Chapter Thirty Three

4.2K 108 0
                                    

- MEGHAN -

Matapos ang surprise ko kay dandan na naging dahilan para umiyak siya ng umiyak, time naman niya para magpakitang gilas.

The time na lumabas kami from the bar hindi na pinakawalan ni dandan ang kamay ko. Hawak hawak niya ito until dumating yung sundo naming limousine. Ang taray talaga nito ni baby. hmmmm.

'' where we going honey? '' tanong ko ditong napakasweet.

'' secret ho---ney '' ngumiti naman ito. Binigyan niya talaga ng conviction ang word na honey at pinalabas na naman nito ang mga dimples niya.

Hay life mamamatay na ako sa pagkainlove sa dandan ko.

'' ladies first '' sabi nito sa akin at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Pumasok na kami sa sasakyan, kasama rin ang mga kaibigan namin na nasa kabilang sasakyan naman.

Nagtataka na ako kung saan kami pupunta hanggang makarating kami sa lugar na may malawak na space and guess what? may naghihintay sa aming private plane.

'' OH MY GOSH!!!! '' bulalas agad ni baklang marky pagkababa pa lang ng sasakyan, sabay takip sa bibig nito.

'' sasakay tayo diyan??? '' tanong ni serena na halatang halatang excited nang sumakay. Isa kasi ito sa dream niya ang sumakay sa isang private plane, and phew dream come true my friend.

'' yes sasakay tayo dito!!!! '' sagot ni christon na nasa taas na ng plane.

'' Hi serena!!!! '' bati nito sabay wave sa kaibigan ko. Namula naman ito.

'' ui may nag wa-wave na sa kanya '' kinindatan ko ito at mas lalo pa itong namula na parang kamatis.

'' let's go guys '' yaya na ni dandan.

Nauna na ang mga kaibigan ko sa taas at nagulat sila ng makita nila ang iba pang kaibigan ni dandan.

'' hi guys '' sabay sabay na bati nila sa amin at bigla silang sumigaw with confetti.

'' HAPPY 5TH MONTHSARY DANMEG!!!!!! ''  at nagturutot pa si nate at sonny.

'' danmeg talaga eh noh '' pag uulit ni dandan dito at tumawa ito.

'' maganda naman ah '' pagtatanggol ni alex. Nagkibit balikat naman ako, pero bagay naman talaga sa amin.

'' take your seats our beloved guests and we're now going to take off '' ani ni denton na feel na feel ang uniform niyang pang kapitan.

'' ui denton marunong ka ba talaga magpalipad??? ayaw ko pang mamatay ha '' may pangambang tanong ni angela.

'' oo naman po madam, ako pa ba??'' kumindat ito. At ahem mukhang may next ng love team ah.

Pinakilala muna ni dandan ang bawat isa bago kami lumipad sa himpapawid.

'' wow!!! ''

'' ui look!!! ''

'' wow!!!! ''

Yan lang ang maririnig mo sa mga kaibigan ko, ang nakakatuwa lang ang nag si-serve sa amin ay ang tropa ni dandan at complete uniform pa ha. Pinaghandaan talaga nila nakakatuwa.

And few hours later nasa palawan na kami.

Dali daling bumaba ng plane ang mga kaibigan namin at nag bonding kami. It was a wonderful night. Hindi lang kami ni dandan ang nag ienjoy pati na rin mga kaibigan namin.

Andito kami ngayon sa rest house naman ng pamilya ni alex. Wala raw kasi family niya nasa abroad so free kami na mag stay dito for 2 days.

'' nagustuhan mo ba love? '' tanong ni dandan sa akin. Nakaupo kami sa couch sa living room. Alam niya kasi na lamigin ako so mas pinili naming pumasok na lang muna sa bahay habang yung iba ay nasa labas at nagkukulitan.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon