Chapter Twenty One

5.8K 155 1
                                    

- MEGHAN -

hay ano ba naman yan ang aga aga ko na ngang sinimulan ang mga paper works na ito hindi pa rin ako matapos tapos. 3 oras na kaya ako rito, si mam naman kasi ako pa ang nautusan, nagsisimula na ang laro nila dandan baka mamaya nilalandi na ng babaeng yun ang girlfriend ko masasabunutan ko talaga yun and speaking of her nagtext na siya sa akin.

Tiningnan ko ito agad agad ofcourse naman, it came from my one and only love.

Dan dan my love❣

baby start na po ang game namin habol ka na lang dito ha, suot ko ang gift mo. I love you.

Napangiti ako at kinikilig hay naku ang sweet sweet naman po talaga ng baby ko, nireplayan ko siya.

okay baby sunod ako pero di ko sure if what time ang dami kasi pinapagawa ni mam nakakainis nga eh parang ako lang ang member ng club na ito. Mag ingat ka ha ayaw ko magkasugat ka. I love you too.

Pagkasend ko ay itinabi ko na ang phone ko at maya maya pa ay dumating na ulit si mam may dala dala na naman itong mga papel.

Napa face palm na lang ako, wala na talagang pag asa na makapanood pa ako sa dami ba naman ng tatapusin ko.

Ano ba naman yan si mam !!!!!!

- DANIELA -

Natapos na ang laro namin pero hindi pa rin dumarating si meghan. Nasaan na kaya yun? Hindi pa rin kasi siya nagrereply sa mga texts ko.

'' hi daniela '' may bumati at humawak sa likod ko na kinagulat ko.

'' oh! '' lumingon ako bigla

'' magugulatin ka pala sorry I didn't mean to '' si stacy pala, akala ko kung sino.

'' ahm ahh yes a little, by the way that was a nice play '' ngumiti ako rito habang nagpupunas ng pawis ko.

'' yeah alam ko. I do hope na magkaharap agad sa court ang group natin para naman ganahan akong maglaro kasi nandun ka '' sabay hawak nito sa braso ko.

Nailang naman ako pero ayaw ko naman tanggalin bigla at alam ko naman na wala yun ibig sabihin.

'' ahem ahem excuse me could you please take off your hand from her arm? '' si megmeg nandito na, pero bakit mukhang galit siya?

'' and why is that? '' saad ni stacy

'' because she's my girlfriend I presume '' pagtataray niya dito at binigyang diin niya talaga ang word na my girlfriend.

'' oh I see, sorry ha hindi ko kasi natandaan na may girlfriend si daniela '' umirap ito kay meghan.

Nakita ko naman na kinuyom na nito mga kamay niya, for sure naiinis na  talaga ito kaya tinawag ko na siya at hinila papunta sa tabi ko.

- MEGHAN -

hay naku talaga si mam ang daming pinagawa ayan tuloy natapos na ang laro at hindi ko na rin nagawang magreply sa mga texts niya sa pagmamadaling makapunta sa gym.

Tumakbo na ako ng mabilis papunta sa direksyon ng gym. Feeling ko nasa marathon ako sa bilis ko.

gosh nakakahingal.

Nang dumating ako nakita ko kaagad ang impaktang stacy na yun na nakahawak sa baby ko.

Hay uminit agad ang ulo ko at dali daling lumapit sa kanila. Sinabihan ko ang bwisit na bitiwan si dandan pero tinarayan lang ako nito at sinabi na hindi niya ako matandaan, kabwisit talaga.

Napakuyom na ako ng mga kamay ko sa sobrang inis, napansin na siguro ni dandan kaya tinawag niya ako at hinila papunta sa kanya.

'' hinintay kita love '' saad ni dandan na nagpacute pa talaga sa akin.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now