Chapter Fifty Seven

5.6K 136 0
                                    

- MEGHAN -

'' anak kumusta ka na?? '' si mama, alam niya rin kasi nangyari kagabi sa bar.

'' medyo masakit ang ulo ko ma  ''

umupo si mama sa kama ko kaya umupo na rin ako. Gosh umiikot ang buong paligid  sa sobrang hilo. Napahawak ako sa sintido ko at hinawakan naman ni mama ang isang kamay ko.

'' Alam ko na kayang kaya mo ang sakit ng ulo mo, eh yung dito? '' tinuro niya ang dibdib ko and that instant tumulo na naman ang mga luha ko.

'' mama naman pinaalala pa, magang maga pa nga ang mga mata ko sa kakaiyak tapos heto na naman '' humikbi ako.

Ang aga aga pa kaya, kung hindi nga dahil sa pagod ko sa pag iyak kagabi after nila akong ihatid dito sa bahay ay hindi ako makakatulog.

Niyakap ako ni mama kaya mas lalo akong naiyak.

'' s...she left me again ma, bakit naman ganun si dandan? ''

Hinimas himas ni mama ang likod ko.

'' dahil mahal na mahal ka niya anak ''

'' mahal? kung mahal niya ako bakit mas pinili niyang layuan ako at masaktan ng todo todo '' hindi ko mapigilang mainis sa kanya.

Totoo naman sinabi ko diba, if she really love me she'll stay with me.

'' may mga bagay talagang minsan hindi natin maiintindihan sa una at may mga pagkakataon din na kailangan mong piliin ang tama even it means na saktan mo ang sarili mo ''

Inangat ko ang ulo ko at tumingin kay mama.

'' what do you mean ma? ''

Tumingin ito sa akin at parang naiiyak na. She wiped out the tears in my face and took a deep sigh.

'' tingin ko kailangan mo ng malaman ang totoo ''

I creased my eyebrows.

'' anong totoo ma? ''

'' About daniela. I'm sorry anak kung nagawa naming maglihim sayo ''

'' ma sabihin mo na, ano ba yun??? ''

I'm being impatient alam ko pero ano ba kasing totoo??,  tumango ito.

'' A day before daniela left 2 years ago pumunta siya dito sa bahay. Sinabi niya sa akin na nalaman ng dad niya ang about sa inyo and he didn't like it. Galit na galit ang daddy nito sakanya. Handa ka naman ipaglaban ni daniela anak, handa niyang iwan ang lahat para sayo pero her dad blackmailed her. '' nilunok ni mama ang parang malaking kung ano na nakabara sa lalamunan niya bago nagpatuloy.

'' he told daniela na kapag hindi ka hiniwalayan at hindi umuwi ng amerika, sisirain niya ang buhay mo anak at pati na ang buong pamilya natin, ipapasara niya rin daw yung negosyo ng papa mo ''

'' huh!? grabe naman ata yun ma, bakit naman yun gagawin ng dad niya?? ''

'' naalala mo ba yung story namin sayo ng papa mo tungkol sa isa pa naming kaibigan na nagalit sa amin dahil akala niya ay niloko at pinagkaisahan namin siya?? ''

tumango ako.

'' ang daddy yun ni daniela, after niyang  malaman na magkarelasyon kayo ng anak niya pina background check ka niya and he found out that you're our daughter kaya mas lalo itong nagalit. He was willing to do anything para lang mailayo ang anak niya sayo. So daniela made the decision na layuan ka para ma save ka anak at ang pamilya natin. ''

'' ma bakit ngayon mo lang sinabi?? nagalit ako kay daniela ng 2 taon----- '' iyak na naman ako ng iyak.

'' Sorry anak she made me to promise na huwag sabihin sayo at baka nga kapag nalaman mo habulin mo siya at mas masasaktan ka lang daw. Mas makakaya niya raw na siya na lang yung masaktan kesa ikaw at hindi niya yun makakayanan ''

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon