Intro: Everything Started When

4.3K 94 1
                                    

NAPAPAISMID si Ana habang nakatuon ang pansin sa sweet na sweet na couple sa katabi niyang table. Kanina pa siya naririndi sa bulungan ng mga sweet nothings ng mga ito. Kung hindi lang importante ang kliyente ng boss niya ay tatayo na siya at aalis sa lugar na iyon. Kailangan na talaga niyang maghanap ng mas magandang trabaho. Iiwan na niya ang boss niyang praning at mababa kung magpa-suweldo.

Halos gawain na niya ang lahat sa opisina nito ngunit hindi man nito maisip na dagdagan ng kahit na kaunti ang kanyang sahod. Isa pa itong kliyente nitong kanina pa niya hinihintay. Aba, isang oras na siyang naghihintay. Wala siyang pakialam kung ito man ang pinakamalaking investor sa Rural Bank na kanyang pinagtata-trabahuhan. Kailangan nitong sumunod sa oras na pinagkasunduan.

Wala man lang pasintabi ito kung mahuhuli ng dating o kung dadating pa ba. Naka-leave siya ngayon, utang na loob! Pinapasok lang siya ng matandang boss dahil may emergency raw ito. Wala namang kaso sa kanya eh, kaso planado na niya sana ang mga gagawin. Ang mga lugar na papasyalan at mga pagkaing kakainin. Tatanggi sana siya at magdadahilan pero baka masisante siya nang wala sa oras.

Hindi puwede. Kailangan muna niyang makahanap ng lilipatan. Bilang isang panganay ay kailangan niyang tustusan ang pag-aaral ng dalawang kapatid sa kolehiyo. Ayaw na niyang i-asa sa mga magulang dahil may edad na rin ang mga ito.

"Saan mo gustong mag-bakasyon, hon? Europe naman tayo ngayon?

Hindi na naman niya napigilang umingos nang marinig ang nakakarinding landi ng boses ng babae. It is honestly irritating her ears. Sensitibo pa man din ang pandinig niya sa mga gano'ng bagay. Bitter na kung bitter. She really does not like it.

Kalimutan mo na kasi siya. He's part of your past. It's time to let go, saad ng maliit na boses sa kanyang isip.

Sang-ayon naman siya. She really needs to take the bitterness out of her from her first and only relationship. Pero aminado rin siyang sobrang hirap dahil minahal niya nang sobra si Gerald. He was her world. Her everything. Pero ang pangit na pag-uugali ng matapobre nitong pamilya ang nag-hari sa relasyon nila. They made him break her. And he broke her. Hindi naman nag-dalawang isip ang gago. Para itong robot na walang sariling isip.

"Are you Miss Ana Maria?" Ang boses na iyon ang nakapag-pabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Agad siyang tumayo at nginitian ang bagong dating. The man standing in front of her maybe a sixty to sixty-five year old man. Bukas ang mukha nito dahil sa pagkakangiti. Hindi siya naging maramot at sinuklian ito ng ngiti saka inilahad ang kamay. "Mr. Bossman?" she asked, politely.

The old man nodded then shook her hand. "Yes," he remarked before seating down. Halata sa tindig at pananamit nito na may sinasabi ito sa buhay, but she could not judge him just yet because he carries good vibe with him. Hindi ito gaya ng mga kilala niyang mayayaman. Mga hindi mabanat ang mukha sa pag-ngiti at hindi mabali ang leeg. Kakaiba ang awra ng matandang ito.

Pareho silang naupo sa kani-kanilang silya. "Ahm, pasensya na po pero hindi pa ho ako um-order dahil wala po akong ediya kung aling pagkain ang gusto ninyong kaninin, sir," simula niya.

Ikinagulat niya nang nagpakawala ng mahinang tawa ang kaharap. It was true and genuine. "Huwag mo akong alalahanin, iha. And besides, I won't stay long. May kailangan lang sana akong klaruhin sa---" Bigla itong natigil sa pagsasalita at hinawakan ang tapat ng dibdib nito.

Kumabog ang kanyang dibdib nang malukot ang naka-ngiting mukha nito. Then seconds later, he was catching his breath. Dahil sa kaba ay napatayo siya at lumapit dito. "Sir, okay lang ho ba kayo?" tanong niya sa natatarantang boses. "Can somebody call an ambulance? Someone's having an attack!" sigaw na niya nang hindi ito sumagot bagkus ay kumapit ng mahigpit sa kanyang braso. His breath became shorter and shorter.

Nagpasalamat siya dahil mabilis na nakatawag ang crew ng restaurant sa pinakamalapit na ospital at agad namang nagpadala ng ambulansya. Nanginginig na nakatitig siya sa halos wala ng buhay na matanda habang nakahiga ito sa stretcher sa loob ng van.

The heck? Hindi pa man sila nakapag-usap! May isang taong muntik ng mamatay sa harap niya!
Tulala pa rin siyang nakasunod sa mga nurse at doktor nang nasa Emergency Room na sila. Even when the nurse interviewed her, her only answer was a couple of yes and nos. Lalo na noong biglang nagkagulo at isinugod sa Operating Room ang matanda. She was numb all over, knowing that he could die. Wala siyang naintindihan sa mga sinabi ng doktor nang kausapin siya bukod sa "performing an open heart surgery", ngunit hindi pa rin iyon tumatak sa kanyang isispan kaya puro tango na lang ang kanyang naisagot.

Sino ang kanyang tatawagan? Hindi niya kilala ang pamilya nito. Her boss isn't answering his phone either. Wala din naman itong kasamang driver o alalay. Wala na. Blangko na siya habang nakaupo sa waiting area.

Hours of waiting, a nurse came to her, sinabi nitong natawagan na raw nila ang pamilya nito at papunta na raw. How did they know his family? She has no idea. Doon lamang siya parang nagising sa isang pangit na panaginip. Hinilot niya ang sintido dahil nagsimula nang pumitik iyon. "Puwede na ba akong umalis? I..." Hindi niya alam kung paano matapos ang gustong sabihin.

The nurse smiled with understanding. "Opo. Mayro'n naman po kayong iniwan na mga detalye tungkol sa inyo kung sakalai man pong hanapin kayo," saad nito bago siya iniwan.

Pinanood niya ang likod nitong papalayo. Hay, hindi pa nangangalahati ang araw pero pakiramdam niya ay ang haba-haba na nang oras na nagdaan.

Ah, she needed a drink. Yeah, a much-much needed drink.




****

Just Realice ♥️😼

The Executive and the CommonerWhere stories live. Discover now