Chapter Forty One

4.1K 86 0
                                    

- DANIELA -

Nandito ako ngayon sa cafeteria sa labas ng school, wala kasi kaming pasok may meeting daw ang faculty. I texted meghan at sabi ko sa kanya ay pumunta siya rito. Tinatapos niya lang daw yung pinapagawa ni prof. then pupunta na siya.

30mins. na wala pa rin siya naka 3 frappe  na tuloy ako, ang tagal naman niya so kinuha ko na muna tuloy ang phone ko then nag browse ng mga pictures.

Puro si meghan laman nito at ako pero mas madami ang mukha ng baby ko, syempre naman * smirk.

Ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan ko ang napakagandang mukha ng megmeg ko nang may biglang sumulpot na isang mukha sa may gilid at humalik sa pisngi ko.

tsup!

'' girlfriend mo? ganda ha! '' si meghan nagbibiro.

'' yes hindi lang maganda, napakaganda at mahal na mahal ko talaga ito '' sagot ko naman habang nakatitig pa rin sa phone ko.

'' huwag ka mag alala mahal na mahal ka rin niya ''

Nagkatitigan kaming dalawa.

'' I know '' sagot ko at ngumiti ito sa akin and kissed me.

'' ang tagal mo baby '' sabi ko na nagpapacute na naman.

Pinindot pindot niya ang ilong ko '' sorry na po baby ang dami kong tinapos eh ''

'' hmmmmm okay lang, may nakasama naman ako ''

Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

'' siguraduhin mong maitatago mo yan sa akin at baka makalbo ko yan ''

Natawa ako sa sinabi niya kaya hinila ko siya and let her sit on my lap. I encircle my arms around her and sniffed her back  --- ang bango!

'' I'm kidding walang makakapantay sayo love '' sabay kagat ko sa likod nito.

'' ouch, bampira ka talaga noh ''

'' oo pero sayo lang '' kinagat ko ulit ito at pinalo niya ako ng mahina sa braso. Umalis na ito sa lap ko at kumuha ng upuan. Umupo ito sa tabi ko.

'' kumain ka na? '' tanong niya at kinuha ang menu.

'' busog na ako naka 3 frappe na ako kakahintay sayo '' sagot ko at natawa ito, dire diretso pa rin pagpili nito.

'' I'm hungry na, ako na lang kakain ''

'' okay ''

Nag order na siya and habang kumakain ito ay pilit ko pa rin itong kinukulit, hanggang sa sinabi ko na ang about kay dad.

'' mahal? ''

'' yes? may sasabihin ka ba? '' she took another bite of the muffin.

'' my dad is here ''

'' ohhh well that's good diba ang tagal niyo na siyang hindi nakikita at nakakasama '' tumango lang ako..

'' pero why you're not seemed happy? ''

Hinawakan ko kamay niya.

'' kasi hindi ko pa nasasabi sa kanya about sa ating dalawa, and he still doesn't know that I'm fluid ''

'' ahmmm okay, so?? ''

'' so....... '' I trailed off.. Nahirapan akong dugtungan ito.

'' don't worry hindi mo naman kailangan na ipakilala ako agad as girlfriend mo, let's do that kapag okay ka na....''

'' okay lang sayo??? ''

'' oo naman love wala naman yun kaso sa akin ''  ngumiti ito sa akin.

Natouch ako sa sinabi niya gusto ko na ngang maiyak eh, napakamaintindihin talaga nito kahit kailan.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora