'' you mean yung asawa mo na hindi ko pa nakikita at hindi mo man lang ipakilala sa akin? '' nagpatuloy siya sa pag hiwa ng gulay.

'' oo atsaka bakit mo ba gustong makita ang asawa ko mamaya niyan mainlove ka pa eh, ang dami dami ko na ngang inaaway dahil sa kanya tapos dadagdag ka pa '' umismid ako.

Tinutok ni maja ang hawak niyang kutsilyo sa akin.

'' hoooy babae kahit naman ganito ako hindi ko pinangarap na magkagusto sa lalaki noh alam mong di kami talo ng asawa mo. '' nagpatuloy ito sa paghiwa ng  mga gulay.

Hindi pa kasi nakikita at nakikilala ng mga tauhan namin si daniela. Ang alam nila ay lalaki si dandan and for a year hinayaan ko sila na yun ang paniwalaan.

'' ay sus pustahan kapag nakita mo asawa ko tulo laway ka '' pang aasar ko.

Umirap lang naman ito.

'' as if naman, pakita mo muna ng mahatulan ''

'' haha sure ''

Biglang tumunog ang cellphone ko, napangiti ako dahil syempre ang baby ko na ang tumatawag.

'' excuse me I have to take this call ''

Tumango si maja as she mouthed me  dandan. I replied her yes.

Nasa may pintuan pa lang ako ng kusina  ng bigla kong naulinigan ang boses nito na parang nasa may labas lang.

Tiningnan ko ulit ang caller Id ng cellphone ko at tama naman si daniela ang tumatawag sa akin. Pero bakit parang  nandito siya?

hmmmm...

Sumilip ako sa labas at nakita ko nga ang blonde na buhok nito, nakaupo at kumakain?

'' why it taste like this? who's the chef  here? '' galit pero classy pa rin na saad ni dandan sa isa sa mga waiters namin.

Ngayon nakuha ko na kung anong ginagawa nito pero bakit kaya nandito na ito ngayon? Isang araw pa lang ang nakakalipas ah.

Yumuko naman ng bahagya ang kausap  nito na animo'y may nagawang kasalanan. Nagpalitan pa sila ng mga salita bago ito tumungo sa kusina para tawagin si maja. Siya kasi ang naghanda ng pagkain ni daniela.

Tumingin lang sa akin si maja at dumiretso sa pwesto ni dandan. Pupunta na rin sana yung waiter subalit hinawakan ko ito sa braso.

'' anong problema? '' maang kong tanong

'' yun po kasi mam magandang babae na customer nagagalit po at hindi po ata gusto yung lasa ng pagkain na pinag serve sa kanya ''

Pigil ang aking pagtawa sa ngayon ay hindi ko maintindihang laro ng asawa ko na dapat ay nasa boracay pa ngayon. Naisip kong sakyan ito.

'' ang arte naman niya akala mo kung sinong maganda '' naghalukipkip ako at kunwari ay naiinis. Yumuko lang naman ang kausap ko.

Kasabay niya ay lumapit kami kay maja na kinakausap na ang nagtitinaray na daniela.

Nang magtama ang mga mata namin ay kumislap ang kanya. Marami akong tanong pero mamaya na yun makikisakay muna ako sa charade ng babaeng ito.

'' sorry po talaga mam hindi na po mauulit '' hingi ng paumanhin ni maja.

'' dapat lang na hindi dahil kapag palaging ganito ang serving ay mauubusan kayo ng customers '' pag iinarte pa nito.

bwisit bakit ba ang ganda ganda niya sa paningin ko?

Naisipan ko ng makisabad.

'' excuse me mam ano po bang problema? '' mahinahon kong tanong.

'' and who are you? ''

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя