigla kasi itong tumawa.

“Hindi pa naman ako kagaya ni Raymond na suyo ng suyo sayo! Para siyang aso!” nagsimula na naman si Jayden sa gawain niya. Tinuro nito ang tuwalyang nakasabit sa hanger. Kinuha naman iyon ni Clarie.

“Sama ka?” tanong nito na nakangiti.

“Saan?”

“Sa banyo, tara ligo tayo.”

“No, thanks!” mariing pagtanggi ni Clarie sabay bato ng tuwalya sa mukha ni Jayden. Tumatawa pa rin ang binata hanggang paglabas ng pinto.

Naiwan siyang mag-isa sa kuwarto nito. Wala masyadong mga gamit sa kuwarto maliban sa isang malaking bag, mini player, at gitara. Malinis ang kuwarto ni Jayden, hindi naman ito ganoon kaburara gaya ng unang impresyon ni Clarie dito dahil sa dirty look nitong itsura noong una silang nagkita. Kinuha niya ang cellphone na Samsung sa mesang nasa gawi ng bintana. Bumungad kaagad ang makulit na wallpaper picture ni Jayden sa screen. Wacky rock style ang pose ng mukha nito. Cute naman ang itsura sa selfie na iyon na nagdulot ng ibang kuryente sa katawan niya.

Bakit nga kaya ganoon ang mga nararamdaman niya? May kutob si Clarie na nagugustuhan na niya ito. Posible rin naman na marami siyang crush. Pero crush nga lang ba itong nararamdaman niya para kay Jayden? Kung titimbangin niya silang dalawa ni Raymond, hindi naman niya maitanggi sa sarili na mas madami ng pinunong espasyo si Jayden sa memory ng utak niya kahit pa ang gusto niya noong una ay mapuno iyon ng mga alaala ni Raymond. Sari-saring alaala na may iba’t-ibang lasa ang mga inipon ni Jayden kasama siya. Kumbaga sa movie, mix ang genre – may comedy, romance, revenge, action at drama.

Kasalukuyan siyang naglalaro ng Flappy Bird sa cell phone ni Jayden dahil gusto niyang lagpasan ang score nitong nasa 300 na. Nasa 100 lang ang highest score sa cell phone niya kaya kahit imposible niyang mataasan ang score ni Jayden sinubukan pa din niya. Naabutan naman siya nito na gamit ang cell phone kaya naman natigil siya at ibinalik kaagad ang cell phone sa mesa.

“Okay lang,” pagbibigay permiso naman nito sa kanya na labis na ipinagtaka niya. “Gamitin mo lang muna. Wala naman kasing ibang mapaglilibangan dito sa kuwarto.”

Hindi pala ganoon kahigpit at kadamot si Jayden sa isip-isip ni Clarie. Napatulala siya noon dahil bigla niyang naalala si Raymond.

“O? Anong nangyari sa’yo diyan?” pagtatanong nito sa kanya habang nagsusuklay ito ng buhok.

“Si Raymond biglang tumaas ‘yung boses niya nang minsan napakialaman ko ‘yung cell phone niya,” pagkukuwento niya.

“Ganoon ba? Bakit mo naman kasi pinakialaman?”

“Hindi ko naman talaga totally pinakialaman. Hinawakan ko lang, kasi may tumatawag ‘nun, eh naiwan niya sa kotse tapos nasa labas pa siya. Ayun nahuli niya ako na hawak ko, agad niyang binawi sa’kin at pinagsabihan na ayaw niya daw na pinakikialaman ng basta-basta ang mga gamit niya.”

“Sino naman ‘yung tumawag?”

“Bea? Bea yung nakalagay eh.”

“Baka girlfriend niya yun kaya nataranta at nag-sungit sa’yo?!”

“Baka hindi naman!” naging bitter ang boses niya. “Baka kaibigan lang.”

“O baka rin may tinatago siya sa’yo. Kilala mo na ba talaga siya? Mamaya iba lang ang gusto niyan sa’yo,” huling nasabi ni Jayden at bumaba muna ng kuwarto.

Hindi niya naman talaga gaanong kilala pa si Raymond. Hindi niya nga alam ang mga pangalan ng mga magulang nito. Kapag nagkukuwentuhan sila mas madalas nilang napag-uusapan iyong mga naging experience nito sa mga pageant at modeling, mga achievements at kung anu-ano pang tungkol lang naman sa sarili nito. Minsan nag-open si Clarie ng buhay niya pero iniiba naman ni Raymond ang topic dahil ma-drama daw ang buhay ng dalaga. Kaya naman nakaramdam din siya ng pagkapahiya dahil sa nangyaring iyon at hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung gusto ba talaga siya nitong makilala o gusto lang nitong ipagmalaki ang sarili sa iba. Minsan nga hindi na gusto ni Clarie na makinig dito at sa mga ikukuwento pa nito dahil nagiging mayabang na ang dating ni Raymond para sa kanya.

Kapag naman kumakain sila, masyado itong metikuloso. Lagi nitong sinasabi na gumamit siya ng tissue at huwag ang panyo niya ang ipunas sa bibig. Hindi alam ni Clarie kung bakit. Kababuyan ba kung sariling panyo ang gagamitin? Ang mga kutsara at tinidor gusto nitong nakaayos palagi kapag natapos na silang kumain. Ganoon daw kasi para maayos tingnan. Sa loob ni Clarie nagpoprotesta na naman ang utak niya na hindi rin naman sila mabibigyan ng award na most-neat-dishes sa restaurant na iyon sa mga trip ni Raymond.

At ang labis na ikinagulat niya ay para ngang may tinatago ang lalaki sa kanya. Ayaw nito na bigla na lang niyang papakialaman ang mga gamit nito. Alam naman din ni Clarie na mali ang pakikialam niya sa mga gamit na hindi naman kanya pero hindi lang niya nagugustuhan ang over reaction ni Raymond na parang inakusahan siyang ninakawan niya ito. At kapag magkasama sila hindi mailabas ni Clarie ang tunay na ugaling mayroon siya. Dahil sa conscious siya sa mga galaw niya at mga sasabihin sa kanya ni Raymond ay limitado ang lahat ng mga galaw niya. Kahit gusto niyang sigawan ito dahil minsan ay nakakaramdam din siya ng inis dito ay hindi naman niya magawa dahil sa pangambang magalit ito at iwasan na siya. I

ba talaga kapag si Jayden ang kasama niya. Lahat nagagawa niya, lahat ng emosyon naipapakita niya. Wala siyang pakialam kung ano pang sabihin ni Jayden. Hindi ito metikuloso, hindi madamot, at hindi siya inaakusahan ng kung anu-anong pagnanakaw. Sa madaling salita, she’s herself when he’s around. Noong una nayabangan siya dito pero hindi naman pala ito talaga ganoon noong nakilala na niya ito. Sa katunayan minsan humble rin naman talaga si Jayden. At minsan na siya nitong naipagtanggol sa mga lasing. Sa mga oras na iyon, nawala na ang amor niya kay Raymond samantalang si Jayden na ang binibida ngayon ng kanyang isipan. Kaya naman hindi na niya naitago pa ang mga ngiti.

Kinuha niya ang gitara habang nasa ibaba pa si Jayden. Masaya siya dahil magkasundo na sila nito. Ang mga trip nitong kalokohan ay hindi niya naman inuurungan bagkus ay tinatapatan pa niya ito. May kakaibang excitement din siya kapag si Jayden ang nakakasama niya. Ayaw na lang niyang isipin na hihigit pa sa kaibigan itong nararamdaman niya para kay Jayden at hindi niya ring gustong umasa na magugustuhan siya nito . Ito na ang tama na dapat niyang gawin upang wala nang makasagabal pa sa pag-aaral niya lalo na sa pagsisimula ng pasukan. Kailangang tapusin na rin niya ang mga paghihirap ni Raymond.

“Mukhang masaya ka Clareng ah!” puna ni Jayden na nasa pinto na at nakatitig lang kay Clarie.

“Kanina ka pa diyan?”

“Medyo?” ngiti nitong na nag-papacute pa. “Nakapag-isip-isip ka na ba?”

“Oo,” pagbitaw ni Clarie sa gitara at tumayo. “Ititigil ko na ang kabaliwan ko kay Raymond.”

“Well, buti naman! Natauhan ka na din.”

Iniwan na niya si Jayden at nagpaalam na din kay Ate Ester. Pero napansin ni Clarie na mas masaya pa yata si Jayden kaysa sa kanya sa desisyon niyang iwasan na si Raymond.

At hindi naman talaga nagkamali si Clarie sa napansin niyang iyon kay Jayden. Nang makaalis na si Clarie sa kuwarto nito ay talagang nangiti si Jayden ng sobra at masinsinang tintingnan ang sariling reflection sa salamin ng kuwarto.

Now, it’s my turn Clarie.
Mukhang may binabalak itong si Jayden. Pero ano pa man ang mga naiisip niyang iyon, hindi niya intensyon makadagdag sa problema ni Clarie. Wala siyang ibang gusto pa rito kundi ang maging masaya at maabot nito ang mga pangarap sa buhay. Sa maikling panahon ng kanilang pagkakakilala hindi niya lubos na maisip na mababaliwala na yata ang una niyang mga plano para rito. At habang nagdadaan ang mga araw ay kasabay rin ang papahabang panahon na nakakasama niya ang dalaga. Habang tumatagal ay nakikilala niya ito ng husto, napapasaya siya nito at nararamdaman na niya ulit ang kanyang sarili na akala niya’y hindi na niya masusumpungan pa.

Ang Pilyo Kong Gitarista (Published under PHR) COMPLETEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن